read.cash Log in

Naharap ko din balatan ang sampalok na nasungkit ko nung sabado. Pang sinigang sana pero mga hinog na pala ang bunga. Gusto ko sanang gawin yung niluluto dati ng inang ko nung kabataan namin. Tamarindo jam. Parang malagkit na bigas na giniling ang gamit nya na pampalapot. Galapong ang tawag sa giniling na malagkit na bigas dito sa tagalog. Ginagamit sa pag gawa ng puto, kalamay at iba pang kakanin. Hindi ko lang alam ang proseso sa pagluluto ng tamarindo jam kaya baka lagyan ko na lang yan ng asukal at asin. Magandang umaga guys. Ingat po lagi. God bless.

2 comments

Log in Invite-only for now. Someone already here has to let you in.