Friendzoned: Paubaya

24 23
Avatar for kat2x
Written by
2 years ago
Topics: Love, Shortstory

Summer after high school, May had found a partner, Daniel. Naging busy sina Joe and Shane sa isa't-isa noon and May took another path by joining a band. Nagkikita pa rin naman ang magkakaibigan sa formations but when the semester almost ended, she had focused on composing songs. Hindi siya marunong sa kahit anong instrument pero mahilig siyang kumanta. Kid, the boy from the other classroom heard her one afternoon.

Kid along with four other guys were looking for a female vocalist when he found May singing alone in the hallway. He invited her and she willingly agreed at doon nagsimulang mapukaw ang interest ni May sa pagkanta.

After the Saturday drills, maagang umaalis si May to proceed to her band's practice. May mga gig silang sinasalihan gamit ang mga kantang kinompose nila na mostly galing sa kanya. The bandmates were so fond of her, kaya para na nila syang tinuring na baby girl. May on the other hand seemed to enjoy this attention from her new found buddies. Sino ba naman ang hindi matutuwa kapag nararamdaman mong may pumoprotekta sa'yo at hindi lang isa, marami sila. Diba parang si San Chai lang sa Meteor Garden o di kaya si Jan Di sa Boys Over Flowers, ganeurn! 😜

image from google

Ilang weeks lang silang magkasama, nagparamdam agad ng affection si Dan sa kanya. Daniel is the basist. They both admired each other, gustong gusto ni May panoorin ang mga kasama niya na tumutugtog ng instruments. Magaling ito sa guitar just like when she had a crush kay Ken noon. Kasi napakagaling nitong tumugtog ng guitar. Lalo pa nang makita niya kung paano magpractice si Dan. Nakikinig lang ito sa kanta at agad naman niyang nakukuha ang tamang tono nito sa gitara niya.

Daniel liked her for being a shy and silent type. Mas gusto niyang pagmasdan ito habang kumakanta. Hindi na niya mapigilang magconfess and so, naging sila just a few weeks before they graduated in high school.

Now that they are entering college, may kapartner na siyang bago. Dan and May studied in the same school. While Joe and Shane also went to another university together. They seldom see or even text each other. Hindi na sila masyadong nagkakamustahan lalo pa ngayon na medyo jealous type si Dan.

Mabait naman ito, kaya lang palaging nakafocus sa computer games niya. Hinahayaan lang ito ni May kasi doon sya masaya, as long as hindi napababayaan ang studies at may time din ito sa kanya ay walang problema. Mahiyain din si Dan kaya madalang itong dumalaw sa kanila.

image from google

One afternoon, Joe went to Ken's place. Ken and May are neighbors at nakita niya ang dalawang nagtatambay sa sidewalk sa labas ng subdivision nila. She excitedly ran to him at niyakap niya ito. Sino ba naman ang hindi makakamis sa isang mabait na kaibigan, at close na close mo pa noong high school. Kinilig naman si Ken sa nakita niya. May mga usiserong kapitbahay naman ang nakakita at nashock na lang sila. May isa pang napadaan "Ken akala ko ba gusto niyo ang isa't isa, bakit kay Joe sya nakahawak ngayon?" . He then smiled at sinabing, "Ako na lang kasi ang may gusto sa kanya, iba na ang gusto niya ngayon". Umakto pa itong parang batang iiyak. πŸ˜₯

image from google

Napatawa na rin si May "hindi kasi niya ako pinansin dati kaya ayun tuloy di ko na siya crush". Tawanan ang lahat. Totoong may gusto din noon si Ken sa kanya, ayaw lang nitong ipahalata at ayaw nitong nakikisawsaw ang mga nakapalibot sa kanilang kapitbahay. Kahit nga ang bunsong kapatid nila ay gusto si May dahil mabait nga daw ito. Naging close naman sila simula noong nagkaroon na sila ng bonding sa CAT. Hindi na sila awkward sa isa't isa.

Nagkamustahan ang magkakaibigan, May stayed with them for a while at pumasok na rin agad matapos nilang magpalitan ng numbers. After that day Joe kept in touch with her again. There she found out na matagal na palang break sila ni Shane.

Hindi nag work out ang relationship nina Joe at Shane dahil sa sobrang strict ng parents nito. Hindi rin nila gusto ang lalaki kasi mataas nga daw ang standards lalo na at teacher ang mom ni Shane. Joe was aware of Daniel kaya hindi na siya nakapag inform kay May. He was even hesitant kung muli ba niya itong imemessage dahil baka magselos ang boyfriend nito. πŸ™„

May's relationship with Daniel isn't the most perfect. Kahit gaano pa sya kabait at pasensyosa, may mga tao din talaga na walang pakialam sa buhay. Within the four years na naging sila ay parang walang boyfriend si May na kasama. Mas nakakasama pa niya si Kid at iba pa nilang kabarkada na dati ding CAT batchmates nila. Most are boys kaya napagkakamalan na din tuloy syang tomboy. Mas marami silang naestablish na memories kaysa kay Dan.

Ang akala ng lahat sila ang magkakatuluyan dahil mabait din naman si Daniel despite his "walang paki" attitude. He got addicted in computer games at napabayaan niya si May, kaya when they graduated, naiwan si Dan sa sulok ng kwarto niya na naglalaro mag-isa. He didn't even have the guts na puntahan si May sa graduation day. He was insecure enough to see his girlfriend with their friends walking in pride while siya hindi nakagraduate dahil sa influence ng computer game na yan.

image from google

She was heartbroken and eventually decided to break up with him. She gave up after 4 years na inintindi niya ito. She was the one entrusted by his mom to facilitate from enrollment to exams. All along siya ang nagbabayad, para lang siyang nanay o ate. Para siyang mayordoma o yaya na nakabantay kay Dan sa school. Finally, she got fed up at binitawan na ito. Later on she found out na may dinidate pala si Dan na iba habang sila pa. 😭😭 So?? Ano nga bang naging pagkukulang niya? Lahat ng atensyon at alaga ng isang girlfriend nagampanan naman niya. Naging ulirang girlfriend to the point na siya ang gumagawa ng homeworks nito. Ano pa nga ba ang gusto niya?😒

After she discovered the cheating nawalan siya ng gana. Feeling niya napaikot siya nito. Parang scam, ganun! She spent most of the time, nakatunganga lang sa tambayan nila sa labas ng bahay. She saw a familiar shoe habang nakatambay at nakayuko mag-isa sa labas. Wala si Ken, kaya wala siyang makausap. She looked up and saw him smiling at her. Tears fell from her almond eyes at napatayo na lang siya para yumakap dito. Si Joe, parang itinakda ng tadhana na dumating itong kaibigan niya everytime na malungkot siya.

He hugged her tight at hinaplos ang buhok nito to comfort her. Lumabas silang dalawa para maglakad lakad at makapag usap. While they were sitting on a bench, they saw a shooting star. Napapikit si May at nagwish habang nakatingin lang sa kanya si Joe. That sweet smile, gustong gusto niya talagang kasama ito dahil napaka smiling at parang walang problema.

"Anong wish mo, bakit nakatingin ka lang sa akin?" . Biglang napaiwas ng tingin si Joe. "Nothing, natupad na ang wish ko nang makita kita ulit, ayeee!" πŸ₯°ang pabiro nitong sagot. That night they had a little drink at doon naibuhos lahat ni May ang sama ng loob niya. He listened all the way and tried his best para i comfort ang kaibigan. Sobrang naawa siya rito. Napakabait ni May para lokohin lang ng isang walang kwentang lalaki. Inihatid rin niya ito sa bahay and he made sure that she's safe.

image from google

After a few weeks, hindi na ulit sila nagkita but they kept on texting each other. Naging busy si Joe dahil nag enroll ito ng summer class. Graduate na si May, pero ang course ni Joe ay five years kaya kumuha siya ng summer class para mabilis siyang makagraduate. He heard she went out of town para lumayo muna sa familiar place, para madaling makalimot,kumbaga.

One night he texted her..

"J: I have something to tell you

M: What is it?

J: Can I court you?

...

...

M: You know, I'm still in pain, I can't and you're my friend. I don't know, I'm sorry...

... let's talk some other time.. luv u friendπŸ€ͺ😘

J: okay, I'll wait for you... luv u more 😘"

Few days May hasn't received any text message from Joe after that incident. She met new friends. Then she met a new guy named Jan. Naging close sila dahil sa galaan. She felt better at biglang nawala na yung sakit sa puso niya dahil sa may mga nakakasama siyang bago na everyday nandiyan para samahan siya. Naging comfortable siya kay Jan at eventually, naging sila din.

While they were in a party, May received a message from Joe. She missed him so much, ang tagal nitong hindi nagparamdam.

"J: I'm sorry

M: For what?

J: Hindi ako iyong katext mo last time, it was Ken.

M: I hate you.. 🀨

J: Please don't, totoo naman iyon, pero he has feelings for you, too.

M: Cheh! Niloloko niyo na ako, I hate you both na.. 😑

J: I love you.. I'm serious, ako na to

M: I'll see you at the bar tomorrow, I hate you but I still love you as a friend.. luv u!πŸ˜ πŸ˜›

J: I'm really sorry..

M: Magkita tayo tomorrow"

Nagkita ang dalawa kinabukasan. He told her how he felt even when they were still in high school. Namisinterpret ni May ang gestures niya. It was all for her and not for Shane. Kaya pala panay ang kantyaw ng troop sa kanila, kaya pala ganoon na lang sila makatingin kapag magkatabi silang dalawa. He waited for four years para makasingit dahil nandiyan si Dan and when it's time for him to finally let out of his feelings, biglang in a relationship na siya ulit. πŸ˜₯

image from google

Jan is a cool person, so different from his appearance but has a good heart. Walang nagawa si Joe but to be happy for her. He hugged her tight and made her promise not to cry anymore. He was two weeks late after nung naging sila ni Jan, naunahan kasi siya ng hiya at takot. "I'm always here to love and protect you".

Jan knows about Joe and how he confessed his feelings for her. Walang selos selos. He's a very understanding person kaya naman lalong naadmire si May sa kanya. He knows that Joe existed before him and that's how they talk and say "I love you" to each other as friends. Okay lang sa kanya na they hang out together at minsan diretso na itong sinusundo ni Joe sa work of course with permission sa boyfriend nito. Sinusundo na lang din siya ni Jan sa galaan minsan. Naging magkaibigan din ang dalawang lalaki at nakita ni Joe ang sincerity ni Jan sa kaibigan niya. Masaya na siya para sa dalawa..

image from google / shuttershock

Author's Message:

This story is taken from my wattpad account. It was left on my drafts for years. Hindi ko na talaga siya natapos kaya shortcut na lang. Kulang ang details but I did my best. I hope you liked it.. πŸ˜‰

I'm looking forward for a better story and improved writing soon, kapag medyo kaya na ng utak ko.. Lol! πŸ˜…

Here's the song "Paubaya" requested by @Codename_Chikakiku . Insert ko daw.. haha! actually, it was part of the plan. So here it is.. Enjoy listening! πŸ˜‰

I also recorded my version encase sawa na kayo kay Moira.. but please listen at your own risk. Hindi kami magkaboses.. napakalayo mga bes, kaya manage your expectations. Lol! πŸ˜‚. If you have sensitive ears then don't risk it, anyway. 😝😜🀣

5
$ 2.61
$ 2.37 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Codename_Chikakiku
$ 0.05 from @Jane
+ 3
Sponsors of kat2x
empty
empty
empty
Avatar for kat2x
Written by
2 years ago
Topics: Love, Shortstory

Comments

Bkit ba taken nlng palagi si May when Joe makes a move.. Haaayy, ito nmn si author pinahihirapan si Joe masyado 😭

$ 0.00
2 years ago

Hahha! Naawa nga din ako kay Joe πŸ˜… but that's based on a true story at yan talaga nangyari sa kanya..

$ 0.00
2 years ago

Aaw Joe siguro para ka sa iba hindi para kay may..

$ 0.00
2 years ago

Yes, hindi talaga sila meant to be.. 😁

$ 0.00
2 years ago

Parang mas kinilig ako sa kanila hehe

$ 0.00
2 years ago

Uu.. Lalo na pag nakita mo sila in person.. Talagang nakakakilig.. Hahah! Pero true ako din, story talaga nila 'to kinikilig din ako habang sinusulat to.. Hahha

$ 0.00
2 years ago

Nalingat ata puso ni may hehe

$ 0.00
2 years ago

Aba. Wattpaders ka pla. Galing.

$ 0.00
2 years ago

Halaa.. namark as spam, pano ba e unmark to? Hahah! Naghang phone ko, pasensya.. Hindi ko sadya.. πŸ˜…πŸ˜…

Uu wattpaders na walang natapos.. Hahaha

$ 0.00
2 years ago

Huhu... Hndi na mauundo yan..wala na ata undo ngayon.. Ok lng yan.nbhla na system magcheck πŸ˜…

$ 0.00
2 years ago

Haha! Sorry.. Pahamak na phone πŸ˜…πŸ˜…

$ 0.00
2 years ago

Aaaw... I'm so sorry for Joe.. Sivuro naman nakahanap siya ng April, June o July na makapagpapasaya sa kanya. 😊

$ 0.00
2 years ago

Hahaa! He found another May.. inspired by a true story, the real Joe finally found his May..

$ 0.02
2 years ago

Aaaw.. ❣️ Sana all.. Feeling ko tuloy I am that May.. Because I'm MayπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚Feeling lang naman.

$ 0.00
2 years ago

Si Joe pala nagparaya, kung sino pa nasa harap ng ilang taon, yun pa yung hindi nakikita. Hayszz ganda ng story kase nakikinig ako ng paubaya video ng Joshlia, pramis naiyak ako kase alam ko kung gaano kamahal ni Joshua si juliaπŸ˜”πŸ˜”πŸ˜”. Anyway apakaganda ng boses mo.❀

$ 0.00
2 years ago

Chereet! Tenkyu naman. 😍... Uu hindi naman siya manhid pero di niya nahalata iyong feelings ni Joe sa kanya..

$ 0.00
2 years ago

hayszz mga babae nga naman, basta dun sa pogi at may dating patol na agadπŸ€§πŸ˜†πŸ˜†πŸ˜†

$ 0.00
2 years ago

Hahaha! Naks! Wag lahatin 😁

$ 0.00
2 years ago

Hahaha! Naks! Wag lahatin 😁

$ 0.00
2 years ago

bakit naman napakaamper mo kay joe,hahahahaha. Dakilng friendship alng talaga role nya eh.. Anyways, maganda yun story sis, ngsusulat ka pala sa wattpad,heheh. Anak ko nagsusulat din dati..

$ 0.00
2 years ago

Kasi layp is ampeyr nga diba? πŸ˜‚

Dati sis mga 5 na yun pero walang ni isa ang natapos. Hahhah! πŸ˜…

$ 0.00
2 years ago

Sayang naman, sana tinuloy mo na lang..

$ 0.00
2 years ago

I knew it, may feelings talaga si Joe kay May pero sayang Hindi naging sila . Bet ko pa naman siya para kay May.

Sakit ng kantang yan. Ilang beses ko na napakinggan pero hindi nakakasawa.

$ 0.01
2 years ago

Heheh. Thank u for reading 😊.. Oo parang ito lang ang kaya kong kantahin ngayon na medyo may hingal pa ako.. Haha! True hindi talaga sya nakakasawang pakinggan.

$ 0.00
2 years ago