read.cash Log in
j@journalofkanoo more from that month

Alam mong malapit na ang pasko kapag...... Alam mong malapit na ang pasko kapag may nagtitinda na ng puto bumbong. Naging tradisyon na nga natin ito, ano po? Sobrang sarap naman kasi talaga lalo na kapag malagkit na bigas talaga ang ginamit at hindi yung flour lang. Tapos kapag may cheese din sobrang sarap. Marami pa silang tinda diyan pero yan talaga sadya namin, sobrang sarap. Dumayo pa kami sa bayan wala kasi sa amin nung malagkit talaga, glutenous flour lang kasi gamit nila. Kaya na-enjoy talaga namin ito mas masarap pa sana kung may tsokolateng batirol pero sabi namin, next time nalang. Kayo po, ano ang inaabangan niyong pagkain tuwing magpapasko?

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.