Biglang may pa-throwback sa fb ko. Ito yung picture ng anak ko noong nasa college pa sya. Dancer siya dati sa Filipiniana Dance Troupe. Diyan nya nakuha ang 100% scholarship sa tuition fee kaya ang binabayaran lang namin halos ay miscellaneous at projects lang. Concert nila yan at may bayad ang tickets. Napaluha ako habang pinapanood ko sya dahil sa sobrang proud ko na nakikita ko ang anak ko na nagpeperform. Yung nasa gitna po sa nakaupo ang anak ko sa 2nd and 3rd pics. Yung lalake na nakaupo sa harap ng naka black na nakatayo. Hindi ko maipaliwanag talaga ang nararamdaman ko nung nanood ako ng concert nila. Kinikilabutan na naluluha talaga ako habang pinapanood ko ang anak ko na nagsasayaw. Share ko po pala ang link ng isang performance nila na naka upload sa youtube ko. Magandang hapon po sa lahat. Heto po ang link... https://youtu.be/QMTyX82b6zM sana po mapanood nyo. Salamat po.
Nakakaproud naman talagsnsng gnysn ksnoise.
nakakamis naman ang mga gnyan