Good morning kaingays. Happy Tuesday po sa lahat. Medyo nabawasan ang good mood ko kasi ngayon ko lang napansin nung sukatin ko yung polo shirt na pinarepair ko. Pinaresize ko kasi malaki sa akin. Galing sa mga lumang gamit ng magulang namin. Nagustuhan ko kasi ang tela kaya gusto ko sana gamitin kesa masayang. Kaya lang nagsayang lang din pala ako ng pera sana bumili na lang ako sa ukay. Ayaw ko na ibalik sa mananahi ako na lang ang mag aayos. Baka lalo pa masira kasi sa pagtabas lang di na pantay.
2 comments
Baka antok ng tahiin iyan hehe.
Umaga na ginawa yan. Parang hindi pa talaga bihasa kasi sa tesda lang sya natuto tumahi. Paling pati yung gupit.😅