Guys may chismis ako...bago sana ako kumain may kwento ako kaya lang gutom na talaga ako kaya inuna ko na kumain. Binili ko lang po yang daing na bangus sa karinderya. Wala na kasi ako time magluto sa pagod ahaha. Yan po nasa second photo ang chismis ko. Pero hindi po yan ang client ko ahaha. Minsan po kasi may pagka marites din ako kaya may kwento ako tungkol diyan sa ikinasal. Alam nyo ba na takot na takot na hindi makasal kanina yung si babae ahaha. Inaayos pa kasi ang sitting arrangement kanina. Dahil magulo ang ang mga ikakasal binago muna. Kaya lang yang babae sa picture ang sabi...hindi daw pwede na hindi matuloy ang kasal nila kasi naghanda na sila. Ang tanong ko kung nakapirma na ba sila sa marriage contract sa pila at nabasa nila na ngayong 14 ang sched nila. Oo naman daw...kaya sabi ko maghintay na lang sila at sure na makakasal sila kasi inaayos pa nga ang mga upuan. May kasal din kasi bukas feb 15. Pero ang sched nila talaga is feb 14. Pero mahirap talaga paliwanagan. Lumapit pa sa konsehal at nagreklamo. Pero bandang huli natawag din naman ang name nila at naupo pa sa malapit sa stage ahaha. Hindi lang talaga sya makahintay. Nabasa na din pala nya ang name nya kanina sa mga nalagyan ng pangalan pero binago nga lang kasi dahil nagkagulo na sa dami ng ikakasal. Patient is a virtue talaga pero kapag ganyan naman ang kausap mo na mahirap umintindi...maiinis ka talaga ahaha. Magandang gabi po sa inyo.
5 comments
Congratulations to couple for beautiful day of life.
Sabagay kahit sino kapag hindi matuloy makakaramdam ng takot at pangamba lalo na kasal ang usapan. Mabuti ang mahalaga natuloy pa din ang kasal nila.
Good evening blessings for you sir and i hope you will bee fined and happy and enjoy his time with family
Iniisip nya po siguro na baka masayang ang handaan pero tama nga naman dapat kapag ganyan sa dami ang tao e need talaga ng mahabang pasensya kasi hindi naman maiiwasan ang mga aberya e
Saying kasi ang pagod nila kaingau if hindi pala sila nakasali.😁