Namulaklak pala ang tanim ko sa likod bahay. Bale mula ng alagaan ko 'to tatlong beses pa lang namulaklak. Palagi isa lang ang bulaklak nya. Pero nakapagpatubo na din ako ng isa pa galing din sa halaman na iyan. Nag suwi na kasi kaya inilipat ko na. Muntik na nga din pala mamatay ang halaman ko na yan kasi pinaglaruan ng pusa. Nakita ko na lang na lugas na ang mga dahon kaya isinabit ko na lang sa lugar na hindi kayang akyatin ng pusa kong makulit. Magandang tanghali po mga kaingay.
2 comments
Napakaganda naman ng bulaklak ng halaman na yan, ano po ang pangalan ng tanim na iyan.
Hindi ko din alam eh ahahaha. Bigay lang kasi sa akin ng kabatch.