Iba talaga ang epekto sa akin ng bakuna...sinisipag ako lagi ahaha. Binunot ko na itong dating halaman na tinanim ko. Masyado pala mabilis dumami. Naging makalat na sa harap ng bahay ko. Pati yung mga dating tanim ko namatay na dahil natabunan na. May ilang gumamela na din pala ang namatay. Babaguhin ko na lang siguro yung mga itatanim ko. Mga namumulaklak na halaman na lang ang ilalagay ko diyan. Yung oregano siguro ililipat ko na lang sa likod bahay. Hindi sila bagay sa harapan kasi makalat palang tignan. Magandang umaga guys. Breaktime muna. Tara magkape tayo.
Buti naman po maganda naging epekto sayo ng bakuna at makapagtanim po kayo sa lupa, yung iba kz di pinalad at nasa ilalim na ng lupa..mga gamot po ang iyong mga tanim at madali kumalat ang oregano mas maganda nka pot.
salamat....ililipat ko na lang yung oregano sa likod bahay siguro. hindi pala sya pwede isama sa ibang halaman mabilis dumami ahaha.
Nakakasipag po yata epekto ng bakuna niyo sir malamang tuwang tuwa mga kasama niyo sa bahay hehe