Magandang morning po kaingays. A blessed Tuesday po sa ating lahat. Malamig pa din ang panahon sana tumagal pa para tipid sa kuryente ahaha. Medyo tinatanghali ako ng bangon kasi ang sarap mamaluktot sa ilalim ng kumot. Ngayon pa lang din po ako magkakape. Ang naiba sa aking almusal ay ang pandesal. Nabili ko po yan nung Sunday pa nung pumunta ako ng bayan. Wala kasi nabibili na pandesal putok na ganyan dito sa amin. Hot pandesal na ampaw...yung malambot ba na hindi nakakabusog lang ang meron dito sa lugar namin. Isa lang siguro niyan medyo busog na. Di tulad sa hot pandesal na nakaka-lima na ko di pa din ako kontento ahaha. Tara po kape tayo. Ingat po. God bless.
2 comments
Sobrang lamig nga po. Mgandang umga po sa masarap n tinapay with eden cheese
Masarap nga po ang ganyang klase ng almusal.