Magandang umaga po kaingays. May the presence of the Lord be with us all. Makulimlim at maulan po ngayon dito sa amin kaya akala mo sobrang aga pa. Pansin ko parang nasobrahan na ko kakacellfon kasi tanghali na nanlalabo pa ang mga mata ko parang kakagising lang ahaha. Parang kailangan ko na nga yata magpasukat uli ng salamin baka tumaas na talaga ang grado ng mata ko. 250-275 kasi sukat ng salamin ko. Medyo blurry na din kasi nasa 5yrs na din yata yung pagpapagawa ko ng salamin na suot ko. Ang mahal na kasi ng lens di pa kasama ang frame. Palitin na din ang frame ko kasi natatanggal na yung isang braso ahaha. Isa talaga sa wish list ko ang makapagpagawa ng bagong prescription eyeglass bukod pa sa camera lens na matagal ko na gustong bilihin. Sana tumaas na ang presyo ng #bch para makakurot na ahaha. Yun lang po mahaba na pala. Ingat po lagi. God bless.
No comments yet