Biglang nag chat sa akin ang high school friend ko...batch 81 po ako...baka may magtanong kasi kung kelan ako gagraduate sa college ahahahaha. Nag graduate ako sa college 1985 pa po ahahaha. Papuntahin ko daw ang anak ko sa kanila at may ibibigay. Isang bag ng damit. Hindi na ko nasorpresa kasi last year may binigay din sya sa akin. Ang agang pamasko. Para tuloy may pa mine ang anak ko nung ipakita ang laman sa video call ahaha. 5 na polo shirts, 1 pants, 1 pair of shoes. Nagustuhan ng anak ko ang Nike white polo shirt...na mine na nya ahaha. Sobrang bait sa akin ng mga high school friends ko. Palagi sila may regalo sa akin kahit hindi pasko. Yung camera ko na canon sa batch din namin galing. Nung last batch reunion nag ambagan sila para maibili ako ng camera. Ganon nila ko ka love. Nai-share ko lang po. Mabait nga yata ako talaga kaya mabait sila sa akin ahaha. Magandang hapon po. Ingat po palagi.
2 comments
yan ang early gift sayu lods ang bait naman nila
Ang babait naman ng ka batch niyo po sir..ako mga ka batch ko di nako kilala hahaha..magandang hapon po sa inyo sir...Godbless po..