read.cash Log in
@kat2x more from that month

Ginisang Bunga ng Malunggay

Ito ay isang kakaibang pagkain na bihira lamang nakikita sa ating hapagkainan. Ang tatay ko ay isang ilocano at marahil ay ito ang mandalas nilang kinakain doon sa kanilang probinsya sa Nueva Ecija. Maraming malunggay kahit saan kaya madali mo lang mahahanap itong pangunahing sangkap na gagamitin natin sa pagluluto.

Simulan na natin. Mga sangkap: 500 grams karne ng baka (pwedeng kahit anong klaseng karne) hiwain ng manipis 10-15 piraso bunga ng malunggay (balatan at hiwain ng 2.5 inches) 1 piraso sibuyas (chopped) 5 cloves bawang (chopped) 2 kutsara toyo 1 piraso kamatis 1/2 kutsaritang durog na paminta 500 Ml tubig Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Ilagay ang karne ng baka. Maglagay ng toyo at kaunting paminta. Maaaring maglagay ng kaunting asin pandagdag lasa. Ilagay ang bunga ng malunggay at halu-haloin ng ilang minuto. Ibuhos ang tubig at takpan. Hayang kumulo ang sabaw hang gang maluto ang bunga ng malunggay. Ganoon lang kadali ang pagluluto. Subukan at tikman ang kakaibang panlasang pinoy na ito ng mga ilocano.

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.