Second bulaklak ng gumamela kong pula. Palagi kasi di nagtutuloy yung mga flower buds nya. Napansin ko lang ngayon yan kasi naisipan ko magdilig habang nakasalang ang ulam ng aso ko. Adobong atay balunbalunan. Pero minsan nakikihati din ako sa ulam nya kapag tinamad akong magluto ahaha. Maayos naman at malinis ang pagluluto ko ng ulam ng aso ko kasi kinakain ko din naman yun. Pero plano ko pa din iluto yung nabili kong karne kahapon. Parang gusto ko magnilaga ngayon or sinigang. Silipin ko muna yung puno ng sampalok kung maraming bunga para sinigang na lang. Parang pwede yata ako magsinigang. Dami bunga ng sampalok na kaya kong maabot. Magandang umaga po sa lahat. Ingat.
Ang ganda naman po ng inyong mga bulaklak