If you're an English reader, proceed to the end portion of this article 😊😊
Siguro napapansin niyo halos isang buwan akong nawala dito. I'll speak tagalog para ma elaborate ko ng maayos. Haha! Tawa pa rin ako diba? Halos araw-araw makikita mo akong tumatawa og nagpapatawa kaya naman no one can see how I really feel deep inside. Feel nga eh, kaya hindi talaga makikita yan diba?
Nang bumungad sa akin ang month of November, ang ganda ng ngiti ko nung ilang beses akong tumama sa Bingo. Lol! Pero tinigil ko din matapos kong ubusin lahat ng panalo ko. Bumili ako ng bigas maka ilang beses, para sa bahay, at sa mga magulang ko. Nakatulong din ako sa isang kaibigan na maisakatuparan ang plano niyang birthday ng anak niya. Ang bait diba?
Well, ang perang napanalunan ko ay unexpected at hindi dapat ipagdamot. Kaya iyon ang naisip kong gawin para makatulong to make others happy din. Pero nang magsimula ang buwang ito, parang gusto ko din paniwalaan iyong kasabihang, "ang anumang swerte ay may katumbas na malas". Sa Feng sui movie ko yata narinig 'yon..hehe.
Alam ko naman, it's all just a coincidence pero ang saklap talaga sa buwang ito. I was loaded with so much work to do. Sa mahigit 2 months ng anak ko sa online class, kailangan ko pa rin sya iassist kasi wala din sya sa focus minsan. Hay, nakakastress maging ina. Pag-uwi ko sa bahay kailangan ko pa pursigihin na sagutan ang mga assignments. Ilang beses din nangyari to. Well, normal lang yan siszt kaya cool lang tayo syempre. Kahit pa mapuyat ka kakaturo sa anak mo, walang problema kasi trabaho din nating magulang ang gabayan at turuan sila.
Sa issue ng modules, yes, sobrang stressful niya but that's normal as I said. Hehe. Doon na ako sa part na nagkasakit itong eldest ko. Bandang end of October hanggang nitong nagstart ang November, kakatapos lang ng gamutan sa ubo niyang hindi mawala wala. Ang laki ng budget na nawala sa akin. Inipon ko for how many months para sa mga okasyon, birthday, pasko, etc... Napunta lang sa pagpapagamot.
Samahan pa noong nagsimula ang tag-ulan, may mga nakita kaming hindi kaaya aya sa apartment namin. Nagmomoist ang walls na nakakapagdevelop ng molds. Kinailangan kong punasan araw-araw ang mga iyon. Gumastos ako sa pagbabalabada ulit ng mga bagong labang damit dahil kahit nakalagay sa mga storage box ay nagmomolds din ang mga ito. Isa din marahil na dahilan kung bakit ayaw mawala ng ubo at sipon ng mga anak ko.
Nakita din namin nay may mga tulo na sa kisame na wala naman nuon. I reported this to my landlady. Walang action. May isang beses na binaha kami dahil nagclog ang drainage namin. Itinawag ko sa landlady at hindi siya umaksyon kaagad kaya nabasa lahat ng gamit namin na nakababa. Ang laki ng ginastos ko sa paglinis ng mga napinsala noon at pagpapalabada ng mga foam at damit na nakalagay sa bag na nakababa lang.
Then nung nagstart ako magrecover ng funds, last week to be exact, nagkasipon yung youngest ko. Simpleng sipon lang naman. Ang hindi simple dun ay yung nagkasugat 'yong ilong niya kakapahid ng sipon. Tinry ko muna maghome remedy pero ilang weeks na hindi pa rin sya gumagaling. Ang kawawa tingnan nah halos araw-araw dumurugo iyong ilong sa irritation.
Guys, gustuhin ko man sila ipasyal ngayon kasi pwede na sana lumabas ang mga bata, nakalabas lang kami para magpa check-up. Isa pa, nakisabay din tong eldest na nagkasakit na naman. Diba ang bongga? Sabay pa sila pina check-up kaya sabay sabay din naglaho ang konting naipon ko.
Ang daming gamot na binili ko para sa dalawa. Kasi yung maliit, hindi lang may sugat sa ilong, may sore eyes din pala. So he was given, eye drops, ointment for the nose, at antibiotics plus gamot sa sipon. Nag undergo din ng urinalysis yung eldest since masakit dw umihi. So, iyon na nga, may UTI siya. Tatlong bote ng antibiotics ang kailangan para sa kanilang dalawa at advil para sa sakit ng pag ihi, pero di ko binili iyong advil since sinabi niya na tolerable lang naman ang sakit at di na niya kailangan iyon.
While I cannot focus on writing dahil sa sobrang worried ako sa dalawa, halos nakatunganga lang ako kakaisip kung saan pa kukuha. Buti na lang may iilan na bumili ng cakes ko. Hehe.
Then naisip ko lang, na maglaro ulit. Hindi po ako sugarol ano, pero sinubukan ko lang naman ulit baka kako may kahit konti maidagdag. Sinugal ko na lang iyong last 150 ko. Hehehe. Kahit iniisip ko talaga na huwag isugal dahil baka mas lalo lang akong mawalan. Aba'y nanalo ako nga 2,000 sa slots. Haha! Iniwithdraw ko kaagad at nag-iwan pa ng kaunti. After ko magwithdraw, naglaro ulit ako sa halagang 130 na nanalo ulit ng 2100. Ang saya ko dahil wala na akong pambili talaga ng gamot dahil kulang pa iyong nabili ko. Hindi lang naman kasi gamot ang kailangan ko pang bilhin dahil kailangan din namin kumain at mamamasahe pa ako sa araw-araw na duty.
Sa sobrang focus ko sa meds ng mga anak ko. I forgot about the groceries. Wala na pala kaming sabon, pati shampoo. And guess what, paubos na din ang toothpaste! Buti na lang nagsstock din ako ng ilang sachet's for short travels. Gosh! enebeyen... nakakapressure naman to. And since ayaw na ni hubby sa meat, I have to buy fish na wala din akong makitang mura. Napakamamahal ng mga isda ngayon, mas mahal pa talaga sa karne. Haiszt!
The day after namin magpa check up, nilagnat iyong maliit. I had to apply for a work from home para maobserbahan ko iyong mga bata. Puyat to the highest level dzae! Kahit hindi pwede sa akin magpuyat, I have no choice.
Nung naging okay na iyong youngest on the next day, akala ko tapos na, nilagnat din yung malaki kinagabihan kaya puyat na naman si Inday. Hahay... Okay lang mapuyat, pero napapaisip pa rin ako san pa ulit kukuha ng pang groceries naman. Hehe.. Naalala ko nag iwan pala ako ng konting chips dun sa laro ko kaya tinry ko nanaman maglaro ulit at buti na lang naka jackpot ako ng konti mga 3,000.. hehehe.. Girl! konti lang nabili ko dahil sa 3k na iyan may bills sa kuryente at tubig na nakaabang. Haha! Buti na lang sumahod ng konti.
Pero sumasabay yata sa malakas na pag ulan ang malas ko dahil nang tingnan ko stocks ng gatas at diaper ay paubos na rin. Ang bait nga lang talaga ni Lord at kahit papaano, kapag nagkakaproblema ako sa mga ganito ay nakakakita naman agad ng solusyon. Nabili ko na lahat ng namention except sa gatas at diaper. Tapos, iyon may konting natira pa sa account ko kaya mag wiwithdraw ako para dun sa kulang. Nang biglang tumawag si asawa. Naubusan na daw pala kaming gasul. Hahaha! Ayaw pa talaga akong tantanan ng kamalasan. Matatapos na lang ang November, sige pa rin sa pagbuhos..
May pahabol pa. Ito literal na buhos talaga.. Dahil nga nabanggit ko na may mga tulo sa kisame naglagay kami ng pang salok. Ibinilin ko sa asawa ko na itapon yung naipong tubig dahil baka 'pag umulan ulit mapuno at mahirapan na kami ibaba yun dahil nasa itaas kasi sya. At dahil di niya nagawa, I had to do it myself kasi puno na nga at patuloy pa rin ang pag ulan ng malakas. Inakyat ko sya at dahil kinulang ako sa height, di ko sya masyadong abot.
Kumuha ako ng maliit na container at inunti unti ko ang buhos. Sa sobrang bigat dahil 10 liters yun, nahirapan akong kontrolin kaya bumuhos lahat sa mukha ko iyong tubig ulan na pagka dumi dumi. eeeww... Katatapos ko lang maligo pero kinailangan ko maligo ulit dahil dun.. hahahah! Diba mapapatawa ka na lang.
May humabol pa palang isa. Tumawag ulit si hubby, ang sabi natanggal dw yung isang part ng gulong ng motor, ayun kailangan daw palitan. 😅
If you're having a bad day, read this.. mas malas ako sa'yo this month..hahaha! Anyway, this is just to remind everyone to keep praying and be cheerful in times like this. Kasi wala namang maitutulong ang pagsimangot sa problema mo, magmumukha ka lang mangkukulam. Haha!
To my english readers:
The story above tells about what happened to me in this month of November.
I have been experiencing too much stress about my kid's online class, financial struggles and more unlucky moments. My two sons both had health problems and I was badly struggling financially. The reason why I was away from read.cash is because I had to focus on my family. Focus on looking for more resources.
There were times I tried my luck with online casino, which gave pretty amazing results. I was able to cover up my expenses with winning small amounts from it and from being able to sell my cakes.
But I'm telling you, gambling isn't the right solution for financial problems. I just tried it and luckily it won some amount. It's not advisable, so don't do it if you don't want to lose your money.
Also, I had a few misfortunes at home. My walls are filled with molds when the rainy season started. I had to keep on wiping and cleaning it everyday because my kids are getting sick and it could ne the cause of their allergies. It even developed molds in our new clothes even if stored inside a storage box. 🤔
We're out of gas for cooking, and gas for transportation, plus, our motorcycle's tire sort of exploded and lost a spare part. Then the rain drippings that are collected from the ceiling all went into my face when I tried to empty the bottle because my husband wasn't able to do it even if he's at home...
So if you're having a bad day.. Try to think of my November, maybe it's worse than yours. 😅
Hanggang ngayon hindi pa din ako nakakasubok sa game. 😅 nabusy din ako very light pero push pa din ako sa article. Natawa ako doon sa bumuhos sayo ang naipon mong ulan. Yan ang hirap kapag ang landlady hindi nakikicooperate. Sa singilan lang sila mabilis tapos mamaya sa dulo sa inyo pa isisisi na hindi niyo inalagaan yung bahay.
Anyway, sana ok na mga anak mo. Siguro dahil sa pag-ulan-ulan din kaya nagkakasakit sila. Meron sinabi sa akin yung asawa ng pinsan ko noon. Not sure if effective talaga. Nakalagay siya sa maliit na container tapos itsurang sago siya. Sa Ace Hardware ako nakakakita nun. Sabi ng asawa ng pinsan ko for molds daw. Hindi ko kasi alam tawag.