Tao Lang
Ano ba ang dahilan ng iyong pagkakaganyan? Ano nga ba ang kailangan patunayan? Luha ay huwag sayangin Sa mga maling pagtingin. Ang isang pagsubok ay di matatakasan Gamit ang isang maling paraan. Sino nga ba ang dapat sisihin? Sa sarili ito ba ay naitanong mo din? Lahat ng iyong nararanasan Mula sa pinili mong daan Kasalanan sa iba ay huwag ipagtulakan Hindi ka perpekto, alam mo iyan. Ngunit alam mong sila ay katulad mo rin Taong mapanghusga at mapagdiin Problema ay huwag mong iisipin Sa ilalim ng usok na di kanais-nais sa paningin. Tanging ikaw lamang ang makakabangon Sa sarili mong pagkabaon. Hayaan mong husgahan ka nila Wala kang dapat ipag-alala King ika'y nasa tama lamang At hindi ka rin nagkulang. Ewan ko kung relate to dito @siopao 👇👇https://read.cash/@siopao/usok-at-problema-00ab73fe
No comments yet