Napaghahalukay ko mga old gadgets ng anak ko. Naisipan ko i-charge lahat baka kasi masira ang mga battery sa tagal na hindi naicharge. Nag full na ang ipad2 nya pero itong ipod touch ayaw mag full kanina pa nakacharge. Napa add to cart tuloy ako sa shopee ng usb charger. Pero baka sa 10.10 ko na iproceed. Yung psp na lang ang hindi ko pa naicharge kasi inalis pala ng anak ko ang battery hindi ko makita kung saan nya nailagay. May lumang gameboy pa nga pala sya pero di ko na ginalaw kasi double A battery lang ang gamit non saka parang sira na ang screen sa pagkakatago. Basta walang magawa kung ano ano nahahalukay ahaha. Magandang hapon po kaingay. Nagkape na ba kayo? Almost 4pm na pala kaya bigla ko naisip ang kape ahaha.