Paasa
Ang iyong pagsuyo ilang taon ding tumagal Sa poong may kapal aking dinadasal Sa iyong pananalita ako'y tuluyang naniwala Pagmamahal mong tunay sa mata makikita Kay saya ng damdamin, kay sarap na isipin Ang umibig nang muli'y hindi ko inakala Sa isip ko'y ikaw na nga Ang magsasagip nitong pusong minsan nang nasawi Ang hihila sa akin upang makabangon muli Lumipas ang kahapon, nag-iba ang panahon Dumilim ang kalangitan, ako'y iyong iniwan Kamay ko'y iyong binitawan sa gitna ng kadiliman Hinanap kita upang sagipin Mula sa matinding pagsubok natin Sa gitna ng ulan, ika'y natagpuan Iba ang iyong kapiling at kayakap Puso ko'y parang sinaksak ng ilang ulit Sa sobrang pait at sakit Nawala lang ako saglit, sa iba ka kumapit. "Nandito ako!" Aking sigaw Ngunit sa kanya tila ayaw mo nang bumitaw Ako'y muling nalugmok sa kalungkutan Nang iwan mong tuluyan. Tila ba ako'y napaglaruan Ng tadhanang mapanlinlang... At ngayon ay bumabangon Sa pagkadapa mula sa mga hamon Tatayo ako mag-isa,Na may pag-asa sa mga mata Kailanma'y di na aasa, sa magagandang salita nila.. Wala lang... nainspire lang ako sa mga tula ni @siopao 😂. Di ko ma let-go ang notebook ko nuon buti na lang may Readcash pwede gawing notebook ng kahit ano. Haha!😅 Pero itong tula na to ay inaalay ko sa aking kaibigan na naiwan..hehehe.! ✌️✌️Minsan kailangan din nating gumawa ng mga salita na pwede silang makarelate. Para din sa mga mabilis umasa.. magsilbi sanang aral na minsan may scam din sa pag-ibig... 😅😜😘
No comments yet