Guys good morning. Tinanghali ako ng gising ang sarap kasing matulog malamig ang panahon. Pero mas masarap ang magising at bumangon kaya lahat tayo ay tumalon at magpasalamat sa Diyos dahil nabigyan pa tayo ng pagkakataon na masilayan pa ang umaga ngayon. Thank you po Lord sa muling pagdilat ng aking mga mata ngayong araw. Salamat po sa panibagong simula. Amen. Magandang umaga po muli guys. Tara po magkape tayo. Ingat po lagi. God bless.
@jhunpmelchor in March 2022
Nadadalas ang mga panaginip ko nitong mga nakaraang araw. Parang throwback sa buhay ko ahaha. Kagabi nanaginip ako na buhay na buhay ang negosyo ko tulad ng dati. Nung mga panahon na wala pang pandemic. Hindi kaya sign na malapit ng maging normal ang mundo!? Baka kaya panay ang linis ko ng bahay. Di ba maaliwalas ng tignan? Pero wag na natin kunan yung kabilang side kasi doon nalagay ang mga gamit na inilipat ko. Parang junk shop na sya ahaha. Sya nga po pala... narito ako…
Ang dami ko nabili na saging na saba nung Sunday. Nagandahan lang ako kasi malalaki. Minsan pinapapak ko pang alis umay. Pero ngayon nagprito ako. Kailangan madaliin ko ubusin baka ma overripe na. Minsan kasi nakakalimutan ko na isapaw sa sinaing para mailaga...tipid gas ahaha. Hindi po sunog yan. Muntik pa lang ahaha. Mas masarap sana ang nilaga kaya lang nagprito ako kanina ng tokwa kaya prito ko na lang din sya.
Guys magandang gabi. Magdadagdag lang ako ng content. Napatambay kasi ako kanina sa likod bahay. Naisabit ko na naman ang aking duyan. Plano ko sana mag live sa kumu kanina. Ang background ko ang forest kaso bigla naman nakipagkwentuhan ang kapatid ko. Hindi ko na din tinuloy ang live sa kumu kasi malamok na nung matapos ang kwentuhan. Ang plano ko talaga...pagkasabit ng duyan maliligo muna at magbibihis ng presentable naman sa live video. Dati kasi audio lang ako tapos…
Guys goodnight na po sa inyong lahat. Maaga po kasi ako bukas. Ash Wednesday na po aattend ako ng misa. Member din po ako ng social media ministry ng simbahan kaya kukuha po ako ng pictures. Free service ko po yun para sa simbahan. Yun po ang paraan ko para makapag serve. Altar server po ang anak ko and photographer naman ako sa events ng parokya. Way ko na din na masuklian ang mga blessings na binigay ni Lord. Yun lang guys. Salamat po ulit sa lahat ng suporta and syempre…
Good morning guys. Super aga ng gising ko ngayon. Nagising ako ng 4am pero di na ko nakabalik sa tulog. Pero sabi ko nga mas mabuti na yung di nakabalik sa tulog kesa di na nakabalik sa gising ahaha. Kaya dapat every morning magpasalamat tayo kay Lord dahil every gising is always a blessing. Thank you Lord for waking me up again this morning. Amen. Ash Wednesday po ngayon at sisimba ako. Ganyan pa kadilim sa labas pero talagang maliwanag sa aming kalsada palagi. Magkakape…
I'm home na guys. Naka attend na ako ng Ash Wednesday mass and nakadaan na din sa palengke. Kaya lang karne ang nabili ko na ulam pero fasting muna kaya di ko sya uulamin ngayon. Mag gigisa na lang ako ng sardinas na may papaya para ngayong araw. Marami din ako pictures na nakunan pero upload ko yun mamaya sa page ng aming parokya ng Sta. Cecilia. Magmimirienda lang po ako saglit medyo gutom na. Maaga kasi ako nag almusal kanina. Magandang umaga ulit guys. Ingat po lagi. God…
Guys kain po. Binigyan na naman ako ng bagong pitas na sitaw ng kapatid ko kaya ginisa ko na lang with spicy tuna uli. Plus nilagang saging na saba na sinapaw lang sa sinaing ahaha. Fasting kasi ngayon Ash Wednesday kaya dapat wala munang karne. Pero kung dati daw isang kalderong kanin ang kaya mo ubusin dapat bawas din. Kaya lang rice is life sa pinoy kaya ayan marami pa rin ang kanin ko ahaha. Tara po kain tayo. Ingat. God bless.
Inaantok ako sa pinapagawa ng leader ng social media ministry sa simbahan. Pinapasend pa sa email yung mga photos kaninang umaga sa Ash Wednesday. Ang laki ng file size kaya hindi pwede isend ng sabay sabay. 25mb lang ang pinakamalaking file na pwede isend ng isang sending lang. Di na lang ipalagay sa akin directly sa isang folder sa mismong page eh admin din naman ako. 3 photos per email lang ang kasya kasi naka large file size ang mga shots ko kaya ang tagal. Talagang…
Guys magandang gabi. Napahaba ang pagtambay ko sa gmail sa pag send ng photos sa leader namin sa socmed ministry ng church kaya hindi ako masyado napatambay dito. Tapos pala nagrelax ako sa panonood sa youtube after ko masend lahat ng pictures. Kaya ayun guys...paglabas ko ng bahay kanina medyo padilim na. Medyo maaga din akong inantok dahil maaga din akong nagising kanina. Kaya heto na ulit guys ang pang finale post ko ngayong gabi. Pero syempre bago ako mag goodnight sa…
Good morning guys. Isang malamig na umaga po sa ating lahat. Napakaganda ng panahon ngayon. Maaraw pero malamig. Di tulad nung mga nakaraang taon bago pa magpandemic na sobrang init na pagtuntong pa lang ng March. Talagang nakahinga si mother earth ng maluwag nitong pandemic. Nabawasan kasi ang polusyon dahil sa pagtigil ng matagal nating mga tao sa loob ng bahay. At nabawasan ang mga sasakyan sa daan. Minsan talaga ang di natin alam baka tinuturuan lang tayo ni Lord na…
Second bulaklak ng gumamela kong pula. Palagi kasi di nagtutuloy yung mga flower buds nya. Napansin ko lang ngayon yan kasi naisipan ko magdilig habang nakasalang ang ulam ng aso ko. Adobong atay balunbalunan. Pero minsan nakikihati din ako sa ulam nya kapag tinamad akong magluto ahaha. Maayos naman at malinis ang pagluluto ko ng ulam ng aso ko kasi kinakain ko din naman yun. Pero plano ko pa din iluto yung nabili kong karne kahapon. Parang gusto ko magnilaga ngayon or…
Sino kaya pinag uusapan ng dalawang marites na 'to? Ako kaya? Sabi siguro kanina ko pa hawak ang camera ko...panay pindot wala naman photo shoot ahahaha. Inaaral ko kasi ang setting ng canon ko. Hindi ko pa sya masyadong gamay. Nikon kasi ang gamit ko dati pero nung nasira... canon yung nabili ko na kapalit. Hindi ko naman kasi gaano ginagamit ang canon camera ko. Nagagamit ko lang sya tuwing may raket ako. Pero sa rush id photo...yung kauna-unahang nikon D40 pa din ang…
Ibahin ko naman ang pa view ngayon. Blue hour muna syempre bago ang golden hour. Pero maganda din di ba? Kahit ganyan katirik ang araw dito sa amin hindi pa din mainit. Pero dati pag ganito na ang panahon pwede na magprito ng itlog sa bubong. Siguro dahil na din nakatakip sa bubong yung mga sanga ng puno kaya di ramdam ang init lalo dito sa loob ng bahay ko. Magandang hapon po sa inyo. Ingat lagi. Inom lagi ng tubig. Keep hydrated.
Lumulusot na lang sa siwang ng pinto ang grasya. Tinawag ulit ako ng kapatid ko iniabot itong sibuyas. Sakto naman kasi isang piraso na lang ang sibuyas ko. Masarap ilagay yan sa sardinas. Hindi mo na lulutuin. Lalagyan lang ng kaunting vinegar at asin. Parang kilawin lang. Parang yung ginagawa sa kinilaw na dilis or jumping salad. Yung hipon na buhay pa tapos hihiwaan lang ng kaunting luya, sibuyas, sili at lalagyan din ng asin. Naglalaway ako sa sinasabi ko ahaha.…
Guys magandang gabi. Kakaiba ang kulay ng langit kanina. Parang may haze tulad nung pumutok ang mount pinatubo. Maganda syang tignan na parang nag aapoy pero medyo grayish sya hindi lang masyadong kita sa picture. Pero paano ba guys patapos na naman ang araw and it's time for me to say goodnight na. Pero syempre di matatapos ang gabi na hindi ako magpapasalamat lalo na kay Lord na nagbigay sa atin ng lahat. Lord, thank you for this day, for all the blessings and for keeping…
Good morning guys. Maganda na naman ang sikat ng araw. Kasing ganda ng aking gising. Napasarap kasi ang tulog kahit medyo late na akong nakatulog kagabi. Bawing bawi kasi hindi ako nawiwi ng madaling araw ahaha. Malamig pa din kasi ang panahon kaya ang preskong matulog. Thank you Lord. Friday na nga pala...ang bilis talaga ng araw. Kaya napapa TGIF ang mga working people and students dahil mapapahinga sila sa weekends. Di tulad ng team bahay gaya ko. Parang nabibilisan…
Sulitin si haring araw. Nilabahan ko yung folding chair ko habang may araw medyo madungis na kasi at mahirap patuyuin dahil may foam sa loob. Ang hirap iwan sa labas kasi madaling madampot. Medyo safe sana sa likod ng poste kaso nakasilong naman sa puno kaya inilipat ko na lang sa harap ng pinto sa nasisikatan ng araw at para tanaw ko na din. Hindi pwede lalo sa likod bahay kasi mas makapal ang puno kaya hindi din nakabilad. Tanawin ko na lang lagi kung nandiyan pa sya. Kung…
Grabeh...inabangan ko pa naman ang shopee shake tapos zero lang nakuha ko ahahahaha. Napindot ko kasi ang power button sa sobrang alog kaya ayun nag off ang screen ko. Pag open ko yan na ang score ahaha. Pati kinain ko naalog yata sa sobrang shake ko tapos zero lang. Parang sinikmura tuloy ako ahaha. Magandang tanghali po. Ingat.
Buti pa sya nakapag siesta na. Dahan dahan pa naman ako lumapit para kunan sya ng picture. Kung kelan kukunan ko na saka dumilat sabay abot sa cp ko ahaha. Naistorbo ko lang yata...nakatulog ulit. Makaligo na nga ahaha. Isinara ko lang kasi ang pinto sa harap bago ako maligo pero naisip ko lang gumawa muna ng content eh sya yung nakita ko kaya ayan may instant content agad ako ahaha. Magandang hapon po sa inyo. Ingat po.
Malamang magkapareho ang photos namin ng pamangkin ko na si @karylleDM mamaya kasi halos nagkasabay kami kumuha ng pictures ng sunset kanina ahaha. Baka nga nakunan din nya ko ng picture habang kumukuha din ng picture ahahaha. Magandang gabi guys. Pwede na po mag dinner. Kakain na din ako. Ingat po kayo. God bless.
Iibahin ko yung post ko sa post ng pamangkin ko na si @karylleDM na sunset. Pareho kasi halos ng kulay ang sunset namIn. Kaya hindi na po sunset ang post ko. Nightscape photography na lang po. Kahit anong oras basta artwork ni Lord lahat maganda. Ito na din po ang pang finale post ko for tonight. Tulad ng dati...ito na din po ang token of appreciation ko para sa inyo. Thank you guys for all your support. Pero syempre ang higit na pasasalamat kay Lord for all the blessings…
Good morning guys. Same view pa din sa umaga. Pampalinaw ng mata ahaha. Presko kasi dyan sa likod kaya dyan agad ako nakatitig sa umaga. Ang sarap tignan ng mga biyayang galing kay Lord. Dapat talagang maging thankful tayo for every gising dahil nabigyan pa tayo ng pagkakataon na makita ang kalikasan tuwing magmumulat ang ating mga mata. Salamat po Lord for the gising. Thank you for this wonderful blessing. Amen. Magandang umaga po sa lahat. Tara po magkape. Ingat po kayo…
Pumunta po ako sa bukid pero sa bukid walang papel joke ahaha. Papel na lalagyan ng pipitasin kong sangkap ng sinigang ahaha. Nanungkit din po ako ng sampaloc pero hindi na pala pwede pang paasim kasi hinog na. Mapipilitan din pala ako pumunta sa palengke para bumili ng sinigang mix. All natural sana ang ingredients ng sinigang ko pero gagamit pa din pala ako ng sinigang mix. Nadaanan ko din pala ang pamangkin ko na si @karylleDM kalong ang alaga nyang bansot. Mukhang malaki…
Ang tagal nakabalik. Nawalan kasi kami kanina ng internet. Natuloy din ang aking sinigang. Kaya lang hindi na ko dumiretso sa palengke kanina. Sa suking sari-sari store lang ako nakabili ng sinigang mix kaya di na ako nakabili ng bunga ng gabi kaya kulang sa panlasa ko ang sinigang ko. Gusto ko kasi dinudurog ko ang gabi sa sabaw para lumapot. Nakakain na po ako. Late posting lang po ahaha. Magandang tanghali po sa lahat. Ingat.
Biglang may pa-throwback sa fb ko. Ito yung picture ng anak ko noong nasa college pa sya. Dancer siya dati sa Filipiniana Dance Troupe. Diyan nya nakuha ang 100% scholarship sa tuition fee kaya ang binabayaran lang namin halos ay miscellaneous at projects lang. Concert nila yan at may bayad ang tickets. Napaluha ako habang pinapanood ko sya dahil sa sobrang proud ko na nakikita ko ang anak ko na nagpeperform. Yung nasa gitna po sa nakaupo ang anak ko sa 2nd and 3rd pics.…
Nakatuwaan ko mag live sa fb ko kanina. Sa kumu sana ako magla-live kaso may pinraktis akong kanti ni Moira....yung PAUBAYA. Pinakinggan ko muna ng tatlong beses sa youtube. Paubaya lang sana ang kakantahin ko sa fb live kaso itinuloy ko na yung nasa mylist ko sa youtube. Kaya ayun nalibang ng husto. Tapos may kinanta akong english song na Your Man. Ayan po yung warning sa akin ni fb. May copyrighted content daw. Bakit? Kaboses ko ba yung original kaya na copyright ahaha.…
Guys magandang gabi. Kakatapos ko lang mamalantsa ng isusuot namin ng anak ko para sa pagsimba bukas. Medyo pinagpawisan ako kaya pahinga habang nag iingay dito. Ito na din po ang my finale post for tonight. Maaga po ako matutulog ngayon para maganda ulit ang gising bukas. Para pagsimba...presko at panatag ang isip habang nakikinig ng misa. Kaya guys heto na ulit ang amazing creation ni Lord pabaon para sa magandang panaginip at maayos na tulog. Salamat po Lord para mga…
A blessed Sunday to everyone. Magandang umaga po sa lahat. Maaga po ako ngayon kasi magsisimba po ako mamayang second mass pa naman. Kaya lang maaga akong nagising kanina pang 5am. Di na ko bumalik sa pagtulog malamig ang panahon baka kasi mapasarap eh ma late pa ko mamaya ahaha. Ang aga akong ginising ni Lord kaya dapat ipagpasalamat dahil nabigyan ako muli ng pagkakataon na masilayan ang umagang kay ganda. Thank you Lord. Nagkape na po pa kayo? Ako po magtitimpla na. Kulo…
I'm back guys. Have a blessed Sunday po. Nakasimba, nakapamalengke at nakauwi na rin po. Pero ang anak ko nasa church pa. May meeting pa daw ang mga sakristan. Pahinga po ako saglit at magmimiryenda ng binili kong kakanin tapos magluluto na din ng pananghalian. Yun lang po muna. Magtitimpla lang ako ng kape at umpisahan na din ang gawain. Ingat po. God bless.
Homemade sisig. Request ng anak ko. First time din ako nagluto nito. Nakalimutan ko na mag noise dahil masarap. Hindi man kasinglasa ng mga nabibili sa mga resto pero masarap talaga. Kaya lang gusto ng anak ko na medyo luto daw ang sibuyas kaya isinalang ulit sa cast iron pan ko. Para tuloy sizzling sisig ahahaha. Phone ng anak ko ang ginamit ko sa 2nd photo kaya napaka sharp. Nakakain na po kami bago ko naishare ahaha. May natira pa kaya may ulam na ko mamayang gabi. Ang…
Byahe na ang anak ko pauwi sa bahay nila. Pinadala ko na ang kalahati ng bigas ko kahit may bigas pa daw sila. May padating kasi uli bukas na bigas kaya sabi ko dalahin na din nya. Madalang naman kasi sya makauwi dito sa amin. Kahit Sunday kasi may pasok sa work. Di ko lang alam kung bakit naka day off sya ngayon. Siguro nagpaalam na maglalaba. Ang daming dalang labahin eh ahaha. Dito na lang naglaba para siguro madalaw na din nya ko dito sa amin. Magandang gabi po sa lahat.…
Guys magandang gabi po sa lahat. Plano ko sana mag live sa kumu kaya lang nag enjoy ako manood sa youtube ng kung ano ano ahaha. Di ko na napansin ang oras kundi lang nakaramdam na ko ng antok kaya heto na po uli ang aking pang finale post. May kuha ako kanina medyo maliwanag pa ng sunset pero napatanaw ako sa labas nung papadilim na... Ang ganda na naman ng kulay ng langit kaya ito na po ang share ko for tonight. Palagi talaga may pa-bonus na magandang tanawin si Lord bago…
Isang napakagandang Lunes ng umaga po sa lahat. Bagong araw...bagong buhay...at bagong pag-asa dahil everyday gising is always a blessing. Thank you Lord. Ito po muna ang aking pabungad na larawan sa inyo. Isang napakagandang ligaw na bulaklak. Kuha ko sa bukid nung isang araw. Kagabi bago tayo matulog...may isang magandang pabaon sa atin si Lord. Ang larawan ng paglubog ng araw at ang magandang kulay ng langit kagabi. Dala ko sa aking panaginip ang ganda ng sunset. Alam nyo…
Naharap ko din balatan ang sampalok na nasungkit ko nung sabado. Pang sinigang sana pero mga hinog na pala ang bunga. Gusto ko sanang gawin yung niluluto dati ng inang ko nung kabataan namin. Tamarindo jam. Parang malagkit na bigas na giniling ang gamit nya na pampalapot. Galapong ang tawag sa giniling na malagkit na bigas dito sa tagalog. Ginagamit sa pag gawa ng puto, kalamay at iba pang kakanin. Hindi ko lang alam ang proseso sa pagluluto ng tamarindo jam kaya baka lagyan…
Act of kindness. Panay ang busina ng rolling store ng Emong's Pandesal. Napatanaw ako sa labas. Nakita ko huminto yung naglalako ng pandesal. Tapos kung makikita nyo yung matandang naglalakad na may tungkod diyan sa picture na natabingan bahagya ng bakal sa bintana. Sya pala ang binubusinahan. Binigyan ng tinapay ng tindero ng emong's pandesal. Nagkataon na hindi ko hawak ang cp ko kaya patakbo pa ako na kinuha sa loob ng bahay. Nagkataon na nakaalis na yung nag abot ng…
Nai-flex na pala ng pamangkin ko na si @karylleDM yung blessing na natanggap namin kanina. Bale pangatlong tig 25kls na bigas na itong natanggap namin. Hindi pa nauubos yung una may dumating na naman. Ang laking tulong ng bigas kaya tanggapin kung ibinibigay. Mahirap tumanggi sa grasya. Kahit anong partido pa ng politika ang pinanggalingan nito tangap na lang ng tanggap. Hindi naman natin hiningi. Basta ang importante...VOTE wisely. Ang sabi nga ng isang kandidato...kung may…
Magandang gabi guys. Patapos na naman ang isang araw at medyo nakakaramdam na din ako ng antok kaya po ibibigay ko na ang pang finale post ko for tonight. Tulad po ng gabi-gabi ko na isini-share inyo...ang mga kathang si Lord lang talaga ang makakagawa. Heto po ang handog ni Lord sa atin...isang napaka-gandang tanawin na makakapawi ng lahat nating pagod sa maghapong ganap sa buhay. Kaya ayun guys...ito na din po ang aking alay sa inyong lahat bilang pasasalamat sa lahat ng…
A sunny tuesday morning mga kaibigan. Tirik na ang araw pero ang utak ko wala pang laman ahaha. Pero sa isip ko...kung paano ko papasalamatan si Lord for waking me up again this day. Hindi ko maumpisahan yung words na hindi parang copy paste lang daily. Pero sa puso ko yun din lagi kung ano ang laman ng isip ko. Lord thank you po for this great opportunity na makitang muli ang ganda ng umaga. Maraming salamat po sa pagbibigay ng panibagong pagkakataon na ipagpatuloy ang…
Nagpapawis lang po ng kaunti. Ilang araw na din kasi ako hindi pinagpawisan kasi laging malamig ang panahon ngayon kahit palapit na ang summer. Nanguha kasi ako ng papaya kanina. Nakita ko tuloy na makalat na kaya diretso linis na din. Pasensya po kung hindi pa ko nakapagsusukli. Medyo maliit ang paayuda ngayon ni noise kaya installment ako maghagis ahaha. Magandang umaga po ulit sa lahat. Ingat lagi.
Guys kakatapos ko lang kumain. Late upload na 'to kasi nakain ko na ahaha. Sinipag po magluto. Bigay ng kapatid ko yang ampalaya kahapon pa pero ngayon ko lang nailuto. Tinanong kasi ako kung gusto ko ng ampalaya kasi papamigay lang nila sa city hall yung ibang ampalaya. May ulam na kasi ako kahapon kaya di ko na nailuto agad. Magandang tanghali po sa lahat. Ingat.
Guys heto na yung sampaloc na binalatan ko kahapon. Nilagyan ko ng kaunting asukal at asin at inalog ko lang diyan sa container. Ang sarap papakin lalo kakatapos lang kumain. Mahilig talaga ako sa sampaloc na may asukal at asin lalo nung nasa elementary school pa ako. Hindi ko nakakalimutan bumili ng sampaloc candy lalo na yung nakabilog ma kulay pula na may stick na akala mo lollipop. Usong uso pa noon na may kasama pang singsing na fake o kaya nakabilog sa plastic na…
Guys mag goodnight na nga po ako sa inyo. Barya barya lang ang dating ng ft natin. Balikan ko na lang kayo paunti unti para naman kahit paano masuklian ko lahat ng suporta nyo. Pero sa ngayon po thank you po muna sa inyong lahat. And syempre thank you lalo kay Lord sa lahat ng blessings na ating natatanggap sa araw-araw and for keeping us safe. Amen. Goodnight everyone. See you again tomorrow. Stay safe. God bless.
Good morning guys. Sobrang aga kong nagising kanina mga 2am siguro. Hindi na ko nakabalik sa tulog pero okay lang. Sabi ko nga di na bale hindi makabalik sa tulog wag lang hindi makabalik sa gising ahaha. Naisipan ko pa mag screen shot ng oras sa cp ko habang nakahiga. Malamang talagang ginulantang ni Lord ang mahimbing na pagtulog ko kasi nakita ko sa likod bahay yung sobrang usok ng sinigaan ko na mga tuyong dahon kahapon ng umaga. Kahit madilim sa likod bahay binomba ko…
Buti pa sila kakain na. Ako kakasalang pa lang ahaha. Hindi na po ako dinalaw ni antok kahit wala pa akong tulog. Baka kaya may ibang pinagkakaabalahan si antok kaya hindi ako pinuntahan ahaha. Share ko lang guys...mula kanina 2am na nagising ako hindi na ko nakatulog kaya nung magliwanag na diretso na ko sa mga gawain ko. Gagawa kasi uli ako ng atcharang papaya. Mayamaya tinawag ako ng kapatid ko may iniaabot. Nagulat pa ko kasi sobrang laki ng sibuyas na ibinigay sa akin.…
Done cooking my atcharang papaya. Super blessed ang week na ito. Maaga pa lang may dumating ng blessing. Yung bigas na ayuda ng kandidato nung Monday, yung malalaking sibuyas na bigay sa akin ng kapatid ko kaninang umaga. Tapos ngayong hapon... habang naghahango ako ng aking niluto... dumating naman yung isa pang kapatid ko. Bday daw ng asawa nya kaya nagdala dito ng miryenda na pancit. Tapos bumalik ulit at may binigay na ulam. Kaya no worries na ko sa dinner ko kasi meron…
Guys magandang gabi po. Share ko na po ang goodnight content ko. Maaga ako matutulog. Medyo kulang pa sa tulog dahil nagising ako ng 2am kanina. Hindi na din ako nakaidlip kanina kasi marami ako inasikaso. Medyo ramdam ko na ang antok kaya sasamantalahin ko na. Heto po ulit napakagandang artwork ni Lord. Baunin natin sa ating pagtulog para sa magandang panaginip. Salamat po Lord sa mga magagandang tanawin. Salamat po sa lahat ng blessings and for keeping us safe. Amen. Guys…
Good morning guys. Sino po sa inyo ang tulad ko na after morning prayer ay pinapakinggan ang sariling boses sa video at (ggsb) gandang ganda sa boses ahaha. Pampagising lang po ng diwa ahaha. Maganda po kasi ang gising kaya sobrang pasasalamat ko kay Lord dahil binigyan ako ng mahimbing na tulog at muling ginising sa napakagandang mundong ating ginagalawan. Thank you Lord. Magpapakulo lang ako guys ng tubig para makapagkape na. Diyan po muna kayo. Ingat po lagi. God bless.
Hindi ko na nahintay mag 3.15...nag place order na ko. Sayang kasi yung voucher na zero shipping fee sa isang order ko mag eexpire na mamaya. Yung vegetable cutter matagal ko na gusto bilihin kasi madalas ako gumawa ng atchara. Ang hirap magkudkod sa cheese grater...nakakatakot makudkod ang daliri. Dati nasa 598php lang yan tapos biglang tumaas ng 1k. Pinag iipunan ko pa kasi sa coins.ph para makuha ko yung 300php voucher for 1200 points. Pero makaipon ako bigla naman nawala…
Guys kain po. Niretoke ko yung ulam na bigay kagabi ng kapatid ko. Dinakdakan po yun pero binago ko ang timpla. Naging sisig na may tokwa ahaha. Pinadami ko lang po para may ulam din ako para mamayang dinner. Paraparaan lang para makatipid. Tipid na masarap pa ahaha. Magandang tanghali po sa inyo. Ingat po.
Guys magandang gabi po. Sino po ang may KUMU dito? Kantahan po tayo....naka audio lang walang video. Pangit ang background ko eh ahaha. After po nitong post ko start na po natin ang live. Noisy people kantahan na lang ang gagawin kong title ahaha. Katuwaan lang naman. Pero kukuha pala muna ko ng sunset pang post ko mamaya. Mag ready na po kayo ng kakantahin. Hagis tayo kahit halo halo lang. Newbie lang kasi kaya wala pang ipon sa kumu. Pang tasking lang natin. Heto po yung…
Guys paano ba yan..patapos na naman ang araw. Kailangan ng matulog at magpahinga dahil panibagong araw na naman ang ating kakaharapin bukas. Heto na po uli ang aking pang goodnight post. Syempre walang iba kundi ang beautiful creation ni Lord. Ito din ulit ang aking thank you content. Una ko na po pasasalamatan si Lord. Lord, thank you for this day. Thank you for all the blessings and for keeping us safe. Amen. Guys...thank you din po sa lahat ng suporta. Goodnight na po sa…
Good morning guys. TGIF na pero dapat everyday thankful tayo dahil araw araw tayong ginigising ni Lord. Maaga po ako nagising kanina. Tumambay dito habang nakahiga pa. Namigay sa mga nagsend ng ft at binalikan ang mga comments. Pasensya po ha? Binaligtad ko na ang way ko to pay forward. Nahihiya na po ako kasi na hindi ko masuklian agad yung mga gifters palagi kasi nauubusan kapag nauna ko yung nasa comments. Maliit po kasi ang dating ng ft kaya talagang mahirap magsukli.…
Gumala ako saglit sa lote ng kapatid ko na pinabakuran last month yata para i-check kung naroon uli yung mga kabataan na sinira yung bakod nitong nakaraang araw. Napadaan kasi ang kapatid ko na may ari niyan. May nakita daw syang mga bata na sinisira ang bakod para gawing daanan. Nagtakbuhan daw nung sinita nya. Kaya sinilip ko lang uli kanina. Kaya lang pagbalik ko wala pala kami internet kaya hindi ako nakapag content. Medyo matagal din bago bumalik. Kawawa tuloy yung…
Nasipat ko lang sa puno na may hinog na papaya. Sinungkit ko at nasalo ko naman kaya lang gumulong pa ahahaha. Kakapiranggot na nga lang nalamog pa. Pero okay lang kakainin ko naman na ahaha. Kahit maliit matamis. Tara guys early mirienda tayo. Ingat.
Magandang gabi guys. Plano ko pa sana mag live videoke sa fb page ko or sa kumu pero nag check muna ako ng oras baka kasi matulad nung isang gabi na masyado na ko nalibang kaya kumain ako ng dinner 9pm na ahaha. Almost 9pm na din pala kaya baka bukas na lang siguro. Share ko na lang po ang aking pang finale post. Heto po ulit ang kamangha-manghang painting ni Lord pabaon para may magandang panaginip sa ating pagtulog. Pero bago tayo matulog syempre wag tayong makalimot na…
Good morning guys. Happy weekend and happy laba day ahaha. Kaway kaway lahat ng ginising ni Lord. Wag makalimot magpasalamat sa Diyos dahil heto na naman po tayo...nakabangon at muling nasilayan ang isang napakagandang umaga. Thank you Lord. Nagkape na po ba kayo? Ako hindi pa. Nagpapakulo pa lang kasi ako ng tubig. Inuna ko po muna mag noise para makaipon ng ft para masuklian ang mga nag send ng ayuda sa last post ko kagabi. Salamat po. Yun na lang po muna guys. Tara po…
Bike na lang gagamitin ko papuntang palengke. Tinapay lang naman ang bibilhin ko. Mahal na kasi ang gas kaya tipid din minsan ahaha. Pagod nga lang pero ang mainam nakapag exercise naman ako...ohdiba. Diyan na po muna kayo..umpisahan ko na pumadyak habang makulimlim pa. Ingat po. God bless.
Guys kain po tayo. Ito ang ulam ko ngayon. Sibuyas na may sahog na corned beef ahaha. Mas marami kasi ang sibuyas kesa corned beef ahaha. Ang laki kasi ng mga sibuyas na bigay sa akin ng kapatid ko nung nakaraang araw. May nakita din ako dito na pritong sibuyas lang ulam na. Natikman ko din nung ginamit ko ang sibuyas sa sisig matamis sya. Masarap itong corned beef kahit puro sibuyas halos. Manamisnamis din sya. Kahit walang patatas okay na. Tara guys kain po tayo. Ingat.
Last banlaw na. Bawat ikot ng washing machine inaantok ako. Parang may hipnotismo na pinapatulog ako ahaha. Malamig din kasi simoy ng hangin tapos yung lagaslas ng mga dahon. Parang music to my ears kaya talagang nakakaantok dito sa amin. Pagkatapos nito miryenda na muna ko saka magpapahinga. Magandang hapon guys. Ingat po.
Guys magandang gabi. Tutok ako masyado sa pinapanood ko. Hindi ko na napansin ang oras. Buti na lang bago ako nalibang ng husto tumahol ang aso ko akala ko may tao kaya lumabas ako saglit kaya inabutan ko pa ang view na 'to. Thank you Lord for this amazing view. Thank you for all the blessings and for keeping us safe. Amen. Guys goodnight na din po sa inyo. See you again tomorrow. Stay safe. God bless.
Have a blessed Sunday po sa lahat. Sunday is for our almighty God kaya maaga po ako ngayon. Sisimba po ako kaya maaga pa lang nag aasikaso na ako ng dapat kong gawin. Kaway kaway po tayong lahat na mga ginising ni Lord and give Him thanks and praise. Nagpapakulo pa lang po ako ng tubig kaya nag noise muna ako. Magpapakain lang din muna ako ng pets after ko mag almusal tapos gagayak na din ako para magsimba. Yun na lang po muna. Magandang umaga po sa lahat. Ingat po kayo…
Guys nakaready na ko para magsimba. Magsasapatos na lang ako. Medyo nagpapalipas oras pa kaya nakaupo pa ko dito. 8:30am pa kasi ang misa. Malapit lang naman ang simbahan kaya maaga pa kung babyahe na ko ngayon papunta don. Malinis na din ang tricycle ko at nakaharap na sa labas. Mga 8:15am siguro pupunta na ko. Magandang umaga po ulit sa inyo. Ingat po lagi. God bless.
Guys mirienda tayo. Kakauwi ko lang po at gutom na kaya binanatan ko agad itong nabili kong kakanin. Nakasimba at nakapamalengke na din ako. Pagkatapos ko magmiryenda magluluto naman ako ng aking tanghalian. Hirap talaga kapag solo ka lang sa bahay. Ayaw ko naman na mag asawa kasi dagdag gastos lang ahahaha. Joke lang po. Ingat po lagi. Ingat din pala ako sa sinasabi ko baka bigla makapag asawa ulit tapos nabasa 'to baka bigla din akong iwanan ahahaha.
Last piece of brownies. Biglang nag pop-up sa memories sa fb ko itong brownies na 'to. Ang naalala ko... bigay lang sa akin 'to ng batchmate ko sa high school nung magkaroon kami ng get together. Naipost ko 'to sa facebook dahil last piece na. Kaya ang tanong ko sa caption... Kapag ba ang brownies isang piraso na lang brownies pa din? Di ba dapat browny lang ahahaha. Pampa goodvibes lang guys...havey naman di ba? Ahahaha. Magandang gabi po sa lahat. Ingat.
Guys patapos na naman ang araw and oras na din to take some rest para bukas may panibagong lakas. Medyo na late ako kanina na lumabas kaya hindi ko na naabutan yung talagang oras na hinihintay na maganda ang kulay ng langit. Yung unang pic medyo maaga pa kaya pumasok muna ko ng bahay. Kaya lang nalibang na naman ako sa pinapanood ko ahaha. Pero di ba...kahit madilim na yung mga sumunod na pictures sadyang maganda ang nature na bigay ni Lord. Kaya dapat laging grateful and…
Happy Monday morning guys. New day, new beginning, new blessing sa lahat ng ginising ni Lord. Every gising is always a blessing. Thank you Lord for waking me up again this morning. Amen. Basa ang lupa... Ibig sabihin nagpaulan ng biyaya si Lord. Isang napakalaking biyaya para sa aming may bukirin ang ulan. Tuyo na kasi ang sapa at wala na makunan ng pandilig sa halaman. Kaya napakalaking blessing para sa mga tagarito sa amin ang ulan. Siguro kaninang madaling araw pa umulan…
Ang saya talagang ka bonding ni youtube. Ang taba ng utak. Ang daming alam ahaha. Kahapon kasi nung nag bike ako...kumakaskas ang brake sa harap ng lumang bike ko. Bale hindi balanse ang brake pads nya. Nakasayad yung isang pad. Wala pa kasi ako pang upgrade sa disc brake kaya yan pa din ang preno ko ahaha. Ilang beses ko na inaadjust yan pero ganon pa din. Dumidikit sa rim ang preno kapag ginamit tapos hindi na babalik. Ang natutunan ko kay youtube at para hindi ko…
Memories coming back sa ulam ko na ito. Naalala ko bigla ang tatay ko nung nabubuhay pa. Paborito niya ang balingit ng baboy na nilaga lang. Lalagyan nya ng toyo at kalamansi yun lang ulam na nya. Naging paborito ko din nung mga bata pa kami. Ang plano ko talaga magluto ng pinatisan kaya may binili ako na bulaklak ng saging. Pinalambutan ko na kasi sa pressure cooker yung karne. Nung lumambot at hihiwain ko na bigla ko naalala yung ginagawa ng tatay ko na may toyo at…
Ano na naman kaya pinagbubulungan ng dalawang 'to. Talagang mga MARITES eh. Matapos mo pakainin pagchichismisan pa ko ahahaha. Tapos pag nagkape naman ako mag aabang pa sa pandesal ko na kakapiraso. Tara po magkape tayo. Magandang hapon po sa inyo. Ingat lagi. God bless.
Guys it's time to say goodnight na naman. Patapos na naman ang araw at ang dilim ay laganap na. Mabilis ang ikot ng kamay ng orasan para sa panibagong bukas na sa atin ay naghihintay. Kaya guys kailangan ng matulog para may bagong lakas ulit tayo bukas. Wag makalimot na magdasal sa Poong Maykapal para magpasalamat sa lahat ng mga biyayang sa atin ay ibinigay. Thank you Lord. Goodnight na po sa inyo. Kitakita ulit bukas. Ingat po palagi. God bless us all.
Magandang umaga po sa lahat. Hindi ko agad naipost itong content ko kasi ang tagal ko pang nakatitig sa labas ng bintana. Napakapresko kasi ng paligid at ang sarap langhapin ng sariwang hangin. Lahat ng pasasalamat nabigkas na ng aking dibdib. Hindi lang sa bibig lumalabas ang sobrang pasasalamat ko kay Lord dahil kagabi mabigat ang aking pakiramdam dahil may sore throat ako pero pagbangon ko habang nagmumunimuni sa harap ng bintana sobrang gaan sa pakiramdam. Thank you…
Di ko na napansin ang oras. Nalibang ako mag rearrange ng mga gamit ko para maging maluwag ang galawan ko dito sa dating shop ko. Nilipat ko sa gilid yung computer table kasi ang laki ng nakakaing space. Yung una po ang dating ayos. Hahanapan ko pa ng lugar yung videoke ko kung saan banda maganda ipwesto. Kaya pala gutom na ko tanghali na. Wala pa ko naihahandang pananghalian ahaha. Hindi pa po ako tapos dyan sa ginagawa ko. Magsasaing muna ko. Magandang umaga po. Ingat.
Magandang maulang hapon po sa lahat. Super late lunch ako pero tapos na po ako kumain. Ito ang niluto ko na pachamba ahaha. Pinatisan sana ang iluluto ko kaya lang gutom na ko kaya gisa na lang sa bawang, sibuyas at nilagyan ko ng asukal, toyo, calamansi at isinama ko na din ang bulaklak ng saging to add flavor. Plano ko din sana sabawan yan ng pinag lagaan ko baboy kaya lang nung tikman ko nasarapan ako dahil kumagat ang lasa ng kalamansi. Medyo lasang pork steak ang…
Magandang hapon guys. Pahinga din naman ako pag may time ahaha. Ngayon lang uli nakatambay. Medyo hapon na din kasi ako nakatapos mag ayos dito sa dating computer shop ko. May ilang nagpa rush id din and nagpaprint kanina kaya di ako agad nakatapos sa paglilipat ng mga gamit ko. Nakapaligo na din ako kaya nagpapahinga naman. Mas komportable ako ngayon dito sa ayos ng tambayan ko kasi may pumapasok na din na hangin. Nagkaroon na kasi ng space sa gilid kaya nakakapasok na ang…
Napasobra yata pahinga ko. Naka dalawang tagalog movies ako. Naka 3 hours straight yata ako nanood. Hindi pa tapos itong isang pinapanood ko. Muntik pa matuyuan ng sabaw yung pinakuluan ko kanina ahaha. Dami palang tagalog movies na maganda. Mga comedy romance na hindi ko pinapansin. Dati puro action and sci-fi lang pinapanood ko. Pero parang nagbabago na din yata ang taste at nagsasawa na din sa nakasanayan. Guys heto na uli ang aking finale post. Mas maganda pa sa lahat ng…
Good morning everyone. Kamusta po ang mga gising? Smile naman po dyan ang lahat ng ginising ni Lord. Suklian natin ng saya ang unang biyayang natanggap natin ngayong umaga. Every gising is always a blessing kaya wag makalimot na magpasalamat sa Diyos dahil binigyan na naman tayo ng panibagong pagkakataon na ipagpatuloy ang buhay. Thank you Lord. May lakad pala ako mamaya guys. Nainvite ako sa bday ng kabatch. Hindi sinabi sa akin na bday nya pala ngayon nakita ko lang sa fb…
Preparing my camera and flash batteries. Mapapasabak na naman mamaya sa pindutan. Nag chat na yung nag invite sa akin. Susunduin daw ako ng ng 1pm. Kaya nagsasaing na ko ng pananghalian ko. Kakain na muna ko bago pa sila dumating. Alanganing oras kasi. 2pm daw talaga start ng bday party sa farm ng kabatch namin. Mirienda time pa kaya kailangan nakapananghalian na para di gutumin. Magandang umaga po sa lahat. Ingat.
Ready for pick up na ko. Hala parang shopee delivery lang ahaha. Tama naman di ba? Susunduin ako nung nag invite sa akin sa bday kaya pipick-up-in nila ko ahaha. 1pm daw sila darating. Ready naman na ko magsasapatos na lang. Ready na din ang camera ko dadamputin ko na lang din ahaha. Sumingit lang po ako ng isang content sayang kasi oras. Wala kasi ako data pag nasa labas. Hindi na ko nagloload kasi may wifi naman dito sa bahay. Sayang lang kung di ko naman magagamit yung…
Guys I'm back. Kakaibang bday celebration ang napuntahan ko. May kasamang hiking pala ahaha. Umakyat kami sa bundok. Pero sobrang saya kahit pawis na pawis. Parang nabanat din ang mga muscles ng legs ko sa pag akyat kasi kung dito lang ako sa bahay panay lang ang upo ko ahaha. Ang nakakagulat may pauwi pa na isang sakong sibuyas. Baka mag amoy alien na ko nito ahaha. Pero papamigay ko na lang din sa mga kapatid ko kasi baka mabulok lang dito. Magandang hapon po sa inyo.…
Guys magandang gabi po sa lahat. Parang napagod ako kanina sa hiking. Ang bigat ng katawan ko parang ang aga ko inantok. Hindi naman masyado mataas at malayo ang inakyat namin kanina. Baka yung pag akyat lang talaga ang nakakapagod. Pero meron naman akong pang tanggal ng pagod dito. Heto po uli ang amazing artwork ni Lord. Pabaon sa ating mahimbing na pagtulog at magandang panaginip. Biyayang bigay ni Lord na dapat nating pasalamatan. Lord salamat po sa magandang larawang…
Happy Thursday morning everyone. Another great morning na naman po ang bigay ni Lord dahil heto na naman tayong lahat na dilat na dilat at mulagat ang mga mata ahaha. Taas nga po ang kamay ng tulad ko na tinanghali na ng gising. Pero kahit late nagising... ang importante nagising. Kaya wag po makalimot magpasalamat sa Diyos dahil binigyan nya tayo ng sapat na pahinga at muling nagising. Lord, thank you for waking me up again this morning. Thank you for the gift of life.…
Guys miryenda po. Medyo late na kasi sinipag akong maglinis sa likod bahay. Ang dami na kasing lagas na dahon. Pumunta din ako sa bukid para manungkit sana ng caimito kaya lang ang hirap piliin ng hinog. Sa madaling sabi wala ako nasungkit. Umuwi lang ako na pawis na pawis ahaha. Pahinga po ako after ko magkape tapos ligo na kasi 12pm pala makukuha yung bigas ulit na ayuda. Magandang umaga po. Ingat lagi. God bless.
Iba talaga ang maagap. Dumating kami ng pamangkin ko @karylleDM sa gym ng baranggay hall marami ng tao. Pero walang nagtatanong sa mga organizer na magbibigay ng ayuda kung saan ang pila. Sabi sa akin wala pa daw pila pero nakita ko yung mga upuan na nakahanay na may nakasulat kung anong purok number kaya tinapatan ko na at hindi na ko umalis hanggang naupo na ko sa upuan na may number. Mayamaya nagsunuran na ang mga tao at pumila na sa likuran ko kaya ayun instant nasa…
Guys dumating na ang bago kong laruan sa kusina ahaha. Kanina pa po ito dumating pero ngayon ko lang na flex kasi pinaglaruan ko pa pero di ko pa na try gamitin. Medyo satisfied naman ako sa nabili ko kasi kung ano yung nasa picture sa online shop sya din in reality. Parang branded pa itong pinadala kasi yung box nila sa photos sa ads parang generic lang. Sana tumagal. Magandang gabi po sa lahat. Ingat.
Guys magandang gabi sa inyo. Tulad ng dati kapag amazing artwork na ni Lord ang content ko ibig sabihin finale post ko na 'to para mag goodnight ahaha. Medyo napagod din kasi ako kanina sa gawain kaya maaga din inantok. Pero bago matulog syempre hindi makakalimot magpasalamat kay Lord. Lord, thank you for this day at sa lahat ng blessings and for keeping. Amen. Guys thank you din sa inyo. Goodnight na po sa lahat. See you again tomorrow. Stay safe. God bless.
Magandang umaga po sa lahat. Friday na agad ang bilis talaga ng araw. Yung lumilipas ang araw na hindi halos natin nararamdaman dahil magaan nating hinaharap ang buhay. Kaya wag po tayong makalimot na magpasalamat sa Diyos dahil hindi Niya tayo pinapabayaan. Lord, maraming salamat po sa walang sawa Mong pagmamahal sa amin na mga anak Mo. Salamat po sa panibagong araw na ito at sa muling pagbibigay Mo sa amin ng oras na makapagpahinga para magkaroon ng panibagong lakas sa…
Pupunta ako ng palengke ayaw pa bumaba ng alaga ko sa bubong ng tricycle ko kahit inusad ko na. Diyan kasi madalas matulog yan dahil presko siguro. Nag personal hygiene pa. Nilinis pa ang balahibo nya nubayan ahaha. Aba cutee tanghali na ko. Alis na dyan ahaha.
Kagabi nung lumabas ako...nakita ko ang buwan bilog na bilog kaya kinuha ko agad ang camera ko. Syempre di ko na ginawang content kagabi para may reserbang content di ba ahaha. Paraparaan lang yan para hindi maubusan ng laman ang matabang utak ahaha. Pero dapat mamayang gabi ko pa isishare ito kaya lang sayang naman kung hindi ko kukunan mamaya ang sunset kaya yun na lang ang para mamaya. Pero alam nyo nung paglabas ko ulit nung kinuha ko ang camera ko natabunan na ng ulap…
Magandang hapon guys. Nakatuwaan ko lang reviewhin ang mga pictures namin nung nag hiking kami. May malaking pond kasi doon na medyo mababaw ang tubig dahil sa tag init. Pero pwede naman mag bangka. Natanaw ko lang itong bata na nag eenjoy sa pagsakay sa bangka kaya kinunan ko ng picture. Yung bata kamag anak ng may ari kasama naman namin. Nahulog ang tsinelas ng bata sa tubig kaya pala tinatawag na sya eh ayaw pang bumaba. Kumuha lang pala ng panungkit yung bangkero para…
Guys magandang gabi po sa lahat. Share ko na po last content ko for tonight. Marami pa naman tayong oras bukas para makatambay dito weekend na kasi. Medyo nakakaantok din ang panahon dito sa amin. Bukod sa gabi na umuulan pa. Umaambon pa kanina nung kunan ko ang mga pictures na yan. Masama din talaga maambunan....sisiponin pa yata ako. Init lamig kasi kaya uso na naman ang ubo't sipon. Maaga siguro ako matutulog ngayon. Pero syempre bago matulog wag makalimot magdasal at…
Happy weekend guys. Magandang malamig na umaga sa inyong lahat. Nagtuloy po ang aking ubo't sipon. Kasi malamig sa umaga at mainit na mamayang patanghali na. Pero kahit paano hindi naman malala ang ubo ko. Pasumpong sumpong lang pag nangangati ang lalamunan ko. But anyway, thankful din ako na okay naman ang pang amoy at panlasa ko. Thankful ako lalo dahil ginising ako ni Lord ngayong umaga. Dahil every gising is always a blessing. Thank you Lord. Magkakape na ako guys baka…
Wala ako maisip na content. Parang wala ako sa mood na mag isip talaga. Gusto ko lang tumingin sa paligid ko na parang tulaley ahaha. Kaya ayan pagsilip ko sa bintana may natanaw akong mapula. Namulaklak pala ulit yung gumamela ko. Dati tamad mamulaklak yan. Ang madalas mamulaklak yung kulay peach yata yun or beige. Nagkapalit sila ng sipag sa pag bulaklak. O ayan nakaisa na ko uli ng content. Tutulala muna ko habang nagbabantay ng sinaing ahaha. Magandang umaga po. Ingat.
Todo isip ng maipopost. Hapon na dadalawa pa lang talaga ang content ko. Paano makakarami ng ft kung walang maisip ahaha. Halukayin ko na lang kung anong picture ang pwede ko maishare sa pinuntahan naming resort nung nag hiking kami. Yan ang nadampot ko kaya yan na lang. Pamparelax sa mata ang greens kaya yan na nga lang siguro. Habang tumatagal talaga ang hirap na mag isip ng content. Lalo sa read.cash mas mahirap kasi articles pa ang content. Kaya hindi na nadagdagan ang…
Galing ako ng 7-11 bumili ng Tolak Angin at may pasabuy na ice cream ang pamangkin ko na si @karylleDM. Mabisa kasi ang tolak angin kapag nangangati ang lalamunan kaya lagi ako bumibili. Nakalimutan ko mag selfie kaya huminto ako sa tapat ng school medyo malayo na sa 7-11. Alam nyo yung may bigla ka may naalala tapos bigla ka hihinto? Ugali ko talaga na basta may ganong pangyayari... ang iniisip ko lagi dini-delay ni Lord ang gagawin mo kasi may pwedeng mangyari na di…
Guys goodnight na po sa inyong lahat. May simba po kasi bukas. Because Sunday is for Jesus kaya dapat paghandaan. Kailangan matulog ng maaga para fresh at walang antok pag nasa simbahan. But before this day ends wag makalimot magpasalamat kay Lord. Lord, thank you for this day, for all the blessings and for keeping us safe. Amen. Goodnight na guys. See you again tomorrow. Stay safe. God bless.
Magandang umaga guys. Have a blessed Sunday po sa inyong lahat. Maaga ako bumangon ngayon kasi sisimba po ako. Nagpapakulo na din ako ng tubig para sa kape. Hindi talaga ako nawawalan ng panahon para makasimba tuwing Linggo kasi sandaling oras lang naman ang ilalaan natin para ibigay ang araw na ito para kay Lord. Ito lang naman ang hinihingi Niya sa atin yung isang oras lang sa loob ng isang linggo. Ito na din ang pagkakataon natin na makapagpasalamat sa Kanya sa lahat ng…
Guys I'm back. Nakasimba at nakapamalengke na din po ako. Dito na po ako sa bahay ngayon. Magmimiryenda muna ko tapos mag aasikaso na ko ng aking tanghalian. Igsian ko lang po itong content para makaumpisa na ko sa aking gagawin ahaha. Magandang umaga po. Ingat po lagi. Have a blessed Sunday.
Pinakbet ako ngayon pero walang talong. Binigyan kasi ako ng kamatis at bunga ng malunggay kahapon ng kapatid ko kaya bumili na ko ng pandagdag na gulay. Sayang naman kasi kung malalanta lang ang bunga ng malunggay. Ulam ko na yan hanggang mamayang gabi o baka abutin pa hanggang bukas. Medyo late na ko nakaluto kasi dumating ang bayaw ko naglinis sa kanilang kubo kaya di ko agad naharap magluto. Tara po kain tayo. Magandang tanghali po sa inyo. Ingat.
Akala ko talaga mabubulok lang ang mga sibuyas na 'to dito sa bahay. Mabuti na lang na nagpunta kanina dito yung bayaw ko na taga Cabanatuan City. Inilagay ko sa mga plastic tapos pinadala ko para ipamigay sa mga kapatid ko na taga roon din. Binigyan ko din yung dalawang kasama nya na tauhan nila sa rebisco. Ahente kasi ng rebisco ang bayaw ko kaya may mga kasama lagi sya na pahinante nila. Marami din natira sa akin. Inilatag ko na lang sa ibabaw ng bilyaran para di mabulok.…
Kanina nung nagsimba ako wala ng pinipirmahan na contact tracing form. Parang bigla akong sumaya. Parang naramdaman ko din na parang pabalik na tayo sa normal. Yung saya ko kanina parang tulad ng saya na nararamdaman ko kapag nakikita ko ang amazing artwork ni Lord. Nagiging panatag ang loob ko kapag nakikita ko ang magandang tanawin na tulad nito. Ito na yata ang signs na patapos na ang takot na nararamdaman natin at patapos na ang pandemic sa buong mundo. Sana nga mabalik…
Magandang umaga guys. Ang sarap pa sana ng higa ko kaya lang itong alaga ko ang ingay na. Ayaw tumigil sa katatahol. Gutom na yata. Ako din naman gutom na pero di naman ako tumatahol nubayan ahaha. Joke lang guys. Pampagoodvibes lang kasi maganda ang gising ko. Thank you Lord. Salamat po sa muling pagmulat ng aking mga mata ngayong umaga. Salamat po sa bagong araw at bagong pagkakataon na ipagpatuloy ang buhay. Amen. Guys kung napapansin nyo...hindi ako makasend ng ft sa…
Nagulat ako sa try your luck sa honeygain. Nakakuha ako ng 1000 credits dati kasi palaging 10 to 20 credits lang. Pinakamataas ko na nakuha yata 50 credits pero nakakuha na din pala ako ng 100 credits. Possible pala makakuha ng malaking credits. Kaya lang minsan nung ginamit ng manugang ko ang laptop ko gumamit sya ng incognito o private browsing kasi daw may honeygain sa laptop ko. Kasi nga nagagamit ng honeygain ang unused internet connection mo. Ibig sabihin hindi na…
Bigla tumawag ang anak ko pinakita sa akin yung bike na kinuha nya na hulugan sa bike shop malapit sa work nila. Plano na lang nya mag bike from house to office dahil sa mahal ang gas. Tinignan ko sa online kung magkano ang mahal din pala niyan. Sabi ko sayang ang pera baka maubos ang sahod nya sa installment. Sabi sa akin hati daw sila ni jowa nya sa pagbayad parang regalo na din dahil 2yrs anniversary na nila. Bumili agad ng pamalit na pedal at ilaw. Plano nya umuwi dito…
Guys magandang gabi po sa lahat. Finale post na po ulit kasi busy ako sa pinapanood ko tagalog movie. Nadaanan ko lang sa youtube na hindi ko naman dati pinapansin ahaha. Medyo nakakasawa din pala kapag puro english movies ang pinapanood. Minsan pag naakainip ang kwento fast forward ko pa para malaman agad ang ending ahaha. Ayun guys hanggang dyan na lang din muna ang kwento tatapusin ko lang ang pinapanood ko. Goodnight na din po sa inyo. Pero bago po tayo matulog wag po…
Magandang umaga guys. Ang ganda ng sikat ng araw dito sa amin. Maaga po ako nagising pero di lang ako agad bumangon kasi malamig pa din ang panahon kahit mataas na ang araw. Kaya umaga pa lang mararamdaman mo na ang blessing na bigay ni Lord. Kaya maging thankful tayo palagi kasi nakikita at nararamdaman pa natin hanggang ngayon ang ganda ng kalikasan at preskong simoy ng hangin dahil every gising is always a blessing. Thank you Lord. Tara ng magkape guys para mas lalo pa…
Ang ganda ng lipad ng ating #bch. Sana magtuloy tuloy na. Sabi nga ng pamangkin ko mag sell na ako. Kung tutuusin pwede na talaga kasi yung ipon natin halos nabili natin ng sobrang baba ng rate. Kaya sa rate ngayon na $342 laki na ng itinaas. Pero parang HODL pa din ako kahit may gusto akong bilhin ahaha. Kasya na ang ipon ko sa pambili ng matagal ko ng gusto bilhin pero kaya ko pa naman magtiis. Need ko yun pero baka bumalik na ang rate kung saan tayo nagsimula. Kapit pa at…
Naisipan ko dagdagan ng laman ang bch investment ko sa abra kasi nanghihinayang ako sa 2% interest weekly. Maliit lang kasi ang laman ng bch ko sa abra. Pero sa cprx medyo lugi pa ko kaya di ko na dagdagan. Intayin ko na lang tumaas tapos sell ko na lahat. Ang plano ko talaga magtransfer ng fund from noise wallet to abra kaya lang ayaw tanggapin ang wallet address ng abra kaya ang ginamit ko na lang coins.ph to abra. Wala lang po maicontent kaya ito na lang muna ahaha.
Guys magandang hapon po. Tara po magmiryenda. Pandesal sana kakainin ko at kape kaya lang may konting fries pa pala ako sa freezer yun na lang niluto ko para maubos na. Meron din pala akong tikoy kaya lang naubusan ako ng itlog. Baka mamalengke na ko bukas wala na din kasi akong tinapay. Tara guys miryenda tayo kahit late na ahaha. Ingat po lagi. God bless.
Magandang gabi guys. Nakakain na ba kayo? Ako kanina pa at nakapaglinis na din ako ng katawan. Ready for bed na din po ako. Pero syempre bago po ako mag say goodnight to everyone share ko po muna itong mga larawang pabaon ni Lord sa ating pagtulog. At wag po tayo makalimot na magdasal para magpasalamat sa lahat ng biyayang ating natanggap. Thank you Lord. At hindi din po ako makakalimot magpasalamat sa inyong lahat. Thank you guys. Goodnight everyone. See you again tomorrow.…
Good morning guys. Maaliwalas ang umaga. Malamig ang hangin at tahimik ang aking paligid. Madalang pa kasi ang dumadaan na sasakyan sa hiway. Kaya halos huni ng ibon pa lang ang naririnig. Tatambay po muna ako dito habang hinihintay na kumulo ang tubig. Nagmumuni muni muna ako dito sa isang sulok at hinahanap ang mga salita kung paano magpapasalamat kay Lord dahil muli kong nasilayan ang umaga at makita, marinig at muling maramdaman ang mga bagay sa aking paligid. Walang…
Nag chat ako sa anak ko...nagpapatanong ako sa repair shop ng cp sa mall pag bakante nya sa work. Kasi gamit ko ang pinaglumaan nya na cp na huawei nova 3i. Mas gusto ko kasi sya gamitin kesa sa samsung ko. Mas mabilis kasi ang huawei compare sa samsung. Lalo sa live video...walang lag. Dati kasi gamit ko sa live ang samsung pag kumakanta ako sa isang app. Nakakanta na ko pero hindi pa bumubuka ang bibig ko ahaha. Kaya nung nagpalit ng fon ang anak ko hiningi ko na lang yung…
Guys nagamit ko na yung laruan ko sa kusina na binili ko sa shopee na nai-content ko nung monday yata. May nagtatanong pa nga kung anong klaseng laruan yan ahaha. Para lang masubukan ko naisipan ko na magluto ng okoy. Madali siyang gamitin pang kudkod ng kalabasa. Napapadali ang pag prepare ng lulutuin kapag may ganyan ka sa kusina. Ang sarap ng okoy na niluto ko kaya lang kulang sa harina. Akala ko kasi madami pa ang harina ko wala pa pala 1 cup. Dinagdagan ko na lang ng…
Kanina nung bumili ako ng kalahating tray ng large na itlog...napansin ko na parang maliliit sya. Tapos nakita ko na may letter m sa isang itlog. Sabi ko sa tindera baka nagkamali sya. Large ang binibili ko. Sabi nya sa tray ng large nya yun kinuha... Sabi ko sige na lang. Pinakita pa sa akin yung itlog na medium. Capital M ang nakalagay baka daw nasulatan lang. Nung ilagay ko sa ref ang itlog maliliit talaga. Kasi yung large halos nagkakauntugan sila sa lalagyan. Sa sunod…
Guys magandang gabi po sa lahat. Medyo di ko na napansin ang oras sa panonood ng chinese movie. May nadaanan kasi ako na parang interesting. Maganda naman kaya tinapos ko na. Medyo inaantok na din po ako kaya heto na po ang aking finale post. Medyo simple lang ang kulay ng langit pero maganda pa din. So...yun na yun guys tulugan na ahaha. Pero syempre bago po matulog mag pray muna at magpasalamat kay Lord para sa lahat ng mga biyayang natatanggap natin sa araw-araw and for…
Magandang umaga guys. Ang agang may kumatok na biyaya kanina. Nakahiga pa ko nung may tumatao po sa harap ng bahay. May padating na biyaya mamayang 6 ng gabi. Malamang bigas uli. Kaya dapat every morning... maging grateful tayo hindi lang dahil sa bigas kundi dahil every gising is always a blessing. Bonus na lang yung materyal na bagay na ating natatanggap. Tara po muna magkape. Magandang umaga po muli. Ingat po lagi. God bless.
Nawalan kami ng internet connection kanina. Kung kelan plano ko magdagdag ng content bago pa ko maging busy. Kasi sobrang sipag ko ngayon ahaha. Nag rearrange ulit ako ng mga gamit sa kwarto ng anak ko. Kasi yung mesa ng kainan katabi lang ng bed nya. Naging tambakan na din ng mga gamit kasi madalang naman mauwi dito ang anak ko. Hindi din natutulog dito. Balikan lang lagi sya sa bahay nila ng gf nya. Pagkasimba ng Sunday maglalaba lang tapos uwi lang sa hapon. Inilipat ko…
Kakatapos ko lang po maglinis ng bahay pero may natira pa ahaha. Bukas ko na lang itutuloy yung iba. Pahinga lang po ako saglit tapos maliligo na. Ayos pala ang ginawa ko na paglipat ng mga gamit kasi wala ng takip ang bintana. Kita ko na ang tao sa labas. Dati kasi dyan nakapwesto ang cabinet para hindi kita ang loob ng kwarto para may privacy. Dati kasi marami manlalaro sa bilyaran kitang kita ang mga gamit ng anak ko sa loob. Minsan kasi ako lang ang bantay pag nasa…
Guys magandang gabi. Kakauwi lang namin ng pamangkin ko galing sa pagkuha ng ayuda. Napaaga daw ang bigayan kaninang 3pm pero ang sabi sa amin 6pm kaya gabi na kami nagpunta. Tapos na ang bigayan nung dumating kami doon pero marami pang tao. Kasi nga ang alam namin 6pm pero may mga lugar na nasabihan na maaga mag uumpisa ang bigayan. Buti na lang nag iwan ng staff yung nagpaayuda kaya naghintay pa kami dahil nagpakuha uli. Yan po ang laman ng basket. 3 noodles, 5kls bigas, 4…
Guys magandang gabi ulit sa inyo. Share ko na po ang finale post ko. May nakita kasi ako magandang english movie sa youtube. Daughter of the wolf ang title. Maganda ang istorya kaya baka tapusin ko muna bago matulog. Baka kasi malibang ako ng husto eh makalimutan ko pa na mag goodnight at magpasalamat sa inyo. I will pray for my personal intention at para magpasalamat kay Lord na lang mamaya bago ako matulog. Wag din kayo makalimot magdasal bago matulog guys. Goodnight na po…
Guys good morning. Tirik na ang araw. Gising na gising na si mother earth. Nagkakagulo na ang mga sasakyan sa daan. Pero ang utak ko tulog pa ahaha. Tagal ko nakatitig sa pictures na ipopost ko pero tagal pumasok sa isip ko kung ano ang caption ahaha. Pero ang pakay ko lang naman eh bumati ng isang magandang umaga at magpasalamat sa Diyos dahil nagising ulit ako ngayon. Thank you Lord sa pagbibigay ng pagkakataon na ipagpatuloy ang buhay. Amen. Magkape na tayo guys para…
Guys kape tayo ahaha. Alanganing oras na nakapagmiryenda. Na busy na naman masyado. Di ko na napansin ang oras. Itinuloy ko yung ginagawa ko kahapon. Kumalam lang ang sikmura ko kaya napatingin ako sa oras. Kakasalang lang din ng sinaing. Baka bibili na lang ako ng lutong ulam. Late na masyado kung magluluto pa ko. Magandang umaga po sa inyo. Ingat.
Kagabi nung kunin namin ang ayuda ng kandidato napansin ko yung kulay ng langit at yung pagka arc ng bubong ng gym. Sobrang ganda tignan kaya walang pagdadalawang isip na gumitna talaga ako sa gym kahit may naglalaro ahaha. Hindi ako nagsisi kasi may pang content ako ngayon ahaha. Hindi ko talaga ginawang content ito kagabi para may reserba ahaha. Kasi may iba pa ko sunset photos kagabi na pang finale ko kaya ngayon na lang 'to. Oh di ba may instant content ako ngayon. Hirap…
Kaninang umaga dumating ang buong pamilya ng kapatid kong bunso. Kasama pati mga manugang at apo. Brownout daw kasi sa Cabanatuan mula umaga hanggang 7pm. Kaya dito sila sa Palayan City nag stay. Tapos kaninang tanghali binigyan nila ako ng ulam. Dahil nga naging busy ako kanina... nakalimutan ko mag miryenda kaya kumain na ako ng maaga. Kaya nung ibigay sa akin ang ulam na yan kakatapos ko lang kumain. Sakto naman na hindi ko na ginalaw kasi may ulam ako ngayong gabi ahaha.…
Ang tagal namin nag usap ng anak ko sa video call. Hindi ko tuloy agad natapos ang pinapanood ko na XIII THE CONSPIRACY. Tutal nagpapaantok pa naman ako kaya tatapusin ko na din. Share ko na po muna itong last post ko for tonight para kung antukin ako eh nakapag goodnight and thank you na po ako sa inyo ahaha. Hindi ko din nasubaybayan ang makulay na skyscape kanina. Simply beautiful po ang artwork ni Lord ngayon. Yun lang muna guys. Medyo mahaba pa ang pinapanood ko dyan na…
Magandang umaga po mga kaibigan. Happy weekend. Happy laba day. Happy happy lang. At mas lalong maging happy dahil nagising tayo ngayon. Magpasalamat tayo sa Diyos dahil nabigyan pa tayo ng pagkakataon na masilayan ang bagong umaga. Thank you Lord. May pabonus pa po. May maagang paayuda si sir @AyaMedel ng #FSFG kaya shout out po para sa kanya. Thank you sir AyaMedel. Shout out din po sa inyong lahat. Salamat po sa support. Ingat po kayo lagi. God bless.
Guys kape tayo. Sobrang busy ngayon. Nakapaglinis na po ako ng bakuran. Naglalaba din ako ngayon. Pahinga lang ako saglit habang binabantayan ang sinaing ahaha. Plano ko pa sana maghakot ng buhangin kasi may sesementohan ako sa gilid ng kwarto ng anak ko kasi maraming cracks. Kaya lang masyado na akong pagod baka sa ibang araw na lang ahaha. Magandang umaga po. Ingat.
Coffee break tayo guys. Kakatapos ko lang po kasi magsampay at medyo pagod na din. Pahinga naman pagkatapos mag miryenda. Ang katerno pala ng kape ko tikoy na may itlog. Matagal na din sa ref kasi itong tikoy mula nung ibigay ng kapatid ko. Sayang naman kung masira lang kaya pinilit ko na mailuto kanina. Miryenda ko din pala yan kaninang umaga. Tara guys kape na. Ingat lagi. God bless.
Guys napasobra ang pahinga ko gabi na pala ahaha. Nalibang din sa panonood ng movie. Kaya pala parang gutom na ko lagpas na sa oras ng dinner time ko. Before 7 kasi madalas ako kumain. Nasa more than half pa lang din yang pinapanood ko. Sabayan ko na kumain habang nanonood para naman bumaba na ang kinain ko bago matulog. Tara guys kain muna. Magandang gabi po sa lahat. Ingat.
Guys goodnight na po sa inyo. Maaga pa gigising bukas magsisimba po kasi ako. Kailangan ko maaga bumangon kasi mamalantsa pa pala ako ng sutana ng anak ko para sa pag serve nya bukas. Bukas pa lang din kasi ng umaga darating ang anak ko kaya dapat maplantsa ko na ang susuotin nya para di kami ma late sa misa. Wala po pala ako kuha ng sunset kanina kasi nalibang ako sa panonood kaya madilim na nung lumabas ako ng bahay. Ganyan po kaliwanag dito sa gabi dahil sa LED light sa…
Magandang umaga po sa lahat. Have a blessed Sunday po. Maaga ako bumangon kasi sisimba po ako ng second mass pa naman. Mamaya pa po 8:30am. Kaya lang kailangan ko pa mamalantsa ng isusuot ng anak ko na sakristan. Inagahan ko talaga kasi hirap talaga ako plantsahin yang sutana na puro tupi ahaha. Kaya hindi na talaga ako namamalantsa ng mga damit ko kahit panlakad. Basta naglaba ako pinapagpag ko pag isasampay para mawala ang lukot pag natuyo. Sa lahat talaga ng gawaing bahay…
Guys nakabalik na po ako with my son. Kasalukuyang nagmimiryenda na. Nagugutom na kasi ako. Pagkatapos magmiryenda mag-aasikaso na ko ng tanghalian namin. Tara guys magkape. Bawal humingi ng kakanin...akin lang yan ahaha. Nagdamot pa...akala mo makakapunta kayo pag nagyaya ako ahahaha. Have a blessed Sunday po sa lahat. God bless.
Yung sobrang dalang namin magkasabay kumain ng anak ko mula ng bumukod na sila ng bahay ng kanyang jowa. Ang request nyang ulam kanina binabad sa toyo. Marami po di nakakaalam ng binabad sa toyo. Parang sa katagalugan lang yata recipe yun. Simpleng pork lang po na nilagyan ng toyo na nilagyan ng kaunting vetsin at pipritohin o fry sa english ahaha. Pero may nabibili na sa palengke na ready to fry. Kaya lang ang mahal ng presyo. 85php ang 1/4 kilo. Sabi ko iba na lang. Kaya…
Dumating kaninang umaga ang anak ko para magsimba at maglaba na din ng mga damit nya. Bale parang nagpatuyo lang ng bahagya ng nilabhan...ayan byahe na naman pabalik sa bahay nya. May work na naman kasi bukas kaya hindi pwede dito matulog. Medyo malayo ang lugar namin sa pinagtatrabahohan nya at wala din kasama ang jowa nya sa apartment. Mga ilang linggo na naman minsan inaabot pa ng buwan kung magkita kami. Madalang kasi yung walang pasok ng Sunday. Sobrang dalang nya…
Guys goodnight na po sa inyong lahat. Inaantok na talaga ako. Ewan ko kung matatapos ko pa ang pinapanood ko ahaha. Di ko din gaano pakahahabaan 'to. Thank you po ulit sa inyo. Don't forget to pray before you sleep guys. Let's give thanks and praise to our Almighty God for all the blessings and for keeping us safe. Amen. Goodnight everyone. See you again tomorrow. Stay safe. God bless.
Good morning guys. Happy Monday po sa lahat. Tinanghali ako ng gising ngayon. Napasarap ang tulog ko. Thank you Lord. Alam nyo yung nanaginip pa ko ng parang action movie ahahaha. Nadala ko pa sa panaginip ko yung last english action movie na pinanood ko kagabi. Kaya lang parang sponsored nightmare ahaha. Kasi jollibee yung location. Naholdap daw yung kahero tapos hinabol ng mga tao yung nakamotor na holdaper. Bakit kaya jollibee? Pwede naman mcdo o kaya chowking ahaha.…
Uumpisahan ko na guys. Magiging busy ang Lunes ko ngayon. Pampalipas oras at pampapawis na din kesa maupo lang maghapon ahaha. Mamaya na konti siguro ako magsasalang ng sinaing maaga pa naman. Madali kasi mapanis ang kanin ngayong tag init. Ang saing ko kasi hanggang hapunan na. Ibang iba ang bigas ngayon di tulad nung araw kahit abutin pa kinabukasan hindi napapanis. Makapagmiryenda na pala muna bago ko simulang magpintura. Magandang umaga po sa lahat. Ingat.
Nakapag breaktime na ang painter ahaha. Magandang tanghali guys. Maikwento ko lang po...dati isa sa ayaw ko na ginagawa ay magpintura. Pero kapag pala ginagawa mo ito na ang mindset po is naglilibang ka lang...hindi ka mapapagod o mababagot sa ginagawa mo. Libang na libang talaga ako kahit pa ang tagal matapos. Siguro yung mga pintor ng mga artworks ganon lang din ang mindset. Gusto kasi nila ang kanilang ginagawa at talagang yun ang kanilang hilig. Pero kung hindi mo talaga…
Magandang gabi guys. Nakakapagod ang maghapon pero nag enjoy naman ako sa pagpipintura ko. Nakakatuwa lang kasi kahit isang sulok pa lang ang napinturahan ko may isang sulok na dito sa bahay ko ang maaliwalas tignan ahaha. Sulit ang pagod kasi nalibang talaga ako. Sa sobrang pagkalibang ko muntik ko pa mapalampas ang magandang tanawin na 'to. Bigla nawala ang pagod ko nung kunan ko ng pictures ang amazing artwork ni Lord. Mapapasarap na naman siguro ang tulog ko kasi may…
Magandang umaga po sa inyo mga kaibigan. Kaway kaway ang mga ginising ni Lord ngayong umaga. Wag po makalimot magpasalamat sa Kanya dahil every gising is always a blessing. Thank you Lord. Patambay po muna habang ninanamnam ko pa ang malamig na simoy ng hangin dito sa amin. Mamaya lang kasi mainit na naman. Magkape na din po tayo bago makapag umpisa na ulit sa mga gawain. Ingat po kayo lagi. God bless.
Sinipag na naman po maglinis ng bakuran. Kumuha kasi ako ng papaya sa likod bahay para gawing atchara ulit. Napreskohan lang ako kasi malamig ang simoy ng hangin kaya tinambayan ko na at nagwalis na din. Isasabit ko pa sana ang duyan ko kaya lang marami pa akong gagawin ahaha. May pipinturahan pa sana ako kaya lang may iba pa ko gagawin. Baka pag naharap ko na lang ulit para hindi sabay sabay ang pagod ahaha. Magandang umaga po sa lahat. Magmiryenda na at mag umpisa na…
Parang bigla ako nanghinayang sa gagawin kong atchara. Papahinog na pala ang papaya ko. Di ko talaga natiis na hindi tikman. Matamis na din pero matigas pa. Mainam lang pag medyo hinog na matamis na pag nagawang atchara. Magandang hapon po. Tapusin ko na po muna 'to. Magandang hapon po sa inyo. Ingat po lagi.
Nakalimot na ko...may noise.cash nga pala ko at kailangan ko din mag content ahaha. Yung pamangkin ko kasi na si @karylleDM nagpa halo-halo di daw nya ko naibili ng pasalubong nung nagpunta sya ng bulacan ahaha. Nagpapabili kasi ako ng chicharong baboy. Pansasahog ko pa naman sana sa munggo. Akala ko lang talaga nung tinawag ako magpapaprint lang ng report nila yun pala galante...may dalang halo-halo ahaha. Bigyan ko na lang ng atchara mamaya paglamig. Naluto ko na kasi pero…
Guys finale post na po. Antok na ko kaya lang kailangan ko muna tapusin pinapaprint ng pamangkin ko. Submit na daw kasi bukas. Kaya lang nagloko pa printer ko. Pero post ko na muna 'to bago ko ituloy pag print. Goodnight and thank you na din po sa inyong lahat. Don't forget to pray before you sleep guys. See you again tomorrow. Stay safe. God bless.
Good morning guys. Maaga ako ginising ni Lord ngayon kasi may unfinished business ako na dapat kong ituloy ngayon. Thank you po Lord for this great opportunity to continue life. Amen. Medyo busy na po ako pagbangon ko pa lang. Nagloko kasi ang printer ko kagabi. Ayaw magprint ng black ink kaya effort ako ngayon na ayusin. Di ko din natapos yung pinapaprint sa akin. Naayos ko na ng bahagya. May black na pero may guhit pa at medyo may lines na blurred. Konting linis pa siguro…
Hindi na pwede sa document printing ang printer ko. Madalang ko na kasi magamit. Mabuti na lang sa pictures okay pa. Hindi masyado halata ang guhit kahit na sa 2"x2" size. Halata lang sa document kasi may mga rows na blurred. Every 2 rows yata nagiging blurred. Madalas naman kasi puro rush id photos lang ang piniprint ko. Nag try ako sa picture ko na 2x2....walang guhit. Madalas naman kasi ang black yung hair kaya di masyado o halos hindi nakikita. Ubos oras ko sa pag test…
Sabi ng anak ko kanina sa chat uuwi sya dito mamaya kasi may kukunin syang cycling shorts at papasukat din daw sa akin yung binili nya na helmet para pag ibibili daw nya ko alam na ang sukat. Ang tanong agad ano daw ang ulam kasi dito sya kakain ng dinner. Sakto naman paborito nya itong niluto ko. Adobong walang sabaw. Iba ang hiwa kasi napalambutan ko na yan nung isang araw. Kaya parang gisang adobo ang nangyari. Dati kasi pag nag adobo ko sabay sabay na ang sangkap tapos…
Guys magandang hapon po sa lahat. Mai-share ko lang po at gagamitin ko na din content para di na ko mag isip pa ng ipopost ko ngayong hapon ahaha. May mga photos po kasi na part ng aking hobby sa photography ang nag pop-up sa aking fb memories. This was 10 yrs ago na. Halos magkasunod lang po ito nakunan ng picture sa likod bahay namin. Yung picture ko yang anak ko na may hawak na gitara ang kumuha. Kasi tinuturuan ko pa sya dati sa composition. Tulad ng ginawa ko sa picture…
Guys ang aga ko inaantok. Napuyat kasi ako kagabi sa pag ayos ng printer ko pero hindi ko din naman nagawa. Kaya kanina umaga sobrang aga ko naman nagising. Ganon kasi ako kapag may gusto ako magawa o ayusin hindi ako mapakali hanggang di ko natatapos. Lalo kapag tungkol sa pinagkakitaan hindi ako mapakali kasi kapag nasira ang gamit ko may isang hanapbuhay ang mababawas. Importante pa naman sa akin ang printer kasi gamit ko sa rush id photo. Lalo kung kulang ka sa budget…
Good morning guys. Mapagpalang umaga po sa ating lahat. Sobrang ganda ng tulog ko kagabi kaya magaan ang katawan ko nung bumangon kanina. Thank you Lord for the wonderful sleep and for waking me up with strong and healthy body. Amen. Tara po magkape habang mainit pa. Ito lang lagi ang aking almusal plus 2 pieces na pandesal. Hindi ako sanay sa heavy meal sa umaga. Pati ang anak ko ganon din. Kahit ipagluto ko ng almusal ayaw din nya. Gatas lang ang iniinom tapos dinadala na…
Medyo sinipag na naman. Naipahid ko na ang tirang pintura sa kabilang side. Muntik pa di kumasya sa isang pisngi ahaha. Pag medyo sinipag na naman ako bibili ulit ako ng pintura para buong kusina na ang mapinturahan ko. Ang liwanag tignan pag may pinturang puti. Kahit man lang isang sulok ng bahay ko umaliwalas ahaha. Magluluto naman ako ng pananghalian ko. Pahinga muna ng konti. Magandang umaga po sa lahat. Ingat.
Magandang hapon guys. Maliligo na sana ko pero naisipan ko na mag content muna ng isa. Ganyan pa din katindi ang sikat ng araw pero hindi naman masyado mainit kasi mahangin at presko naman dito sa amin. Dati sa umaga ako naliligo pero kapag ganitong tag init masarap maligo sa hapon. Pero pag malamig talaga ang panahon iniiwasan ko na abutin ng hapon ang paliligo kasi malamig ang tubig at nangingiki ko habang naliligo ahaha. Yung para kang may sakit...na konti mahanginan lang…
Guys magandang gabi. Naka silent muna ang pinapanood ko kasi mas lalo ako wala maisip na sasabihin sa content na 'to ahaha. Share ko na po ang pa sunset ni Lord kanina. Hindi ko na nabantayan yung halos nakalubog na ang araw kasi may pinapanood ako nalimutan ko tuloy lumabas uli ahaha. Goodnight na din po pala sa inyo at maraming salamat sa lahat ng suporta. Tatapusin ko lang po ang pinapanood ko tapos matutulog na din. Don't forget to pray at magpasalamat kay Lord bago…
Magandang umaga po sa lahat mga kaibigan. Thanks God it's Friday na. Matatapos na naman ang isang linggo na healthy and safe tayo. Pero dapat thankful din tayo everyday lalo na tuwing tayo ay gumigising sa umaga. Dahil every gising is always a great blessing. Thank you Lord. Maaliwalas at malamig po ang umaga dito sa amin. May malamig na simoy ng hangin pa kaya masarap muna tumambay dito sa noise at maupo ahaha. Sabayan na din po natin magkape para mainitan ang sikmura bago…