Hanap Tayo Ibang Basket
Nahihirapan ka na ba kumuha ng points? Akala mo constant ano? Ang iba kasi akala nila trabaho ito. Malakas kasi dati ang points. Pero alam niyo ba na kahit ako na nagtatrabaho at sumasahod naman ng maayos ay naghahanap pa rin ng maraming basket? Naniniwala akong lahat ng bagay ay hindi permanente sa mundong 'to kaya naisip ko lang na maging matyaga sa kahit anong diskarte na kaya ko. Maghanap ka ng ibang basket - ibig sabihin, hanap ka pa ng ibang paraan para kumita. Wag mag-antay sa isang payout lang. Marami dyan sa tabi-tabi basta ba masipag ka lang maghanap. Huwag kang magpapasilaw sa mabilis at malakas na bayaran sa umpisa. Kumbaga mag-enjoy ka lang pero wag aasang tuloy tuloy lang ang lahat. Maghanap ka ng maraming paraan para sa huli hindi ka din mahirapan. Kapag tumigil na ang isa hindi ka magwawala dahil may isa ka pang reserba. Ganoon lang. Maging matyaga sa mga maliliit na paraan.
No comments yet