Sa sobrang boredom ko...napaghalukay ko ang mga luma kong gamit nung may internet shop pa ako. Buong bahay hanggang sa likod bahay sagap na ang internet ahaha. Yung mahabang cable wire na nasa 20 meters yata ang haba gamit pa nung smart canopy pa ang gamit ko. Nung palitan ng ultera hiningi ko na lang sa nagkabit. Wala na din ang ultera kaya napunta ko sa converge ngayon. Tapos yung cdrking wifi router binili ko nung mauso na ang ipad at ipod touch na meron ang anak . Dahil…
@jhunpmelchor in February 2022
Nakakatawa itong monay na binili ng pamangkin ko kahapon parang hangin. Magaan pa sa isang maliit na pandesal ahaha. Parang hindi ako mabubusog kahit malaki. Yung putok pandesal kasi kahit maliit sya malaman naman. 2 pcs lang sa umaga kapag nagkakape ako busog na ko. Tara guys magkape tayo. Gusto ko na umidlip kaya lang umalis ang kapitbahay ko nakisuyo na tignan tignan ko ang bahay nila. Di ako makatulog kapag may ipinakisuyo sa akin kahit pa masama ang pakiramdam ko.…
Guys it's time to say goodnight na sa inyong lahat. Need more rest pa para makarecover ang health. Hirap kalaban ng clogged nose... Nakakapanglambot talaga. Kaya share ko na ulit ang aking pang finale. Syempre walang iba kundi ang amazing artwork ni Lord. Syempre ulit...hindi ko makakalimutang magpasalamat sa lahat ng inyong suporta. Thank you guys. Lord, thank you din po sa lahat ng blessings and for keeping us safe. Sana po pagalingin Mo ang mga may sakit at kasama na din…
Good morning sunshine. Maaliwalas na umaga po sa lahat. Magaan na po pakiramdam ko ngayon...thank you Lord. Sana po tuloy tuloy na ko gumaling. Hindi na tulad kahapon ang sakit ng ulo ko kahit maubo. Saka hirap din ako kumilos kahapon pero pinilit ko na may gawin para lang ma exercise. Ang sarap sana maglakad lakad ulit sa labas kaya lang baka hingalin ako eh bigla na naman akong ubohin kaya hindi ko na muna bibiglain ang sarili ko sa gawain para tuluyang gumaling. Tara guys…
Maglalaga lang sana ko ng gulay eh...kaya lang dumating yung isang kapatid ko nanlibre ng ulam. Hindi daw kasi ako makakaattend ng bday nya bukas kaya libre na lang nya ko ng ulam. Pinaorder ako...isang order lang sana kukunin ko pero bigla akong naging wais kaya ginawa ko ng dalawa ahaha. Kaya ayan po...may ulam na din ako para mamayang gabi ahaha. Di ko pa kayo mayaya kumain kasi kakasalang ko pa lang ng sinaing. Magandang umaga po sa lahat. Ingat palagi. God bless.
May bagong balag ang kapatid ko. May mga bagong tanim na din. May mga puno din ng papaya. Yung nauuso na mga bansot na maraming bunga. Abang na lang pag nagsilaki na at mamunga. Parang matutuloy yata ang pagbili ko ng food processor para sa pag gawa ng atchara. Pwede na ko magnegosyo kasi nasa tabi ko lang ang magiging supplier ko ng papaya ahaha. Nakapaglakad din ako sa bukid kanina...kahit paano nakapagpapawis. Nakapagpapresko na din ako. Di kasi ako naligo kahapon dahil…
Guys dinner time na...kakain na ko. Pero share muna yung earlier version ng sunset. Mamaya na yung talagang golden hour. Inabangan ko talaga kasi nakita ko na habang dumidilim lalong tumitingkad ang kulay ng langit. Pero itong version na 'to...sobrang baby pa ni sunset. Magugulat kayo mamaya sa pang finale...talagang ang ganda. Makikita nyo po sa post ng aking pamangkin @karylleDM yung sinasabi ko. Pero yung akin mamaya na para may pang content pa ko mamaya ahaha. Kain guys.…
O paano ba guys...this day almost ended to give way to another new day. Post ko na po ang pang finale ko. Heto na po ang amazing artwork ni Lord na talagang iginayak Niya para sa atin. Pampawi ng mga pagod at pampaalis ng stress sa mga isipan nating bagot na sa mga problemang dinadanas ng mundo. Be grateful for every sunset and be thankful for every sunrise dahil sa bawat dilim na ating pinagdadaanan. May liwanag pa din na naghihintay. So ayun guys...bye for now. See you…
Good morning guys. Ang ganda na naman ng sikat ng araw. Napaka presko ng hangin at napakaganda ng tanawin. Kaya be thankful dapat tayo sa mga biyayang di naman natin hinihingi pero natatanggap natin lagi. Kahit ang aking alaga namamangha. Gusto yatang gumala. Basta nanungaw ako sa bintana pati siya dudungaw din ahaha. O sya yun lang po muna. Magkape na po tayo habang nag iingay dito. Magandang umaga po muli. Ingat po lagi. God bless us all.
Sinipag na naman po. Nilinis ko ang bakuran ng aming kubo. Nakalimutan ko na magmiryenda tuloy. Pahinga muna ko ng konti dito sa duyan. Dapat pala nagtimpla na muna ko ng kape bago naupo dito ahaha. Magaan naman na ang pakiramdam ko kaya nagpapawis na ko. Wala na ko clogged nose ngayon...madalang na din ang ubo. Maghahanda na din ako ng tanghalian pagkapahinga. Magandang umaga po sa lahat. Ingat.
Guys kain po. Yung gulay na kinuha ko sa bukid kahapon nilagyan ko na lang ng tuna. Dapat ilalaga ko lang sana kahapon yan kaya lang may naglibre ng ulam. Sakto naman na may tuna ako kaya yan ang naisipan ko na lutuin. Tara po kain tayo. Magandang tanghali po sa inyo. Ingat lagi. God bless.
Guys medyo naging mahaba ang araw na ito dahil sa mga gawain ko. Napagod at maagang inantok ahaha. Pero syempre bago ako matulog share muna natin ang magandang tanawin kanina na pinakita ni Lord. Syempre ulit...hindi ako makakalimot na magpasalamat sa inyo. Mas lalong hindi ako makakalimot magpasalamat kay Lord. Salamat po Lord sa lahat ng blessings and for keeping us safe. Amen. Thank you guys. Goodnight na po sa inyo. See you again tomorrow. Stay safe. God bless.
Happy Friyey mga kaibigan. Tinanghali ako ng gising ngayon. Napasarap ang tulog kaya maganda din ang gising. Okay na din ang pakiramdam ko. Thank you Lord. Akala ko kanina nananaginip pa ko kasi may tumawag sa akin...sumisigaw sa bintana ang pamangkin ko si @karylleDM tinatawag ako kasi may good news sya. May free tips na daw sya. Nakakatuwa naman...kasi in just 2 weeks lang yata nagkaroon na sya ng pang ayuda. Ang ganda ng simula nya dito sa noise kasi umpisa pa lang ng…
Ang tagal ng usap-usapan ang cocomelon pero wala akong idea kung anong klaseng video para sa mga bata ang video. Wala kasi kaming baby or toddlers dito sa bahay kaya wala akong interest na tignan o panoodin. Minsan nag comment pa ako sa isang post na mas mabuti daw na disney movies ang ipanood sa mga bata kasi yung english accent sa disney movies maadapt ng mga bata. Never mo daw ipapanood sa mga toddlers ang sponge bob, mr. bean at tom and jerry kasi pwedeng magaya ng mga…
Tinanggal na ang karatula nung nagkabit. Hindi galing sa city hall at assessor's ofc ang utos na ilagay yang karatula. Personal interest lang nung nagpalagay. Natakot din yata nung i-report namin sa ofc ng city assessor kasi di nga kasi sa kanila galing ang utos... at sila lang ang may karapatan na maglagay ng notice sa ganyang usapin. Gagamitin pa ang ofc of city mayor para lang makapanglamang ng kapwa. Ang tagal na naming sakop ang kapirasong lupa na yan kaya wala silang…
Guys magandang hapon. Tara po magkape. Dumaan kasi ang rolling store ni emong pandesal kaya nakabili ako. Ngayon lang ako nakapagkape kasi na busy ako manood ng tv. Naligo na muna ko bago ako nag miryenda. Kasi kapag nainitan ang sikmura tapos naligo sure na lalamigin. Tara guys kape na bago lumamig. Ingat po. God bless.
Simply amazing artwork ni Lord, ang aking handog bago ako matulog. Bilang pasasalamat ito ang aking kaloob. Sa bawat paglubog ng haring araw may bagong bukas na matatanaw. Kaya be grateful for every sunset and be thankful for every sunrise. Kaya ayun guys it's time to say goodbye for now dahil bukas mahaba na naman ang araw. Goodnight everyone. See you again tomorrow. Stay safe. God bless us all.
Magandang umaga po sa lahat. Happy weekend and happy labaday sa inyong lahat ahaha. Buti pa ang kapitbahay ko ang agang nakasampay ahaha. Sabagay mahaba at sobrang aga pa naman kaya marami pa oras para makapaglaba at makatuyo ng labada. Ang ganda ng panahon ngayon....talagang binibigyan tayo ni Lord ng pagkakataon na makatuyo ng nilabhan. Palaging may perfect timing ang bawat oras ng mga gawain. Kaya galaw galaw na din para may matapos ahaha. Pero bago yun mag almusal po…
Short hiking sa bukid namin ahaha. Dumating yung isang kapatid ko na retired police. Sinilip yung pinabakuran nya na residential lot. Tapos niyaya ko pumunta sa aming bukid para silipin ang tanim ng panganay namin. Hindi ko na naumpisahan ang labahin ko kasi napakwento na din kami kay MARITES ahaha. Kakabalik ko lang dito sa bahay at kakaalis lang din ng kapatid ko. Magkakape muna ko bago umpisahan ang mga gawain. Tara guys kape muna tayo. Ingat po kayo. God bless.
Feeling bakasyonista pagkatapos maglaba ahaha. Nakaligo na po bago pa nagselfie sa likod bahay pang content lang ahaha. Ang hirap kasi mag isip ng topic kaya bago ko isara ang likod bahay kuha muna ng konting picture para may mai-share. Pero yung caption lang talaga ang problema. Ang hirap mag isip ng sasabihin. Pagkapost po nito nood lang ako ng tnt pagkatapos punta ako ng palengke bibili ng cat food, gatas at kape. Bukas na lang sana ako mamalengke kasi sisimba naman ako…
Kain po....binili ko lang po sa karinderya yan lumpia shanghai. Bukas na lang ako magluluto ng ulam para fresh. Mamalengke na ko ng pang ulam ko bukas after magsimba. Palagi kasi maramihan ako magluto pang ilang araw para tipid. Reheat lang kapag kakainin. Ininit ko din pala yan kasi medyo malambot na ang balat. Tara po kain tayo. Magandang gabi po sa inyo. Ingat po lagi. God bless.
Guys it's time to say goodnight na. Kailangang matulog ng maaga kasi sisimba po ako bukas. Medyo napagod din kasi kaninang umaga sa daming ganap. Nagasgas din kasi ang lalamunan ko kanina nung kausap ko si MARITES ahaha. Medyo makati na naman ang throat ko. Baka kasi ubuhin ako bukas sa simbahan kaya need ko talaga makatulog ng maaga para medyo mawala ang pangangati ng lalamunan ko. Pero bago ang lahat syempre may pang finale. Amazing artwork ulit ni Lord para sa ating…
A blessed Sunday to everyone. Magandang umaga po sa lahat. Medyo late po ako nagising ngayon kaya di ko na pakakahabaan ang content na 'to. Gagayak na po kasi ako para magsimba. Nagpapakulo pa lang ako ng pang kape ko kaya medyo nagmamadali na ko. Baka kasi ma late ako sa misa. Need ko pa magpakain ng pets bago umalis ng bahay kaya yun lang muna guys. Ingat po kayo lagi. God bless.
I'm back guys. Nakapagsimba and nakapamalengke na. Sinalang ko muna yung baboy na papalambutin ko. magluluto ulit ako ng tokwa't baboy. Pero habang nakasalang sa pressure cooker yung karne samahan nyo muna ako mag miryenda. Salabat at kakanin para balance lang. Hindi puro matamis. Tara guys bago lumamig. Magandang umaga po. Have a blessed Sunday. Ingat po lagi. God bless.
Late na ko nakakain. Ang tagal lutuin ng tokwa't baboy. Maglalaga pa ng baboy para lumambot at magpiprito ng tokwa bago pa sila igisa lahat. Pero masarap yan kaya lang hindi ko na nilagyan ng celery. Naparami ang kain ko kasi medyo maanghang din. Bale ulam ko pa yan mamayang gabi at bukas ahaha. Baka nga umabot pa hanggang Tuesday. Hindi ko na niluto lahat ng baboy. Try ko gawin yung half kilo na chicharon. Gagayahin ko yung napanood ko sa youtube ahaha. Magandang tanghali…
Miryenda guys...binigyan ako ng kapatid ko ng sopas. Death anniversary kasi ng nanay namin kaya nagluto. Ako naman ang magpamisa para sa kaluluwa ng nanay namin nung magsimba ako kanina. Medyo malamig na kasi dumating si kapitan nakipagkwentuhan tungkol sa karatula na ikinabit sa lote namin. Akala kasi hindi pa natanggal. Pero kahapon pa naalis yung karatula. Tara guys kain. Magandang hapon po sa inyo. Ingat.
Mabuti na lang at isang supot na pandesal lang ang nabili ko kanina kasi medyo matatagalan bago ko maubos ang dalawang lata ng biscuit na bigay ng bayaw ko. Sa rebisco kasi sya nagtatrabaho. Pero bigay ko sa anak ko yung isang lata pag uwi nya dito next week. It's dinner time na din guys. Kain na po. Magandang gabi. Ingat po lagi.
It's finale time...God's artwork sharing before this day ends. Kakatapos ko lang din po kasi manood ng movie na Sink Hole kaya ako ginabi. Ramdam ko na din ang antok kaya it's time to say goodnight na din sa inyo. Pero bago yun syempre hindi ko makakalimutang magpasalamat sa inyo. Lalo kay Lord na nagbigay ng lahat lahat. Lord thank you for this day, for all the blessings and for keeping us safe. Amen. Goodnight everyone. See you again tomorrow. Stay safe. God bless us all.
Magandang Monday morning po sa lahat. Maaga akong ginising ni Lord ngayon. 5am pa lang gising na ko. Bumangon na ko at nagpakulo na ng tubig para magkape. Rice distribution din kasi kaya hindi na ko nagpa inin sa higaan. Nabigyan ako ng stub nung isang araw. Medyo kontrobersyal ang stub dito sa amin dahil sa magkalabang kandidato. Grasya na ang bigas kaya tanggapin kahit kanino nanggaling. Bigay naman hindi hiningi. Basta sundin mo lang ang puso mo kung sino talaga ang gusto…
Mirienda guys...kakabalik ko lang galing sa pagpila sa ayudang bigas. 25kls po yan. Ibibigay ko sa anak ko kasi may bigas pa naman ako. Kasama ko ang pamangkin ko na si @karylleDM kasi tig isa kami ng stub ng kapatid ko. Baka kasi di ibigay sa akin yung bigas nila pag ako lang ang kukuha. Tatanggi ka pa ba sa grasya kung ibinibigay na ng libre!? Ang daming naghihirap na nawalan ng hanapbuhay at isa na ako doon kaya bakit pa ba ko mag iinarte para tumanggap ng kusa naman…
Tinawag ako ng mga pamangkin ko. May handa pala ang kapatid ko na may bday. Tatay ni @karylleDM. Kaya pala wala ako nararamdaman sa bahay nila kasi sobrang tahimik yun pala nasa bukid sila at doon naghanda. Kumuha lang ako ng pagkain ko at umuwi na dito. Hindi kasi abot ang wifi ko don ahaha. May nag iinuman din kasi kaya hindi na ko nag stay. Kinunan ko lang ng picture yung handa nila kaya lang di na kasya dito kaya yan na lang muna. Puro pang miryenda lang kinuha ko pero…
Before and after. Di ko pala kayang ubusin. Pag nagkape na lang ako yung putong puti at tirang lumpia. Puro mabigat kasi sa tiyan. Lalo yung kakanin. May ulam na din ako mamaya. Kalderetang bibe kung tama ako. Di ko alam kung anong luto yan di ko pa din kasi natitikman. Magandang hapon po sa lahat. Ingat.
Guys masyado akong nalibang manood ng sci-fi movie. 2 movies ang natapos ko kaya di ko na namalayan ang oras. Buti na lang nag chat ang anak ko ahaha. Heto na po uli ang pang finale ko. Amazing artwork from our creator. Kaya palaging grateful tayo araw araw dahil sa mga biyayang tulad nito na bigay ni Lord. So ayun guys...salamat po muli sa inyong lahat. Lord thank you din po for all the blessings and for keeping us safe. Amen. Goodnight everyone. See you again tomorrow.…
Good morning madlang pipol. Makulimlim na umaga po sa lahat. Lord thank you for the gising. Thank you Lord for this wonderful morning. Amen. Late na ako bumangon guys kasi ang sarap pa mahiga. Medyo malamig ang simoy ng hangin...ang sarap sabayan humigop ng mainit na kape. Parang tulog pa ang utak ko wala akong masabi ahaha. Magkakape nga po muna ko para magising ang diwa ko. Magandang umaga po muli. Ingat po palagi. God bless us all.
Guys I'm preparing my lunch na. Ito ang ulam ko ngayon...galing sa ref... sobrang lamig at tulog ang mantika. Parang kasing lamig ng jowa mo na ipinagpalit ka sa pangit. At nakatulog ang damdamin syo na walang ibang ginawa kundi sya ay mahalin ahahaha. Grabe hugot ahaha. Mag iinit lang ng nanigas na ulam ang lalim na ng pinaghugutan ahaha. Galing nga po pala sa bday yan kahapon ahaha. Magandang umaga po sa lahat. Ingat.
Nasandal tulog ahahaha. Nanonood lang ako ng showtime...di ko namalayan na nakaidlip yata ako. Kasi pagdilat ko tapos na ang pinapanood ko ahaha. Kahit paano nakapag recharge ako kahit kaunti. Madalang ako makaidlip sa hapon kasi madalas kung kelan ako maiidlip saka bigla may kakatok na costumer na magpapapicture. Saka may sinusubayan akong mga palabas kaya di din ako nakakatulog ng ganitong oras. Mirienda po tayo. Espasol po yan baka meron ulit magtanong. Sasabayan ko ng…
The sun is setting now and I'm still waiting for the golden sky. And some like cotton candy floating in the sky. I want to see the sky as bright as a fire. I know God will grant my wish and will make my day complete. Seeing His amazing artwork, my worries will disappear just like a thin bubble pierced by a fork.
Guys it's time to say goodnight to everyone na. This day almost ended to give way to another new brighter day. I wanna say thank you to all of you...for all your support. Lalo at higit na pasasalamat kay Lord na nagbigay ng lahat lahat at laging nariyan para tayo ay samahan. Lord, thank for all the blessings and for keeping us safe. Amen. Goodnight everyone. See you again tomorrow. Stay safe. God bless.
Every gising is always a great blessing. Thank you Lord for this wonderful morning. Amen. Magandang maaliwalas na umaga po sa lahat. Kanina pa po ako nagising at kasalukuyang nagkakape ahaha. Inuna ko po kasi balikan yung last post ko kagabi. Nagsukli po muna ko paunti unti sa mga comments and sa nag send ng ft. Medyo maliit din kasi ang dumadating na pang ayuda kaya minsan po talagang late ko na kayo nasusuklian. Yun lang po muna guys...lalamig ang kape ko. Ingat po kayo.…
Guys miryenda po tayo. Tira ko pa yang kakanin nung isang araw. Kailangan ko na ubusin baka mapanis na ahaha. Wala na ko maicontent kaya ito na lang ahaha. Nagpakaabala ako sa kakalikot ng tv plus ko. Sabi kasi sa live ng abscbn sa youtube rescan daw yung tv plus para makuha ang ez channel nila. Kaya lang ayaw naman ma press ng remote kapag sasagot sa yes or no pag nag scan. Kaya ayan ginutom lang ako. Tara kape po ulit tayo. Magandang umaga po. Ingat po kayo lagi. God bless.
Try ko gawin yung napanood ko sa youtube na chicharong may laman. Pero mamayang gabi ko na lulutuin yung may balat. Kailangan daw kasi ibilad at patuyuin pagkatapos papambutin. Inuna ko muna yung laman para may ulam ako ngayon. Grabe ang lutong at ang sarap. Hindi tumigas. Malutong ang labas at malambot ang loob. Perfect timing lang sa paghango. Na try ko na noon yung napasobra ng luto. Ang tigas ng laman parang kumagat ka sa pader ahaha. Papakita ko yung finish product pag…
Habang nanonood ako ng news panay ang banggit ng word na protocol. Bigla ko naalala nung nasa call center academy pa ako. Natawa na lang ako sa sarili ko kasi naalala ko nung isa isa naming binibigkas ang word na protocol. Tawanan kami kasi ang hirap talaga bigkasin yung hindi mo nakasanayan na english accent ahaha. Ang bigkas ko dyan was pro-to-kol lang talaga. Paulit ulit talaga pinapabasa sa akin ng trainer namin. Halos tumulis ang nguso ko sa pagbigkas ahaha. Sabi ko na…
Guys this day almost ended and it's time for us to take some rest. That is why I will give you my best. Here are some great photos that God has given us. To remind us that He never fails to love us. Be grateful for every sunset and be thankful for every sunrise. Because tomorrow another new day will be waiting for us. That's all for now guys. Thank you again for all your support. See you again tomorrow. Goodnight everyone. Stay safe. God bless us all.
Good morning guys. Pabati din daw po ang inyong tsismosong kapitbahay. Ang aga aga nakapanungaw sa bintana. Naghahanap yata ng maitsitsismis ahaha. Pero ang totoo nyan gusto lang lumabas. Maganda ang panahon ngayon. Ang ganda ng sikat ng araw parang gusto ko din magpapawis. Magkakape lang muna ko tapos magwawalis ako dyan sa likod. Plano ko din pala pumunta ng palengke mamaya pag sinipag. O sya kulo na ang tubig ko. Magkakape na po muna ko. Ingat po kayo. God bless us all.
Nagmamaganda ang alaga ng pamangkin ko na si @karylleDM. Pinagkakaguluhan ng maraming lalaking aso ahaha. Nagrarambulan sila kaya pinabuhat ko na yung bansot na aso ng pamangkin ko. Buti na lang di ko pa nailalabas yung pet yuppy ko baka nakisali pa. Duguan yung bibig ng aso ng kapitbahay namin dahil nakipagsakmalan sa aso ng isa pa naming kapitbahay. Kaya ayaw ko din pinapalabas ang aso ko kasi baka makakuha ng parvo virus sa ibang aso.
Miryenda guys. Ito yung bigay ng bayaw ko nung Feb.6 pa. Ngayon ko lang binuksan. Ubos na kasi ang pandesal ko kaya yan na ang miryenda ko ngayon. Pero pupunta ko ng palengke pagkatapos magkape. Bibili ng pandesal at magbabayad ng tubig. Medyo alanganing oras na pala...mamaya after lunch na ko pupunta. Magpapagupit din kasi ako kaya mamaya na lang para konti ang tao. Magandang umaga po muli sa inyo. Ingat lagi. God bless.
Guys lunch time na. Share ko lang po muna yung natutunan ko sa youtube na chicharon na may laman. Not perfect pero ang importante napalutong ko ahaha. Hindi ko po kasi ibinilad yan kaya siguro hindi umalsa. Nilagay ko lang sa ref ng 24 hrs kaya parang na dry na din sya. Nag sample ako ng isang piraso muna sa pinagmantikaan nung isang araw nung palambutin ang pisngi ng baboy. Ayun lumobo naman ng kaunti kaya iniluto ko na lahat. Ulam ko na yan...sawsaw ko lang sa sukang…
Miryenda tayo guys. Magandang hapon. Ito uli ang miryenda ko. Kape at espasol. Nung sunday ko pa nga pala nabili yan kailangan ko na ubusin baka mapanis lang sayang naman. Medyo matagal naman expiration ng espasol basta nasa ref lang. Kaya lang matigas na pero okay pa ang lasa. Uubusin ko na ngayon yan. Di na ko nakaalis para magpagupit sana. Baka bukas na lang siguro kasi kailangan ko talaga mamalengke. Nagrequest ang anak ko ng crispy liempo kasi nakita nya yung post ko…
Ang lakas talaga ng tama ng red horse. Dalawang case lang nagka traffic na ahaha. Ang tinitignan ko kanina yung kotse at motor akala ko sila yung nagkabungguan kasi yung driver ng kotse bumaba at tinignan yung likod ng sasakyan nya. Yun pala may nahulog na dalawang case ng red horse sa delivery truck ahaha. Ang sama ko no!? Pinagtatawanan ko pa ahaha. Yung joke ko lang po ang pinagtatawanan ko kasi waley ahaha. Magandang hapon po sa lahat. Ingat.
Simple but great basta si Lord ang nag create. Guys alam na this. It's time for me to say goodbye for tonight. Because we need to have some rest to gain more strength for tomorrow another adventure. But before this day ends syempre di ko makakalimutang magpasalamat sa inyong lahat. Lalong lalo na kay Lord na nagbigay ng lahat ng mga blessings na ating natanggap. Lord, thank you for this day, for all the blessings and for keeping us safe. Amen. Goodnight everyone. Thank you…
Happy Friday po sa lahat. Magandang umaga. Loading pa ang utak ko wala pa masabi ahaha. Parang tulog pa ang isip. Basta ang laman lang ng isip ko yung magpapasalamat ako kay Lord dahil muli na naman nya akong ginising. Lord thank you po for this opportunity to continue life. Amen. Yun lang guys...need ko na magkape para magising ang natutulog kong damdamin na takot ng umibig dahil ako ay sinaktan ahahaha. Hugot in the morning. Havey ba ahahaha. Ingat po. God bless.
Back to my old haircut kasi talaga namang old na ahahaha. Pero mas bumata ako ng bahagya di ba?! Walang kokontra...di ko bibigyan ng ayuda ahahaha. Joke lang po. Sanay talaga ako sa semi kalbo. Humaba lang ang buhok ko ng nagsimula ang pandemic. Kaya nung humaba ang buhok ko naiba ang hair style ko. Naging barbers cut na. Balik alindog mala derek ahaha. Bahala na kayo kung sinong derek ang nasa isip nyo ahaha.
Parang gusto ko talaga gawin 'to. Minsan ko na din naman nagawa mag live stream sa starmaker. Ang kaibahan lang sa starmaker ang hirap makaipon ng coins at ang daming rules na dapat sundin. Kung ilang minutes per day ka dapat mag live at ang daming bibe na nanonood. Yung mga robot ba ahaha. Parang maganda sa kumu kasi kahit halo-halo lang ang ihagis syo posible makaipon ka agad ng coins. Pag bumalik na sa mood ang boses ko subukan ko talaga mag live stream sa kumu. Panoodin…
Kaya pala biglang tahimik ang kalsada kanina tapos nagkatrapik...yun pala ginagawa na ang kapirasong uka ng tulay. Kaninang umaga may truck ng dpwh sa harap ng bahay ko. Tapos naglagay ng signage. Akala ko lang talaga mag aaspalto ng mga butas sa kalsada yun pala binabarena na yung uka sa tulay. Ang hirap din kasi daanan yung bako kasi pakurbada pa kaya may nagsesemplang na motorista. Sana maayos na talaga pati itong uka sa harapan ng bahay ko kasi nakakasemplang ng single…
Pàano ba guys... It's time to take some rest na naman para may lakas ulit bukas. Here's my final post for tonight. Same place, same view, but another amazing creation from up above. Talagang hindi tayo makakalimot magpasalamat kay Lord dahil lagi Siyang may magandang pabaon sa atin bago tayo matulog. Lord, thank you for this wonderful creation. Thank you Lord for all the blessings and for keeping us safe. Amen. Guys salamat po ulit sa lahat ng mga suporta. Goodnight na po sa…
Isang mainit na pagbati po ng magandang umaga sa inyong lahat kahit sobrang lamig dito sa lugar namin ngayon. Happy weekend po pala. Malapit na namang matapos ang isang linggo. At heto pa din tayo...nakatayo, malakas, walang sakit, nakakasurvive pa din sa hamon ng buhay. Kaya wag tayong makalimot magpasalamat sa Poong Maykapal. Bawat pag gising ay blessing. Lord thank you for waking me up again this day. Thank you Lord for giving me another chance to continue life. Amen.…
Hindi ko akalain na maka-isang oras akong naka live sa kumu kahit minamalat ako ahaha. Hindi naman nasayang kasi kahit first time ko nag live marami nakinig. Naka audio lang kasi ako. Hindi pa kasi ako naghihilamos ahaha. Parang maeenjoy ko na mag kumu. Kailangan ko na mag ayos ng backdrop at makahanap ng matinong maisusuot kapag naka live video na ko ahaha. Pasensya po di ko na kayo nainvite. Nangangapa pa kasi kung paano mag live ahaha. Magandang umaga po sa lahat. Ingat.
Biglang nakagala. Sinundo ako ng isang kabaranggay na nagpatulong na ayusin ang password ng wifi nila... Kasi ang wifi nila...wifi ng bayan ahaha. Dalawa lang silang gumagamit pero 15 na tao ang nakakonek. Kaya daw pala sobrang bagal ng kanilang internet. Naayos ko na pati mismo password ng modem nila napalitan ko din. Binibigyan ako ng bayad sa abala pero di ko tinanggap. Ngayon lang ako nagawi sa kanila. Kulang 30yrs na akong nakatira dito sa amin pero ngayon ko lang…
Guys kain po. Ito yung laman ng ginawa ko kahapon ng pang chicharon na lulutuin ko para bukas. Binawasan ko ng laman kasi baka hindi lumutong yung balat. Saka may tira akong tokwa kahapon kasi plano ko sana ulit mag tokwa't baboy kaya lang tinamad ako magluto kaya prito na lang ahaha. Napatuyo ko na po pala yung balat na may kaunting taba at laman. Papalutungin ko na lang yan bukas. Tara guys kain tayo. Magandang gabi po sa inyo. Ingat po. God bless.
Guys plano ko pa sana mag live sa kumu ng half hour kaya lang medyo makati na lalamunan ko dahil tagal ko nagkanta kaninang umaga kaya pahinga na lang muna. Baka bukas na lang makapag live. Pero for now...need ko take some rest para bukas. Sisimba kasi ako kaya kailangan matulog ng maaga. But before I go to sleep syempre alam na this. Share natin ang amazing artwork ni Lord. One reason to be grateful for every sunset dahil He never fails to send us His powerful message that…
A blessed Sunday to everyone. Magandang umaga po sa lahat. Maaga ako ngayon kasi kailangan ko plantsahin ang sotana ng anak ko. Magseserve kasi sya mamaya sa second mass. Papunta na sila dito ngayon ng gf nya. Magkakape lang muna ako tapos gagayak na din ako. Hintay ko lang po yung pinapakulo ko. Yun lang po muna. Mag aasikaso na ko. Ingat po kayo lagi. God bless.
Guys I'm back. Nakasimba at nakapamalengke na. Nagmimiryenda lang po muna ako tapos magluluto na. Yung sakristan po na kasama ko sa picture ang anak ko kasama ang jowa nya. Madalang na silang makauwi dito kasi kahit Sunday may pasok sa work ang anak ko. Ilang buwan din bago kami magkita. Nagulat pa nung makita ang bagong gupit ko. Bakit daw ako nagpakalbo ahaha. O sya yun na lang muna. Gayak lang ako ng panaghalian namin. Ingat po kayo lagi. God bless.
Chillin' under the trees. Kakatapos lang po ng mga gawain. Natanaw ko kasi kaninang umaga ang puno ng papaya kaya naisipan ko na gumawa ng atchara. Bibigyan ko din kasi ang gf ng anak ko kaya dinamihan ko na. Para kung bbq lang ang ulam nila meron silang pang side dish. Madalas kasi wala silang time magluto sa apartment kaya panay lutong ulam lang ang kanilang binibili. Magyayaya na sana ko mag miryenda. Lumabas nga pala ang anak ko at gf nya bibili daw ng milk tea. Intayin…
Byahe na sila pauwi sa bahay nila. Tuwang tuwa ang anak ko kasi may bigas akong ibinigay. Bawas na sa gastusin. Magluluto pa sana ko ng ulam para di na sila bibili kaya lang ang dami na nilang bitbit. Pati damit nila na nilabahan dito. May dala pa isang latang biscuit at atchara. Wala na paglagyan sa motor. Solo ko na naman ng ilang buwan. Di kasi sure kung kelan mababakante sa trabaho ang anak ko kaya sobrang dalang talaga kung umuwi dito. Magandang gabi po sa inyo. Ingat…
Guys goodnight na po sa inyo. Brownout po dito sa amin. Di ko alam kung anong oras magkakaroon ulit ng power. Bigla na lang nag brownout kanina kung kelan ako kumakain. Sana wag magtagal kasi mainit na ang panahon..mahirap matulog ng walang electric fan. Di pa din ako nakapaglilinis ng katawan. Pagkatapos nitong goodnight post ko magpapapresko na po ako. Heto na po ulit ang pang finale ko. Amazing artwork ni Lord para sa ating lahat. Pampawi ng pagod sa maghapong trabaho.…
Good morning guys. Super aga ko nagising ngayon kahit napuyat ako sa brownout kagabi. Unexpected talaga kapag nagpadala ng blessings si Lord. May biglaang raket po ako. May dumating kagabi na ikakasal ngayong umaga sa kasalang bayan. Kinuha akong photographer kaya dapat mag charge ako ng mga batteries na gagamitin ko. 7:30am ang start ng kasal tapos diretso reception. Lord thank you for the blessings. Amen. Ayun guys...kailangan ko na gumayak. Balikan ko na lang kayo mamaya.…
Magandang hapon guys. Kakauwi lang po galing sa pag raket ahaha. Sobrang pagod kasi sobrang haba ng oras ng event. Mahirap pala mag cover ng wedding pag kasalang bayan. Ang tagal bago naumpisahan kasi sinabayan pa ng kampanya ng mga kandidato. Nakakain ako ng lunch mga 3pm na yata. Tapos ang caterer sobra tipid kung magbigay ng ulam. Sa lahat ng event ko dito ako hindi nabusog at sobrang pagod talaga ahaha. Tara po muna mag miryenda. Gutom na ko ahaha. Ingat po. Happy…
Guys may chismis ako...bago sana ako kumain may kwento ako kaya lang gutom na talaga ako kaya inuna ko na kumain. Binili ko lang po yang daing na bangus sa karinderya. Wala na kasi ako time magluto sa pagod ahaha. Yan po nasa second photo ang chismis ko. Pero hindi po yan ang client ko ahaha. Minsan po kasi may pagka marites din ako kaya may kwento ako tungkol diyan sa ikinasal. Alam nyo ba na takot na takot na hindi makasal kanina yung si babae ahaha. Inaayos pa kasi ang…
Guys goodnight na po sa inyo. Masyado ako napagod sa event kanina. Pasensya po kung hindi ko pa nabisita ang mga post nyo. Bawi ako bukas basta marami akong ft sure na iisa-isahin ko po yung mga nasa notif ko. Pero bago po ako matulog share ko po ulit ang pang finale ko na galing kay Lord. Amazing view po ulit para sa inyo. Bilang pasasalamat sa inyo at kay Lord para sa lahat ng blessing na dumating sa araw na ito. Lord thank you for all the blessings and for keeping us…
Good morning guys. Maaliwalas na umaga po sa lahat. Same view pa rin po from my backyard. Sobrang pagod ko talaga sa event kahapon kaya tititig muna ko sa nature na bigay ni Lord. Kaya mapapa thank you Lord ka tuwing umaga pagmulat ng mata. Dahil nakakaalis talaga ng pagod at nakakarelax ang tanawin sa aking paligid. Magkakape lang po ako at kailangan ko reviewhin lahat ng shots ko kahapon sa kasalan. Baka may kailangan ako i-edit bago kunin ni client ang copy. Yun lang po…
Good morning guys.... Hindi po ako gaano makapag ingay sa ngayon. Medyo busy editing ng mga photos. Kahit medyo masakit ang ulo ko dahil sa pagod ko kahapon sa photoshoot kailangan ko talaga magtyaga para makapag edit. Konti lang naman yung mga dapat ko i-enhance na photos. May ilang underexposed at may konting underexposed nung nalowbat ang battery ng flash. Ayun guys...yun na lang po muna. Ingat po kayo. Back to work muna ko.
Almost done editing photos. Nakaidlip na ako. Ramdam ko talaga yung pagod ko kahapon. Nasandal lang ako kanina nakaidlip agad ako ahaha. Kahit paano naman nakabawas ng sakit ng ulo ko. Nagising lang ako kasi tumawag ang barangay secretary kasi yung national id ko daw dumating na. Sa brgy hall dinala. Puntahan ko po muna. Magandang hapon po sa lahat. Ingat.
Nakabalik na po. Nakuha ko na ang aming national id ng aking pamangkin na si @karylleDM. Naipost na yata nya ang sobre nya. Nauna pa sa akin ahaha. Nanood pa kasi ako sa youtube bago ako nag content ahaha. Hindi naman pala masyado kita ang wrinkles ko di tulad nung pinakita sa monitor ahaha. Pero sa lahat ng id ito ang sayang. Kasi hindi sya valid sa bank kasi walang pirma. Bakit kaya di naisipan ng gobyerno na importante ang signature sa id. Sana pwede na sya na pang qr…
Guys magandang gabi. Na late ako sa pag picture ng sunset kanina. Busy kasi sa pag edit ng photos kaya gabi na ko nakalabas ng bahay. Ito talaga ang pang goodnight na pictures. Hindi tulad ng mga nakaraang post ko na pang finale na may araw pa talaga ahaha. Pero tonight talagang night photos ang pa amazing view sa atin ni Lord. Pero sa last photo may konting liwanag pa. Pero ang totoo nagulat pa ko kasi bigla kumidlat nung nakunan ko yan ng picture kaya maliwanag. So...ayun…
Good morning guys. Happy wednesday po. May blessing na naman na padating. Nagbigay po ng stub para sa bigas nung monday after ko nag photoshoot sa kasalang bayan. Pag uwi ko ng bahay sinalubong ako ng isang taga brgy. Inabot sa akin stub ng bigas galing sa kandidato. Ngayon na po kukunin kaya nagkakape lang ako tapos pupunta na ko. Grasya po yun kaya mahirap tanggihan. Bigay ng Diyos sa kahit anumang paraan kaya dapat nating pasalamatan. Magandang umaga po muli. Baka abutan…
Guys nakabalik na po. Grabe ang dami ng tao kanina sa pagkuha ng ayuda na bigas. Sabay sabay na kasi lahat ng purok. Mabuti na lang at hindi na nagsalita ang mga kandidato. Medyo nagtagal lang talaga sa pila. Buti maaga ako nagpunta kasi medyo nasa unahan lang ako after ng mga senior citizens. Nagkakape lang ako ngayon habang nag iingay. Kakasalang ko lang kasi ng sinaing. Medyo gutom na din ako. Magandang umaga po ulit sa inyo. Ingat. Sa kapatid ko po pala yung isa. Senior…
Guys share ko lang. Alam ko na maraming hindi pabor sa same sex marriage. Napanood ko kasi ang wedding reveal ni vice-ion. I am straight guy. May pamilya ako at anak. Pero isa ako sa natuwa sa revelation ni vice sa kanilang wedding ni ion sa Las Vegas. Hindi man valid sa pinas at sa batas. Ang gusto lang ng dalawa eh maipagmalaki nila ang kanilang pagmamahalan. They deserved to be happy din naman. Tao din sila at may karapatang lumigaya. Natatawa lang ako sa nangba-bash kasi…
Nakakatuwa naman. Umaapaw ang supporters ko at ng channel ko na MEMA LANG PO (Random Thoughts). 2828 sa account ko and 2929 sa channel. Maraming salamat po sa inyong lahat. Sana huwag po kayong magsasawa sa pag suporta. Ingat po kayo palagi. God bless.
Guys alam na this. My finale post for tonight. Amazing artwork ni Lord ulit para sa inyo. My token of appreciation for all your support. Pero syempre mas grateful ako dahil nagamit na naman ako ni Lord para maipakita ko ang ganda ng kanyang likha. Thankful din syempre dahil maraming blessings na naman ang dumating. Thank you Lord. May full moon din ako kanina pero bukas ko na lang po isi-share sa inyo. Para may pang content na agad ako bukas ahaha. Isinama ko na din yung…
Good morning guys. Parang kailangan ko muna magkape kasi tulog pa ang diwa ko. Wala pa ko maisip na sasabihin ahaha. Mag thank you na lang po muna ako kay Lord kasi yun lang ang laman ng isip ko ngayon. Lord thank you po sa panibagong araw na ito. Salamat po sa muling pag gising at sa panibagong pagkakataon na ipagpatuloy ang buhay. Amen. Magandang umaga po ulit sa inyo guys. Ingat po lagi. God bless.
Guys busy lang po. Nagdi DIY ako magpalit ng door knob ng cr. Buti na lang di ako nakulong sa loob. Ayaw maopen kahit susian sa labas. Kailangan ko talaga sirain ang knob para mabuksan. Pero di na ko bumili ng bago kasi may door knob sa dating pinto na kahoy kaya yun na lang ang ikakabit ko. Kinalawang lang pero okay pa naman. Plywood lang kasi dati ang pinto ng cr kaya lang umalsa na dahil nababasa ng tubig kaya pinapalitan ko ng plastic door. Bagong knob ang ginamit kaya…
Guys kain po. Nag gisa lang ako ng corned beef. Wala kasi ako ibang sangkap kaya nagprito na lang ako ng fries na dala ng anak ko nung Sunday. Magkakahalo naman na sila sa tiyan kaya parang may patatas na din yung corned beef ko ahaha. Tara po kain tayo. Magandang tanghali po sa inyo. Ingat.
Guys pagabi na naman. Share ko lang po itong moon photos na kinunan ko kagabi. Mamaya pa yung pa sunset. Medyo maliwanag pa sa labas kaya di pa ako kumukuha ng bagong picture ahaha. Ito na lang po muna sa ngayon baka kasi mapanis na ahaha. Baka kasi full moon na naman mamaya try ko ulit sya kunan ng picture. Yung nasa second photo po...partially covered ng clouds kaya medyo madilim. Cropped po ang mga yan kaya parang malapit lang ang pagkakuha ko ng picture. Pero zoom lens…
Guys experience ko na talaga na tuwing may event coverage ako maghapon halos na nakatayo at pagod talaga. Pagkatapos ng event sure na sasakit ang tuhod ko. Kaya ngayon ramdam ko talaga ang sakit. Kailangan ko na itulog 'to. Pero bago yun share ko uli ang amazing view na hatid sa atin ni Lord. Lalabas sana ako bago pa dumilim kaya lang na busy ako sa pagrereview ng mga photos ng kinunan ko sa kasal. So, ayun guys it's time for me to say goodnight sa inyong lahat. Pero bago po…
Good morning guys. Late na ko nakapasok dito sa noise ahaha. Napasarap ang tulog ko. Thank you Lord. Tinanghali ako ng gising ngayon. Hindi ko agad naharap mag post kasi nagkalat ang mga alaga ko. May patay na daga sa pinto ng cr natapakan ko ahaha. Kinatay ng alaga kong pusa kaya kailangan ko pa itapon sa malayo. Dahil nagbukas na ko ng likod bahay nagdilig na ko ng halaman. Muntik ko pa mabasa yung mga itlog ng manok. Nasa sulok ng mga tanim ko. Gusto ko sana kumuha para…
Ready na ang aking tricycle. Bagong ligo na sya ako na lang ang hindi ahaha. Parang mamaya after lunch na ko pupunta sa bayaw ko na namaalam na. Alanganing oras na kasi. Dito na ko sa bahay manananghalian. Mahirap kasi na makikain pa ako sa namatayan. Mga pamangkin ko na lang kasi ang nag aasikaso doon. Wala na din kasi ang kapatid ko na asawa ng namayapa. Ulilang lubos na din sila sa magulang tulad namin. Magluluto na muna po ako ng pananghalian ko. Bibili na lang siguro…
Buti pala hindi pa ako umalis agad kasi dumating ang isang kapatid ko. Aattend daw ng meeting ng PRAI party list. Party list po yan ng mga retired police. May dala tikoy at miryenda bigay sa akin. Kakain na din po ng tanghalian tapos gagayak na din po ako para pumunta ng bayan. Tara po kain tayo. Magandang tanghali po sa inyo. Ingat.
Guys nandito na po ako sa bahay ng parents ko. Napakadalang ko na madalaw dito mula ng mawala na ang mga parents namin. Hindi pa ko napupunta sa namatayan kasi bigla sumakit ang tiyan ko. Baka dahil sa lutong ulam na nabili ko kaninang tanghalian. Hindi ko na kasi ininit. Unahin ko na muna mag grocery bago pumunta don. Mahandang hapon po. Ingat.
Magandang gabi guys. Dito pa ko sa wake ng bayaw ko. Meet my new affiliate @RGchamp. Asawa ng aking pamangkin. Bale manugang ko po. Sabi ko kasi mas may kita pa tayo ngayon dito kesa mag axie. Habang mababa pa ang slp pwede na dito sa noise.cash magtambay. Suportahan natin sya guys. Salamat po. Ingat.
Guys dito na po ako sa bahay kakadating ko lang. Kakain pa lang din ng dinner. Pinapakain na ko doon sa pinuntahan ko kaya lang nanghihinayang ako sa sinaing ko kanina lunch baka mapanis. Kaya dito na ko kakain sa bahay. Ito na din po ang goodnight post ko medyo patapos na din kasi ang araw. Thank you guys sa lahat ng suporta. Lord thank din po sa pagsama sa aking byahe kanina dahil safe akong nakaalis at nakabalik dito sa bahay. Thank Lord for all the blessings and for…
Good morning guys. Kanina pa po ako gising pero tulog pa ang utak ko...tinatamad pa mag isip ahaha. Ang tagal ko ng hawak ang cp ko pero wala o ang tagal mag isip ng sasabihin. Pero ang hindi nawawala sa isip ko ay ang pagpapasalamat kay Lord dahil muli akong nagising. Ang hirap dugtungan para humaba itong content ahaha. Kulo na po ang tubig ko. Magkape na po muna tayo. Ingat po. God bless.
Hello po mga kaibigan. Punta po ako saglit sa palengke bibili ng cat food and atay balunbalunan para sa aso ko. Aalis po kasi uli ako mamaya. Last day ng lamay ng bayaw ko kaya mag aasikaso na ako ngayong umaga ng mga dapat kong gawin. Isa na din po ang mag ingay kasi sayang ang araw kung wala akong content. Kahit walang maisip push na lang yan ahahaha. O sya punta na po ako baka wala na ko abutang sariwa. Baka pati kili-kili ng tindera pumuputok na pag nagpatanghali pa ko…
Guys miryenda tayo. Ito yung bigay ng kapatid ko kahapon. Ngayon ko lang kakainin with black coffee muna. Tinamad lang magsalin ng gatas sa container kaya di ko na nilagyan ahaha. Nakasalang na din ang dapat isalang. Sinaing na lang ang kasunod. Baka after lunch pupunta na ko sa wake ng bayaw ko or baka intayin ko pa ng konting oras yung delivery ni lazada ahaha. Bagong camera strap kasi masakit sa batok yung gamit kong strap na de sabit sa leeg. Yang binili ko shoulder…
Pagtayo ko...napahawak ako sa bewang ko. Nasalat ko ang tag at tahi ng tshirt ko. Nakapunta pala ako ng palengke na baligtad ang suot ko ahaha. Sigurado may nakapansin pero baka hindi na lang sinabi sa akin ahaha. Sabagay mabilisan naman ang pagbili ko kanina. Hindi na ko nakipaghuntahan kay suki ahaha. Magandang hapon po sa lahat. Aalis din pala ako mamaya. Nood lang ako ng showtime tapos gagayak na din ako. Ingat po.
Guys kakauwi lang po galing sa lamay ng aking bayaw. Hinintay ko pa kasi ang anak ko na dumating kaya sobra na ko ginabi. Narito na po ako sa bahay nagpapahinga lang saglit tapos maglilinis na ng katawan bago matulog. Gusto ko lang po mag thank you and goodnight sa inyong lahat. And also ang importante sa lahat ay wag makalimot magpasalamat kay Lord. Thank you Lord for all the blessings and for keeping us safe. Amen. Goodnight everyone. See you again tomorrow. Stay safe. God…
Good morning everyone. Have a blessed Sunday po. Maagang blessing po para sa lahat ng ginising ni Lord. Everyday gising is really a great blessing. Thank you Lord for waking me up again this morning. Amen. Maaga po ako ngayon kahit medyo napuyat kagabi. Magsisimba po kasi ako mamayang second mass. Sunday is for Jesus kaya dapat ibigay natin ang araw na ito para sa Kanya. Magkakape lang po ako at magpapakain ng pets tapos gagayak na para magsimba. Magandang umaga po sa inyo.…
Guys nakasimba na po and narito na ko sa funeral parlor kung saan nakaburol ang bayaw ko. Mamaya 2pm na po kasi ang pagpanaog dito. Tapos 3pm ang misa sa simbahan. After ng misa diretso na sa cemetery. Sumingit lang ako ng content para di sayang ang oras. Sayang din kasi ang data kung di ko magagamit. Hindi talaga ako nagloload kasi may wifi naman sa bahay. Nagload lang ako kasi ilang araw din ako na nasa labas. Yun lang po. Magandang umaga po sa inyo. Ingat lagi. God bless.
Guys ginabi na naman ako ng uwi. Ang daming naging ganap ngayong araw. Pagkatapos ng libing ng aking bayaw nagpagpag kami ng anak ko at ng gf nya sa mall. Hindi na namin napansin ang oras. Madalang na kasi kami makalabas na magkasama. Nagpadinner pa sa labas ang anak ko sa mang inasal. Sobrang busog sa unli rice ahaha. Kaya ramdam ko na talaga ang antok sa oras na ito dahil sa busog. Pero nakababa na ang kinain ko sa layo ng byahe pauwi dito sa bahay. Nakapahinga ang…
Happy Monday morning po sa lahat. A fresh new day of the week. New day, new blessings for all of us dahil binabasa mo 'to ngayon. Ang ibig sabihin isa ka din sa pinagpala ni Lord dahil kasama kitang nagising ngayong umaga. Thank you Lord for this wonderful gift of life. Amen. Ito lang guys ang almusal ko ngayon. Dahil naging super busy this past few days...hindi ko na naharap bumili ng stocks ko sa bahay. Mamaya na lang ako mamamalengke. Magkakape lang ako saglit at…
Parang marami ako maikocontent ngayon. Kasi kahapon may nagbigay sa akin nitong pocket book. Nakita ko na ang table of contents. Puro interesting topic pero wala pa ko nababasa sa laman ng contents. Una ko napansin dito yung author na si Chinkee Tan kaya sa kanya ko na sismulan ang content ko na 'to ahaha. Kilala ko po si Chinkee Tan as celebrity. Napapanood ko din ang blogs nya. Kilala sya as educator and nagbibigay ng advice for financial stability and investments. Kaya…
Guys magandang hapon. Pasensya po...iba ang napagka-abalahan ko kanina. Dumating kasi ang bagong camera strap na binili ko sa lazada. Bale shoulder strap po sya. Mas convenient gamitin kesa sa nakasabit sa leeg. Masakit sa batok kapag matagal nakakwintas syo ang camera. Ang bigat pa naman. Lalo pag pinawisan ka makati sa leeg yung strap. Pero itong nabili ko...hindi sya nakakangawit kasi para ka lang naka shoulder bag. Pero kung sa safety ng camera...sa tingin ko mas safe sa…
Kahapon nung gumala kami ng anak ko sa mall. Parang first time ko na nakapasok ng mall. Parang naliligaw ako sa pasikot sikot. Naninibago ako sa paligid kasi halos iilan ang tao. Napagawi ako sa cinema parang abandoned building na. Walang tao sa paligid. Kung wala sigurong mga ilaw talagang matatakot ka...parang zombie town ahaha. Yung dating masayang mundo biglang nagbago. Kelan kaya tayo babalik sa normal. Sana matapos na talaga ang pandemic para makapagsimula na tayo ng…
Guys magandang gabi po sa lahat. This is my finale post na kahit maaga pa. Madaming ganap kasi kahapon at medyo di pa nakakabawi sa puyat kaya maaga po ako matutulog. Maaga ako nakaramdam ng antok ngayon sasamantalahin ko na kesa makawala pa ahaha. Thank you and goodnight na po sa inyo. And syempre mas maraming salamat kay Lord para sa araw na ito...sa lahat ng blessings na natanggap and for keeping us safe. Amen. Goodnight na guys. Kitakita ulit bukas. Ingat po palagi. God…
Magandang umaga po sa lahat. Makulimlim na naman pero mukhang di naman uulan. Pasensya po ngayon lang ako bumati ng magandang umaga. Kanina pa ko gising pero nagwalis muna at nagpakulo na din ng tubig para magising ang diwa kong tulog ahaha. Okay lang na tulog pa ang diwa basta ang importante ginising pa din tayo ni Lord. Thank Lord dahil hindi Mo ko nakalimutang gisingin ngayong umaga. Maraming salamat po sa panibagong pagkakataon para ipagpatuloy ang buhay. Amen. Tara guys…
Hirap na ako gamitin itong prescription eyeglasses sa dami ng gasgas. Wala pa kasi ako pampagawa ng bago kaya pinagtyatyagaan ko na lang. Pinanood ko sa youtube kung paano ba maalis ang gasgas ng salamin. Ginamitan ko muna ng brake fluid kasi mahusay talaga sya mag alis ng paninilaw lalo sa headlight ng sasakyan. Inaalis nya ang coating. Alam naman natin ng ang eyeglasses multi-coated kaya yun ang plano ko. Alisin ko na lang lahat ng coating kaya ginamitan ko na din ng…
Ito ang dahilan kung bakit matindi pa din ang kapit ko kay bch. It's worth the wait kahit matagal. Kung magkakatotoo panalo tayo na hodlers pero kung mali ang prediction at biglang bumaba pa lalo nganga tayo ahaha. Sobrang panghihinayang ko talaga nung mataas pa. 2 beses lang ako kumurot sa wallet ko. Swerte nung mga nakakaipon ng kaunti tapos nagagamit agad nila sa mga pa add to cart at pambayad ng bills. Lalo siguro kapag natuloy pa ang war sa Ukraine. Lahat ng nangyayari…
Tokwa't baboy na kulang sa sangkap for lunch and for dinner na yan pero masarap ahaha. Hindi ko na nilagyan ng celery at sabaw para kapit ang lasa ng paminta, toyo, suka at oyster sauce. Ang very big sibuyas...courtesy by my pamangkin @karylleDM. Thank you pamangkin naihabol mo pa ahaha. Akala ko kasi may sibuyas pa ko ubos na pala. Tara guys kain na habang mainit pa. Magandang tanghali po sa lahat. Ingat.
Better than it was. Napagtyagaan ko na alisin ang multi coating ng aking eyeglasses. Much clearer, the scratches were gone but there was no anti-glare now. Medyo nakakasilaw na pag natingin ako sa ilaw kasi meron na syang lens flare. Lalo siguro kapag nagdadrive ako sa gabi at makakasalubong ng sasakyan na sobrang liwanag ng ilaw. Pero konti na lang naman ang kulang ng pera ko para makapagpagawa ng bagong salamin. Ordinary frame na lang siguro gagamitin ko para mura lang…
Pause ko lang saglit yung pinapanood ko na movie sa youtube para mag finale content na guys. Parang maganda istorya eh... I Still Believe ang title. Pampaantok ko na din kaya post ko na ang aking goodnight post. Medyo mababa ang pa sunset kanina...hindi masyado pinakulay ang langit pero maganda pa din talaga. Basta si Lord ang gumawa mapapahanga kang talaga. So ayun guys...yun na lang po muna. But before this day ends gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng inyong suporta.…
Good morning guys. Isang napakaaliwalas at malamig na umaga po ang hatid sa atin ni Lord. Ramdam ang malamyang haplos ng hangin sa aking pisngi. Ang sarap bumangon sa umaga kapag sinalubong tayo ni Lord ng presensya Niya. Thank you Lord for this great morning. Thank you Lord for the gising. Amen. Narinig ko ang pamangkin ko si @karylleDM nagsasalita mag isa sa likod bahay...yun pala kausap ang aso nya ahaha. Aga pupunta sa bukid. Baka kukuha ng pictures para sa content…
Pagsasabayin sana namin ng pamangkin ko si @karylleDM yung order namin sa lazada para ma-avail namin yung free shipping fee na 50php kapag ang total ng bibilhin eh 249php. Mali pala ang intindi namin ahaha. Every store may shipping kaya malaki pa din ang total ng shipping fee minus yung 50php na free. Budol talaga si lazada parang ayaw magpadiscount ahaha.
Paano ba ko maghuhugas ng pinagkainan ko eh may boarder ako sa lababo ko ahaha. Palagi maputik ang ibabaw ng kusina ko kasi palagi na lang sumasampa ang bobby ko sa lababo. Minsan sa lagayan pa ng plato natutulog yan. Buti na lang may cover. Mamaya na ko maghuhugas hayaan ko muna sya mag chill chill dyan ahaha. Magandang tanghali po sa lahat. Ay wait may isa pa pala. Yung cutee ko feeling bake macaroni ahahaha.
Grabe...muntik ko na maubos ang isang supot na kornik ahaha. Nakakatuwa kasi ang mga host sa #Showtime online U. Nakakatuwa ang mga harutan nila. Ang saya din makisagot sa mga tanong sa complete the phrase. Ang lakas maka marunong ahahaha. Magandang hapon guys. Nood lang ako ng tawag ng tanghalan. Baka makahanap ng makakanta pag nag live ako sa kumu ahaha. Ingat.
Nagsawa na kumanta sa kumu live. Walang viewers...lima lang ang nakinig baka robot pa yung iba ahaha. Parang gabi na yata yung last na live ko kaya marami nakinig non. Malamang nasa work pa yung iba kaya wala pang tao sa kumu ahaha. Magandang gabi guys. Kakain na po ako ng dinner ko baka makapag live ulit mamaya. Invite ko kayo sa live ha?! Ahaha. Ingat po. God bless.
Share ko na nga po yung sunset ko kanina. Hindi pa po pang finale yan kasi may kuha pa ko nitong medyo padilim na at mas maganda talaga. Yun na lang pang content ko mamaya bago matulog. Sayang kasi minsan ang dami ko kuha pero di ko nasishare dahil kung alin ang mas nagandahan ko yung ang last content ko. Para naman makita nyo ang ganda ng sunset kanina...share ko na ngayon bago ako kumain. Magandang gabi po sa lahat. Ingat.
Guys this is my finale post to say goodnight to all of you. And I'm very proud to share this amazing artwork from up above. That God sent to us. He never fails to amaze us every night. This is the reason for us to be grateful for every sunset and be thankful for every sunrise. That's all for tonight guys. But before I say goodnight, I wanna say thank you again for all your support. And to our Creator, thank you Lord for this day, for all the blessings and for keeping us…
Good morning guys. Tinanghali po ng gising. Napasarap kasi ang tulog. Thank you Lord. Behave din kasi itong alaga ko...hindi nag iingay kapag alam na tulog pa ko. Maliban kung may tao sa labas na dumating. Isama ko na nga din po yung ilang sunset photos kahapon na hindi ko nai-share. Sayang kasi baka mapanis lang sa cp ko ahaha. Nagpapakulo pa lang po pala ako ng tubig pang kape kaya naisingit ko mag noise. Magandang umaga po ulit. Ingat po lagi. God bless.
May pa throwback photos ang kapatid ko sa fb. Marami daw sya naitagong mga old photos at kilalanin na lang daw namin kung sino kami sa mga 'yon. Nadaanan ko 'to. Akala ko si Daniel Padilla yung kasama nya...ako lang pala ahaha. Akala ni Daniel sya nagpauso ng skinny jeans ha!? Ako yata ang nauna ahahaha. Parang year 1985 pa yata itong picture kasi natatandaan ko...yan ang suot ko na long sleeves nung graduation ko sa college ahaha. May isa pa pala akong nakita. Nakatago sa…
Grabeh ang pagod at pawis ko. Naglipat ako ng pwesto ng malalaking gamit para lang makita kung aaliwalas ang bahay ko. Yung malaking lumang kabinet na may nakapatong na lumang washing machine sa likod ko ang tagal bago ko naiusad paunti unti. Pero syempre inalis ko muna yung nakapatong. Tapos napapatawag ako kay Lord habang ibinabalik ko sa ibabaw ng cabinet yung washing machine kasi baka mahulog ako habang nakatuntong sa ibabaw ng mesa. Buti na lang inalalayan ako ni Lord…
Nakatipid na naman sa ulam. Binigyan ako ng kapatid ko ng bagong pitas na upo. May tira akong tokwa't baboy nung isang araw kaya sakto na may pang sahog ako. Niluto ko agad para hindi na mapanat yung upo. Manamisnamis at masarap talaga kapag sariwa. Tara guys kain po tayo. Ingat.
Medyo maaliwalas na ang bahay ko. Pero jan lang sa side na yan ahaha. Bukas naman yung iba na ililipat ko. Pagod na kasi ako. Pahinga lang ako saglit tapos maliligo na ko. Baka pinturahan ko ng puti yang pader na yan sa susunod na araw para mas maging maaliwalas. Ang sunod na project ko na ayusin yung loob ng kwarto ng anak ko. Nakakahiya kasi kapag narito sila ng jowa nya wala sila pahingahan. Kinain kasi ng anay yung kama ng anak ko kaya di na pwede gamitin. Nung nakaraang…
Guys good evening. Masyado ako napagod sa mga ginawa ko kanina. Nabigla yata ang katawan ko sa pagbuhat ng mabigat. Hindi na ko gaano nakakuha ng sunset kanina pero idadamay ko na lang yung sunset kagabi na hindi ko naishare. Ito na din po ang goodnight post ko. Pero bago tayo maghiwahiwalay ngayong gabi gusto ko po muli magpasalamat sa lahat ng inyong suporta. Lalo't higit na pasasalamat sa ating Diyos na maylikha ng lahat. Lord thank you for all the blessings and for…
Good morning guys. Happy Friyey po sa lahat. Taas ang kamay ng lahat na ginising ni Lord. Let's give Him thanks and praise for waking us up today. Every gising is always a blessing. Tulad ng bahaghari...ang buhay natin ay makulay. Basta palaging sa positive lang tumambay. Isang positive lang ang dapat iwasan sa ngayon alam nyo na yan. Ingat po palagi. Magandang umaga po muli. God bless.
Nakahanap ako ng pwede i-content. Nasilip ko ang lyka ko kasi nanghihinayang ako sa mga sunset photos ko. Inupload ko na lang din don. Biro mo higit 1 yr na ang lyka ko...di pa ko nakaipon ng 100php ahaha. Samantalang dito 11 months naka wdraw na ko ng secret at may ipon na din ako sa wallet ko na secret ahaha. Sa lyka ang hirap kumita ng piso samantalang dito barya lang ang 1$ per day ahaha. Kung hindi ka sikat o celebrity sa lyka sobrang imposible talaga na kumita ka. Alam…
Hala nai-MARITES na pala ako ng pamangkin ko @karylleDM ang pagko-concert ko. Makahinto na nga baka maabala ko ang pagtula nya kasi narinig ko din kumakanta. Tinanong ko kung kumakanta ba sya...eh sabi nya tula daw yun ahaha. Makamiryenda na nga...kaya lang baka masira ang boses ko sa miryenda ko parehong matamis ahaha. Tara po kape tayo. Ingat. Ayyyy pasensya po pala sa mga comments sa previous post ko di ko pa naharap kasi kakatapos lang ng concert ko sa KUMU ahaha.
Magandang hapon guys. Wala gaano maicontent kaya lumabas na ko para sa harsh sunset. Hindi pa golden hour. Super bright pa ni haring araw. Nakaraos pa ko ng isang live concert sa aking fb page pero nilangaw. Walang viewer iisang kanoise lang natin ang bisita ko ahaha. Kapag sa fb page talaga ako nag live walang nanonood pero kapag sa fb account ko lang medyo marami. Gusto ko sana na maging monetized din ang page ko kaya lang konti lang ang subs ko sa page. Pero sa main…
Guys, it's time for me to say goodnight na naman. Copy paste ko na nga lang sana yung content ko kagabi kasi same topic naman. Kaya lang baka tayo mawarning ng spamming ahahaha...joke lang po. Syempre di ako magsasawa na i-share sa inyo ang amazing artwork ni Lord. No intensified color but still beautiful. Ito na po ang finale post ko para mag thank you sa inyong lahat. Pero syempre mas higit na pasasalamat kay Lord sa lahat ng biyaya and for keeping us safe. Thank you Lord.…
Happy weekend guys. A cold breezy morning po sa lahat. Napakaaliwalas at mahangin ang panahon kaya ang sarap bumangon. Palaging ramdam ang presensya ng Panginoon. Lord maraming salamat po sa pagbibigay ng panibagong pagkakataon na muli Mo akong ginising sa araw na ito. Maraming salamat po na muli kong naramdaman ang masarap na ihip ng hangin at masilayan ang ganda ng mundo. Amen. Magandang umaga muli guys. Ingat po lagi. God bless.
Pinakawalan ko ang aso ko kasi maglilipat ako ng mga lumang gamit na nakatambak. Napadungaw ako sa bintana kasi nakita kong mabilis na umakyat sa puno ng sampalok ang pusa ko. Yun pala hinahabol sya ng aso ko ahaha. Magkabati naman ang mga yun. Maharot lang talaga ang aso ko kaya tinatakbuhan sya ng mga pusa ko. Kaya ayun nasa itaas ng puno yung isa. Di ko alam kung kaya ba nya bumaba mag isa. Medyo mataas kasi inakyatan nya.
May pagulay ang tatay ni @karylleDM. Ito na lulutuin ko ngayon. Sahog na lang ang kulang. Late na din ako kakain kasi di ko na napansin ang oras sa paglilipat ng mga lumang gamit. Mas lalo naging makalat kasi ang dami pala na kinain na ng anay at daga. Ngayon pa lang din ako nakapagsalang ng sinaing. Nagmiryenda na lang muna ko para di gutumin. Magandang umaga guys. Pasensya na po. Sinipag lang akong sipagin ngayon kaya di ko pa nahaharap yung mga comments and yung mga nagpa…
Guys napagod ako sa dami ng kalat na nilinis ko. Nakita ko tuloy ang old shoes ng anak ko. Nike air jordan. Sapatos ng anak ko nung nasa high school pa sya. Buong buo pa at malambot ang swelas. Sinukat ko parang kasya pa hangga ngayon sa anak ko. Nag send ako ng picture sa anak ko natuwa naman. Sukatin daw nya pag uwi dito baka daw magamit pa niya. Pakita ko din pala yung ginisang ampalaya na niluto ko kanina. Sinahugan ko ng atay balunbalunan. Ang sarap ng luto ko di mapait…
Guys good evening. Need to sleep early. Napagod and sisimba kasi ako bukas. Sunday is for Jesus kaya dapat paghandaan. Isang oras lang sa loob ng isang linggo kaya sana makasimba tayo. Kasi si Lord 24/7 walang rest day kung samahan tayo. Kaya ibigay na natin sa Kanya ang isang oras lang para magsimba. Kaya eto ulit ang regalo galing sa Kanya. Amazing view from up above. Ito na din guys ang aking pang finale post para mag thank you sa inyong lahat. Thank you guys. Goodnight…
Good morning guys. A blessed Sunday to everyone. Maaga po ako ngayon kasi magsisimba po ako. Magpapasalamat po kay Lord para sa lahat ng pagpapalang natanggap sa buong isang linggo at sa lahat ng araw na lagi natin Siyang kasama. Lalong lalo na sa tuwing ginigising Niya tayo tuwing umaga. Every gising is always a blessing kaya dapat be thankful tayo every morning. Lord thank you po muli for waking me up again today. Amen. Magandang umaga ulit guys. Tara po magkape muna.…
Guys I'm back. Dito na po ako sa bahay. Nakasimba at nakapamalengke na din. Magmimiryenda lang po ako saglit ng nabili kong kakanin. Muriekos daw po yan sabi ng tindera ng puto. Terno sa kape. Pahinga lang din po saglit tapos itutuloy ko na yung ibang hindi ko natapos na gawain kahapon. Ngayon lang din ako maglalaba kasi hindi ko din nagawa kahapon sa dami ng inasikaso. Tara po miryenda na muna tayo. Magandang umaga po. Ingat. God bless.
Kailangan ko na mag spray ng malathion. Marami na naman kasing hanip. Yung kulisap na sobrang liit na mabilis tumalon. Ang kati sa balat. Basta mahangin kasi at palapit na ang summer naglalabasan na sila. Multi-tasking na naman ako. Habang nagliligpit ng mga kalat... nagbabanlaw pa ko ng labahin at mag i spray pa ngayon. Di tuloy ako makatambay sa noise ahaha. O sya baka gabihin na yung mga gagawin ko dyan na po muna kayo. Magandang hapon po. Ingat.
Nagdurog ako ng tabletas na gamot sa ubo ng pusa ko. Tapos inilapag ko saglit para kunin yung sardinas at platito na paglalagyan ko. Plano ko durugin din yung sardinas at ilalagay ko yung gamot. Kaya lang pagbalik ko wala yung gamot. Panay ang hanap ko baka nailagay ko sa plastic bag na pinaglagyan ng groceries ko kanina na pinagkunan ko ng isang lata ng sardinas pero wala. Punta ko sa kusina kasi don galing yung kutsara at platito pero wala din. Tinignan ko pati basurahan…
Sinukuan ko na talaga hanapin yung gamot para sa pusa ko. Itinaob ko na sa lalagyan yung platito. Tapos bigla bumungad sa akin yung gamot. Nakadikit lang pala sa ilalim ng platito ahaha. Siguro napatungan ko yung gamot nung ipatong ko sa mesa yung platito. Plano ko na kasi mag dinner kaya dinampot ko na yan. Kaya pala kahit anong angat ko ng platito kanina nung hinahanap ko...nakadikit pala sa ilaim ahaha. Kapag talaga di mo na hinahanap kusang lilitaw. Tara guys mag dinner…
Guys patapos na naman ang araw. Medyo maraming ganap kanina at medyo napagod din kaya kailangan naman syempre ng pahinga para may bagong lakas ulit bukas. Kaya guys...goodnight na po sa inyo. Pero syempre bago tayo matulog may pabaon si Lord sa atin na Kanyang napakagandang artwork. Para magandang panaginip ang hatid sa ating mahimbing na pagtulog. Kaya wag kalimutang magdasal para magpasalamat sa lahat ng mga biyayang natanggap. Laging maging grateful sa bawat paglubog ng…
Good morning guys. Ang ganda ng sikat ng araw. Ang gandang blessing sa unang araw ng linggo. Lord, thank you po at muli kong nasilayan ang liwanag na ito. Salamat po sa muling pag gising Mo sa akin. Salamat po sa panibagong pagkakataon na ipagpatuloy ang buhay. Amen. Tinanghali ako ng gising guys. Pero mas okay na yung tanghaliin ng gising kesa walang gising di ba ahaha. Nagising na ko ng 4am pero nakatulog ulit ako. Malamig kasi ang panahon kaya masarap matulog. Nagpapakulo…
Guys miryenda po tayo. Galing sa ref yung puto kaya parang dry. Tulog yung langis kaya di makintab ahaha. Yan yung isang binili ko kahapon bukod sa muriekos. Di ko alam ang pangalan nyan pero parang kalamay din sya. Meron lang syang munggo sa loob. Tara po kain tayo. Baka lumamig na din ang kape ko ahaha. Magandang umaga po sa inyo. Ingat.
Ulam for today....hanggang dinner ko na po yan. Bigay ng kapatid ko yung sitaw kaninang umaga. Nag gisa na lang ako ng tuna tapos isinama ko na yung sitaw. Spicy san marino corned tuna po yan kaya masarap. Nakapagluto na din ako nito dati pa nung unang anihan ng sitaw ng kapatid ko. Bale bagong tanim uli ang sitaw nila. Unang bunga lang yan. Kasi patay na yung unang tanim na sitaw kaya panibago na naman yan. Tatapusin ko lang po yung blog na pinapanood ko tapos kakain na.…
Spending others money. Guys may kwento po ako sa inyo. Wala munang picture kasi panaginip ko lang ito. Sobrang natandaan ko talaga ang kwento. Ewan kung bakit ko napanaginipan yan. Unang character is yung husband. At yung unang words na nabanggit is yung title sa itaas. Nakatingin si husband sa wife nya habang hawak ni wife yung bagay na binili nya. Masama ang loob ni lalake dahil pera daw nya ang ginastos ni wife. Sa panaginip ko sobrang maasikaso si wife sa kanya, sa mga…
Guys gusto nyo makita ang saturn? Check the last photo. Matagal ko na din nakukunan ng picture yan akala ko star lang sya. Pero pag zoom in ko para syang planet with ring. Correct me if I'm wrong kung mali ako na saturn nga sya ahaha. Ito na din po pala ang pang finale post ko. Tulad ng dati ang God's amazing creation. May pa bonus pa kasi may kakaiba tayong makikita. Samahan nyo na din po ako na magpasalamat kay Lord sa lahat ng biyaya na ating natanggap ngayon araw. Lord…