read.cash Log in
@kat2x more from that month

Pahinging Kape!

Gising hanggang 1:00 a.m., bangon ng 4:00 a.m. para maghanda ng breakfast. Pasok ng 7:30 a.m. at ngayon nakapikit mata habang nagtatype. πŸ˜… Ang hirap maging ina. Ang hirap maging provider. Yung gagawin mo na lahat para lang kumita. Pero sa totoo lang may sweldo naman ako kaya hindi kami gutom. Pero masaya lang talaga ako sa ginagawa ko. Ano bang tawag sakin? Pahinging kape! πŸ˜β˜• Nanginginig ang kalamnan ko sa sobrang puyat. 😴 Natuto akong gumawa at magbenta ng kahit ano dahil sa maliit lang ang sahod ko dati. Ngayon naman kahit papano ay nakaraos na ay nakasanayan ko parin ang sobrang paggawa ng kahit ano. Pinambibili ko na lang ng pangangailangan o di kaya laruan ng mga anak ko. Ikaw, anong pinagkakaabalahan mo? Busy ka ba sa buhay? Anong nakakapagpapuyat sayo?

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.