read.cash Log in
@jhunpmelchor

@jhunpmelchor in October 2021

@jhunpmelchor

Ang mga alaga ko na matakaw sa pandesal. Tuwing nagkakape ako lagi na lang nandiyan sa pinto. Yung orange di marunong humablot ng tinapay. Sa halip makuha nya...naitutulak pa palayo ahaha. Magandang umaga po.

@jhunpmelchor

Mula lumago ang halaman ko na oregano dumalang na ang lamok dito sa bahay ko. Dati hindi ko matiis na hindi magsindi ng katol kasi talagang mangangati ka sa kagat ng lamok. Saglit ka pa lang nakaupo dami na pantal. Pero ngayon nakakatipid na ko sa katol kasi may oras na lang na talagang dumadami ang lamok lalo kapag pagabi na. Akala ko lang dati na hindi effective ang oregano sa palagid ng bahay pero talagang nakatulong.

@jhunpmelchor

Pinadalhan ako ng anak ko ng pera. Pero alam ko na wala naman siyang sweldo ngayong payday dahil 2 weeks sya hindi nakapasok sa work dahil nagkasakit sya. Tinanong ko kung paano ang allowance nya for 2 weeks bago ang payday ngayong wala syang pera. Ang sabi nya sa akin bahala na daw si girlfriend na magsuporta sa kanya hanggang sa sunod na payday ahahahaha.

@jhunpmelchor

Mga kaingay magandang gabi po. Isip isip na naman ba ng dinner. Tulad ng dati...ready na ang dinner ko iinitin na lang ahaha. Kung ano ang tanghalian ko yun na din kasi ang hapunan ko. Isang lutuan na lang para hindi na ako mag iisip ulit ng kakainin ko sa gabi. Normal sunset lang ang nakunan ko ngayon...wala masyado kakaiba. Hindi na ko nag effort na humanap ng magandang pwesto para makita ang pagbaba ng araw. Magsasara na din siguro ako ng tindahan para makakain na din ng…

@jhunpmelchor

Mga kaingay it's time to say goodnight na sa inyong lahat. Maaga akong inantok kasi 1am na akong nakatulog kagabi....bale kaninang madaling araw na din pala yun ahaha. Hindi na din ako manonood ng tv ng makabawi naman sa puyat. Mahapdi na din kasi ang talukap ng mata ko. Goodnight everyone. See you again tomorrow. God Bless us all. Lord thank you po muli sa lahat ng blessings and for keeping us safe from sickness and all harm. At tulutan Mo po nawa na makatulog kami ng…

@jhunpmelchor

Happy weekend mga kaingay. Magandang umaga po sa lahat. Lord salamat po sa pag iingat...sa aming pagtulog kami ay muling nagmulat. Ganda ng umaga ang sa amin ay bumungad. Makamit nawa ang kaligtasan na aming hangad...Iyo pong pagpapala sa amin ay igawad. Amen.

@jhunpmelchor

Magandang umaga po kamema at sa lahat ng noisemates...dumaan lang po ako saglit para i-check kung may pending for approval sa moderation. Pasensya po late ko na approve ahaha. Punta po muna ako sa palengke kasi naubusan ng pagkain ang mga pusa ko. Bibili na din ako ng uulamin ko at mirienda. Sige po baka tanghaliin pa ko. Maglalaba din pala ako mamaya. Akala ko next week pa ang sked ko buti nakita ko na 2 piraso na lang pala underwear ko ahaha. Ingat po. God Bless.

@jhunpmelchor

Sabi ng katawan ko bukas na lang maglaba. Maupo na lang muna at magpahinga. Pero ang utak ko malakas kumontra. Gawin ko na daw ngayon...bukas na lang mag siesta... Magandang hapon mga kaingay. Ano po ang ganap sa buhay. Tulad ko din ba kayo na mamaya ay magsasampay ahahaha.

@jhunpmelchor

Magandang hapon kaingay. Malapit na po akong magsampay. Last banlaw na lang ahaha. Akala mo nag aararo ako ng bukid. Sobrang tagaktak ng pawis. So ayun po...tapos na umikot ang washing machine...magsasampay na po ako. Diyan na muna po kayo brb ahaha.

@jhunpmelchor

Good evening kaingays. Handa na po ba ang dinner nyo? Yung sa akin okay na and iinitin ko na lang. Nagsarado na din ako ng tindahan. Maraming sasakyan ang dumadaan ngayon. Marami na kasi ang pauwi galing work. Dati mga ganitong oras inaabangan ko na ang anak ko na pauwi din nung nasa dati pa syang work nya. Pero ngayon kasi mas malayo na dito yung bagong work nya kaya madalang na din ang uwi nya. Nag rent na lang sila ng apartment ng gf nya para hindi na uwian araw araw at…

@jhunpmelchor

Bulaklak para sa inyo noisemates. A token of appreciation for your generous heart. It's time to say goodnight na din po kasi maaga pa bukas. May simba po kasi kaya maaga akong gigising. Lord thank you po muli sa lahat ng blessings and for keeping us safe from sickness and all harm. Amen. Goodnight everyone. See you again tomorrow. God Bless us all.

@jhunpmelchor

A Blessed Sunday to everyone. Magandang umaga po sa lahat. May the presence of the Lord be with you always. Ilaan po natin ang araw na ito para sa Kanya. Isang oras na pagsamba. Manalangin po tayo at magpasalamat sa lahat ng biyayang ating natanggap. Aminin ang mga nagawang pagkakasala at ihingi ng patawad. Lord maraming salamat po sa lahat ng biyaya at patawad po sa lahat ng mga nagawang pagkakasala at mga pagkukulang. Amen. Magandang umaga po muli mga kaingay. Gagayak na…

@jhunpmelchor

Yung alam ko na mahaba na ang balbas at bigote ko pero wapakels ahahaha. Mula nirequired ang facemask madalang na talaga ako mag ahit. Ready na ko magsimba guys. Patuyo lang ng paa para mag shoes. Diyan po muna kayo. See you later. Ingat po palagi. Have a Blessed Sunday.

@jhunpmelchor

I'm back.... Done attending Sunday mass. Tapos bumili muna ng kakanin and then diretso sa banko para kunin ang padala ng anak ko. Hindi na muna ako nagdaan sa palengke may ulam pa naman ako. Baka bukas or sa Tuesday na lang ako mamamalengke. Bihis lang po muna ako ng pambahay tapos kape muna bago maghanda ng pananghalian. Ingat po palagi. A Blessed Sunday to all. God Bless.

@jhunpmelchor

Mirienda po tayo. Medyo alanganin na ang kakanin ko malapit na mananghalian. Sure na mabigat ito sa tiyan. Pero konti na lang kakainin ko nito para hindi masyado busog. Tara po kape tayo.

@jhunpmelchor

Sobrang saya ko dahil ibinigay sa akin ng bunso kong kapatid ang natira nilang linoleum. Gustong gusto ko pa yung wooden texture. Kaya ayan na busy ng bahagya. Ang dating checkered kong mesa ngayon gumanda na. Mukha na syang yayayamanin table ahaha. May natira pa. Sobrang hinayang ko habang ginugupit ko. Wala naman kasi akong ibang pwedeng paglagyan kundi ang mesa. Alanganin naman sa flooring kasi parang 6x6ft lang naman ang size ng natira. Maganda na magpicture ng pagkain…

@jhunpmelchor

Magandang hapon kamema. Tara pong mag mirienda. Espasol at kape po ang mirienda ko ngayon. Hindi ko pa kasi natimpla kanina yung kape nung kunan ko ng picture ang espasol. Hindi ko na inulit kasi nainom ko na ang kape bago ako nagyaya ahahaha. Nabinyagan ko na ang bagong mantel ng mesa ko. Sinubukan ko lang kunan ng picture ang gunting para makita ko kung maganda na sa picture ang mesa ko kapag nag picture ng kahit ano ahaha.

@jhunpmelchor

Halos maghapon lang yata akong nagkiclick ng heart sa mga post. Pero I'm not expecting something in return. May ilang agad agad na nagsusukli. Madalang kasi ako mag comment sa mga post. Wala din kasi akong maisip na content kaya parang binabantayan ko lang yung notification ko ahaha. Nood lang ako sa youtube tapos silip ulit sa notification. Pero siguro yung ibang madalas ko madaanan nauubusan na ng value siguro naibigay ko na lahat sa kanila yung allotted heart tips. Pero…

@jhunpmelchor

Nung tumaas sa 574$ ang bch...natetempt na naman akong ilabas muna ang ipon ko. Kasi bukas pababa na naman sya according to prediction. Kaya lang baka mali na naman si prediction. Pero tumatama din minsan ha?! Wag ko na lang siguro bantayan ng hindi ako natutukso. Pero kung nagkataon na nailabas ko agad kanina sa 574$ saka ko ibinalik ngayon 566$ na lang medyo tumubo ng konti sana ang ipon ko. Pero maraming pero eh...paano nga kung pagka-sell ko ulit bigla palang pataas na…

@jhunpmelchor

New day...new beginning. Thank you Lord for waking me up again this morning. Good morning everyone. I'm sure marami na ang gising diyan at gumagayak na para sa work. Huwag po kalimutang mag almusal. Tara po samahan nyo ko magkalkal sa ref ng makakain ahaha. May kakanin puto pa ako natira pero parang di ko feel kainin ngayong umaga. Siguro pandesal at kape na lang. Magpapakulo pa pala ako ng tubig. Sige po yun lang muna. Ingat po palagi. God Bless.

@jhunpmelchor

Kanina pa po ako nakapagkape. Tinesting ko lang kung ano itsura sa picture ng bagong sapin ng table ko. Maganda na tignan ngayon. Pwede na isama sa picture. Di tulad dati na nanlilimahid na sa kalumaan ang takip ng mesa ko ahaha. Magandang umaga po kamema. Nakapag almusal na ba kayo? Pandesal at kape lang talaga ako sa umaga kahit wala palaman basta may laman ang tiyan ahaha. Ingat po palagi. God Bless.

@jhunpmelchor

Nanghihinayang ako sa ube na 'to. More than 6 months na yata naging display sa table ko. Hinukay ng kapatid sa bukid namin. Lutuin ko at bigyan ko na lang sya. Eh sa sangkap pa lang mahal na plus yung pag giling, pagluto, at paghalo pa. Mabuti pa paglutuin na lang nya ako ng spaghetti baka mas madali pa ahaha.

@jhunpmelchor

Dahil maulan...ang pagkain na pang almusal. Ginawa kong pang tanghalian. Hindi po kasi ako kumakain ng kanin sa almusal. Kape pandesal lang talaga ako sa umaga. Kaya tuwing umuulan...naiisipan ko kumain ng tuyo at pritong itlog. Tara po kain tayo. Magandang tanghali po sa lahat.

@jhunpmelchor

Parang tama ang prediction ngayon ah....pumupula na naman ang bch. From 574$ naging 550$ na lang ngayon. Prediction nila yan para bukas. 550$ min pero abangan natin ang max na 632$. Kapag lumabas ang prediction nila na yan...malamang magsesell ako sa pinakamababang prediction na 464$ nila this month ahaha...Pero itong mga sunod na araw naman pataas pa din. Magandang hapon guys.

@jhunpmelchor

Lumabas lang ako para kunan ang sunset...pero ang pusang ito laging nakabuntot sa akin. Saka kapag may tao na dumadating sinasalubong nya agad. Sabi nga ng kapatid ko parang aso daw. Sa halip nga naman umiwas eh sya pa ang sasalubong syo ahaha. Magandang pagabi na po sa lahat. Mag iisip na naman tayo ng kakainin. Malamang mag sardinas na lang ako ngayong dinner. Tinatamad akong magluto eh. Pero may adobo pa naman na pwede initin pero parang hindi ko gusto mag adobo ngayon.

@jhunpmelchor

Noisemates it's time to say goodnight na. Monday is almost ended and my pets are all sleeping na ako na lang ang gising ahaha. Antok na din po ako... malamig kasi ang panahon ngayon kaya masarap matulog. Sige po...goodnight na sa inyong lahat. See you again tomorrow. Ingat po palagi. God Bless us all. Lord thank you po ulit sa lahat ng blessings and for keeping us safe from sickness and all harm. Amen.

@jhunpmelchor

Nagising ako ng alas quatro ng madaling araw. Sumilip dito...pumuso saglit...pumikit nakatulog ulit ahaha. Kakagising ko lang po ngayon. Mataas na araw nung lumabas ako. Magandang umaga po sa inyo. Lord salamat po sa mahimbing na pagtulog at sa muling pag gising. Maraming salamat po sa panibagong pagkakataon na ipagpatuloy ang buhay at sa mga biyayang sa amin ngayon ay naghihintay. Amen. Good morning kaingay. Have a great day. Ingat po palagi. God Bless us all.

@jhunpmelchor

Biglang kulimlim at nag uumpisa na din umulan. Kanina lang tirik pa ang araw. Mamamalengke pa naman ako ng uulamin. Isang saing na lang din pala ang laman ng bigasan ko. Makapunta na siguro sa palengke bago pa lumakas ang ulan. Wala naman po typhoon signal dito sa amin. Sige po palengke na muna ko. Ingat po palagi lalo na yung apektado ng bagyo. God Bless.

@jhunpmelchor

Heto na po ako. Basang basa sa ulan ahahaha. Ang sabi ko ilalaga ko na ang buto buto na nasa freezer ko. Bumili pa ako ng repolyo at saging na saba. Tapos nakakita naman ako ng buhay na tilapya kaya bumili din ako. Sayang ang pagkasariwa ng isda...hindi ko nga din pala maluluto ngayon sana pala hindi na muna ko bumili ahaha. Talagang uunahin ko iluto ang buto buto para maialis na sa freezer. Ilang linggo na yata yun ahaha. Tara po luto na tayo. Papalambutan ko na muna yung…

@jhunpmelchor

Tapos na po akong kumain hindi ko na kayo niyaya kasi matigas pa pala ang laman ahaha. Buti na lang may repolyo at saging yun na lang inulam ko. Kailangan ko ibalik sa pressure cooker ang laman makunat pa kasi. Akala ko kanina malambot na... humiwalay na kasi ang laman sa buto yun pala para pa din goma sa kunat ahaha. Pero masarap talaga. Pahirapan lang maghugas ng plato kasi ang kapal ng sebo. Magandang tanghali po sa inyo.

@jhunpmelchor

May nakita lang akong nag post ng dalandan kaya ko naalala na may binili nga pala ako ahaha. Tamang tama na kumain ako nito kasi masebo ang ulam ko kanina. Panlaban sa cholesterol. Masarap itong nabili ko...naghahalo ang tamis at asim. Yung nabili last 2wks ago mapait....seedless pa naman.

@jhunpmelchor

Nag check ako ng history sa bitcoin.com wallet ko...nagulat ako na may nareceive ako na 0.05$. Kaya check ko agad sa mga post ko kung sino nagbigay galing sa sariling wallet. Kahapon pa pala binigay sa akin yun. Sa post ko na sunset and selfie na may kasamang pusa. Salamat lods @SeannBlake for your generosity. God Bless.

@jhunpmelchor

Nag 569$ na kanina ang bch. Ang sabi sa prediction bababa sya sa 531$ and then aakyat ulit bukas sa 587$. Plano ko sana i-sell muna pero hindi ko na gagawin kasi tataas pa naman sya. Pero titignan ko muna ang kakalabasan ng prediction kung tugma. Kasi pwede sundin kung sakali. Pwede mo benta kapag mataas tapos bili ka na lang ulit kapag bumaba. Tignan natin bukas ahaha. Tara guys kain tayo. Magandang gabi po sa inyo.

@jhunpmelchor

Mga kaingays another day almost over. And my tired brain wants to rest early tonight...parang may brain ahaha. Basta yun na yun...gusto ko lang matulog ng maaga ahaha. It's time to say goodnight na din siguro gabi na din naman para sa young heart na katulad ko ahaha. I need more rest to avoid wrinkles ahaha....dami dahilan eh gusto lang matulog ng maaga ahaha. Okay guys yun na yun. Goodnight everyone. See you again tomorrow. Ingat po palagi. God Bless us all. Lord thank you…

@jhunpmelchor

New day...new life...new blessing. Thank you Lord for this wonderful morning. Magandang umaga po sa lahat. Ang agang nag iingay ng mga alaga ko. Wala yung isa baka tulog pa kasi inuubo. Itong dalawa kanina pa naglalaro. Sobrang aga din ng brownout dito sa amin. Pag gising ko wala akong internet yun pala brownout na. Baka maghapon 'to kasi madalas pag nagbrownout dito ng 7am hanggang 5pm na yan. Powerbank lang ang gamit ko sa wifi...ilang oras lang tatagal yun. Pag nalowbat…

@jhunpmelchor

Nahagilap ko sa mga lumang gamit ang gunting ng inang ko. Lahat ng memories nag flash back. Naluha na lang akong bigla. Parang nakikita ko ang nanay ko na nananahi sa kanyang makinang de padyak. Ito ang gunting na madalas nyang gamitin sa pag gupit ng tela. Mahigit na sa 50 yrs old ang gunting na yan. Habang nirerestore ko sa dating itsura...inisis para maalis ang kalawang, naalala ko pa kung paano nya gamitin ang gunting sa pag gupit ng aming kuko dahil walang nail cutter.…

@jhunpmelchor

One bar na lang ang aking powerbank kailangan ko na mag content kahit isa. Baka kasi mamayang gabi pa magkakuryente. Buti hindi din gaano maalinsangan ngayon. Lumabas lang ako saglit kasi medyo nakakainip ang katahimikan. Lalo kung wala ng wifi pagkaubos ng battery ahaha. Yan po yung isang bagong tanim ko na gumamela. May bulaklak na. Ito yata yung nahingi na pula or dark pink yata. Baka bukas nakabuka na sya. Yun lang po muna baka mamatay na ang wifi ko ahaha. Magandang…

@jhunpmelchor

Dahil brownout pa din...wala akong magawa kundi maghalukay ng mga lumang gamit. Nakita ko ang ipad na anak ko na matagal ng hindi ginagamit dahil ayaw talaga mag on. Sinubukan ko i-charge sa powerbank pero ayaw din mag charge. Naghanap ako sa youtube kung paano mag hard reset ng ipad. Sinubukan ko yung sabay pipindutin ang home button at power button hanggang lumabas daw yung apple icon pero ayaw pa din. Subukan daw i-warm ang ipad by using hair dryer or ibilad sa araw.…

@jhunpmelchor

Curious sya sa ilaw inaamoy pa. Kung kelan nakakain na ko saka pa nagkakuryente. Grabe mag brownout dito sa amin halos isang buong araw. Basta nagsimula ng 7am...siguradong 7pm na din magkakaroon. Lahat tuloy ng gadget pati powerbank nalowbat. Kailangan pala pati flashlight maicharge na din. Magandang gabi po sa lahat.

@jhunpmelchor

Mabuti na lang nagkakuryente...kung nagkataon baka magkaamoy itong isda ko sa freezer. Mula 7am to 7pm ba naman. Ipopost ko pa lang 'to bigla akong tinawag na kapatid ko. Pinapapunta daw ako ni kapitan sa city hall ngayong gabi at may vaccine daw. Nakalimutan sabihin sa akin kahapon. Nagbibihis na ko bigla naman bumalik ang kapatid ko. Bukas na lang daw ng umaga dahil nakumpleto na daw ang bilang. Pfizer kasi kaya susugod na talaga ako kahit gabi na ahaha. Pero mainam nga…

@jhunpmelchor

Thursday na agad. New day, new life, new beginning. Thank you Lord for this wonderul morning. Thank you Lord for the gift of life. Amen. Magandang umaga po mga kaingays. Maaga ako nagising ngayon para gumayak sana para magpalista sa bakuna. Pero nireplyan na ako sa chat ng healthcare worker. Kinuha lang ang number at bday ko ipipila na daw nya. Maghintay na lang daw ng tawag kasi walang fix schedule kung kelan magkakaroon dito sa aming brgy. Tulad kagabi sana. Biglaan ang…

@jhunpmelchor

Hindi ko na inistorbo. Mukhang nag eemote eh. Hindi ko pinahalata na kinukunan ko ng picture. Tatayo kasi kapag nakita nya na kinukunan ko sya ahaha. Hindi ko kasi binigyan ng pandesal. Kumakain naman sya kanina nung nagkakape ako. Pero naramdaman nya na kumakain din ako kaya tahol ng tahol pero hindi ko sya pinapansin ahahaha.

@jhunpmelchor

Lagi na lang akong tumitingala sa puno ng bayabas tuwing lalabas ako ng bahay. Minsanan lang makatyempo ng hinog pero iisa naman lagi ahaha. Pero siguro hindi ko lang masyado nahahalukay kung may hinog pa kasi madalas may mga hinog na nahuhulog lang sa lupa. Pero ang mas madalas nauunahan ako ng mga ibon na may kamay na may dalang panungkit ahaha.

@jhunpmelchor

Yung akala mo sa iyo na. Pero nalingon ka lang iniwan ka na agad ahahaha. Kaya wag masyado kampante. Yung naikasal na nga eh akala may forever pero iniiwan pa rin ahahaha. Naging hugot na malalim. Halatang may pinagdaanan ahahaha.

@jhunpmelchor

Kain po kaingays. Magandang tanghali po sa lahat. Wala akong kalamansi at sili na sawsawan. Suka na may toyo na lang. Tapos nguya na lang dalandan sa huli para saktong healthy meal pa din ahaha. Enjoy your tanghalian din guys. Tara po kain na. Ingat palagi. God Bless.

@jhunpmelchor

Napaghahalukay ko mga old gadgets ng anak ko. Naisipan ko i-charge lahat baka kasi masira ang mga battery sa tagal na hindi naicharge. Nag full na ang ipad2 nya pero itong ipod touch ayaw mag full kanina pa nakacharge. Napa add to cart tuloy ako sa shopee ng usb charger. Pero baka sa 10.10 ko na iproceed. Yung psp na lang ang hindi ko pa naicharge kasi inalis pala ng anak ko ang battery hindi ko makita kung saan nya nailagay. May lumang gameboy pa nga pala sya pero di ko na…

@jhunpmelchor

Ang ipad ng anak ko may ghost touch...kusa sya nagtatype ahaha. Kaya hanap ako ng solusyon sa youtube...hard reset daw kaya ginawa ko naman. Kaya ayan tuloy ang nangyari...kailangan ng activation sa icloud eh limot na ang anak ko sa apple id nya. At kung hindi ko daw ma activate...need ko ikonek sa itunes. Wala akong itunes sa laptop kaya nag install ako pero ang requirements pala eh windows 10 na kaya di ko din napagana. Huli na nung mapanood ko yung isang tutorial na pwede…

@jhunpmelchor

It's time to say goodnight na naman mga kaingay. Another day is almost over. Panibagong bukas na naman ang sa atin ay maghihintay. Napakabilis ng oras talaga. Hindi ka na maiinip sa takbo ng panahon. Pero hindi ako sure kung sa akin lang na mas mahaba pa ang oras sa walang ginagawa kesa sa may gagawin ahaha. Malamang sa mga may work at may mga pinag aaral pa na nadagdagan pa ang trabaho dahil ngayon ay mga teacher na din sa kanilang mga anak na dahil sa online schooling at…

@jhunpmelchor

Thank God it's Friday na...ang bilis talaga ng araw. Maraming salamat po Lord for waking me up again this morning. Thank you Lord for the new beginning and for the gift of life. Amen. Magandang umaga po kaingays. Another great morning na naman para sa ating lahat. Maaliwalas ang panahon ngayon kaya ang kapatid ko ayun na sa sapa naghahanda na ng pang spray sa kanyang halaman. Ang aga nya lumusong. Nagtanim kasi sya ng sitaw bukod sa aming tanim na palay. Ako naman po…

@jhunpmelchor

Pilit kong nirerecover ang ipad ng anak ko sa itunes. Kaso ang anak ko limot na sa password nya. Sinubukan ko ang forgot password pero sa number naman ng anak ko send yung instruction to recover password. Busy pa yata ang anak ko sa work nya kaya hindi pa inaaccept yung notification nya o baka hindi dala ang isang cp nya sa work. Tanghali na wala pa tuloy akong nagagawa kundi manood ng instruction para ma activate ko ulit ang ipad ahaha. Makapagluto na nga. Hindi na din ako…

@jhunpmelchor

Habang nagluluto...hihigop muna ng mainit na sabaw. Late mirienda ko na 'to eh ahaha. Basta kasi may naharap akong isang bagay hindi ako humihinto hangga't hindi ko nasosolusyunan. Gusto ko magawa ko kung anuman ang kanyang naging diprensya kung bakit ayaw gumana. Parang nung nasa remotask online job pa ako. Gusto ko pulido ang task ko bago isubmit kaya minsan nauubos ang time limit...nasasubmit agad ng hindi pa tapos. Pero kahit paano maganda ang ratings ko kaya maganda din…

@jhunpmelchor

Tulog pala lahat ng kasama ko. Kaya pala pati ako inaantok ahaha. Tapusin ko lang ang showtime makaidlip din. Ano sila lang? Dapat ako din matutulog ahahaha. Magandang hapon kaingays.

@jhunpmelchor

Parang I need to prepare na. Tuloy na ang aking first vaccine mamayang 5pm. #2 daw ako kaya dapat agahan ko ng punta. Pero dapat nga ba busog bago bakunahan o dahil lang sa haba ng pila kaya dapat kumain muna. Pero #2 naman ako agahan ko na lang siguro. alanganin sa dinner time baka kung kelan sleeping time saka ako gutumin kung maaga akong kakain ahaha. Tara guys mirienda tayo. Gagayak na din siguro ako para hindi ako ma late. Magandang hapon kaingays. #firstdose #Pfizer

@jhunpmelchor

Done with my first dose #Pfizer. Kakauwi ko lang po. Okay lang pala kahit hindi ako agad nag dinner. Hindi naman pala ako masyado gagabihin. Tara guys kain na tayo. Ilagay ko na nga dito kung kelan ang second dose para di ko malimutan ahaha. Oct. 29 same time. Magandang gabi po sa lahat. Hindi ko na sana ilalagay yung panagalawang photo kasi hindi ko alam kung bakit naka peace sign ahaha. #balakajan

@jhunpmelchor

Mga kaingay medyo kakatapos ko lang kumain. Ngayon lang yata ako na late ng kain dahil ginabi na sa pa-vaccine. Bago pala ako umuwi kanina galing city hall napadaan ako sa palayan city park. Nagandahan lang kasi ako sa pailaw. Yun lang po.... It's time to say goodnight na din. Another busy and productive day almost over kaya kailangan na din siguro makatulog ng maaga. Goodnight everyone. See you again tomorrow. Ingat po palagi. God Bless us all. Lord thank you po muli for…

@jhunpmelchor

Umagang kay ganda po noisemates. Happy weekend po aa lahat. Lord salamat po muli for waking me up again this morning. Thank you for this brandnew day. Salamat po Lord dahil walang masamang epekto ang vaccine sa akin maliban sa pananakit ng braso. Sana po Lord ay makatulong talaga ang bakuna para lumakas ang aming resistensya para makaiwas sa covid19. Bigyan mo po sana kami ng malakas na pangangatawan Lord para malabanan namin ang lahat karamdaman at lahat ng hamon sa buhay.…

@jhunpmelchor

Mabuti na lang pala na maaga ako nagsalang ng lulutuin ko....sira na yata ang rice cooker ko. Akala ko nag brownout na naman kasi di umiilaw yung rice cooker. Siguro natuluyan na masira kasi nung mga nakaraang araw nahihilaw na ang sinaing kasi kusa sya umaangat akala ko painin na yun pala may tubig pa. Ang kalan ko naman one burner na lang gumagana kasi ayaw na mapihit nung isang burner. Intayin ko lang maluto itong nakasalang tapos isusunod ko na ang sinaing. Kayo po ba…

@jhunpmelchor

Miswa overload ahahaha. Nag experiment na naman para lang maubos na ang laman ng freezer. Tirang siomai, kikiam at atay balunbalunan. Masarap pero kulang sa gulay kahit dahon sili sana or malunggay. Nilagyan ko din ng luya at ginayat na siling panigang para may kaunting anghang. Tara po mga kaingay kain na. Magandang tanghali po sa lahat.

@jhunpmelchor

Iba epekto sa akin ng bakuna. Naging masipag yata ako ahaha. Yung matagal ko na gusto gawin naharap ko ngayon. Makalat talaga ang lugar na 'to kasi walang gumagamit mula bumukod ang anak ko. Bigla ko naisipan ayusin. Yung natirang linoleum sa pinangsapin ko sa mesa ipinalit ko na din sa sapin ng patungan ng tv. Medyo maganda na tignan. Pero makalat pa din ahaha. Makaligo na nga...kanina pa ko maasim sa pawis ahaha. Magandang hapon kaingays.

@jhunpmelchor

Umulan lang nag brownout na. Ang lakas ng kulog. Kanina ang tindi ng sikat ng araw tapos biglang ulan naman. Baka kailangan ko muna umidlip. Hindi naman mainit ang panahon. Siguro saglit lang naman walang kuryente. Idlip po muna ko. Maulang hapon po sa lahat. Nagkape na po pala ako ahaha.

@jhunpmelchor

Pagkatapos kumain sumandal muna ko sa upuan at namuso saglit sa nasa notification. Natanaw ko lang ang Christmas light ko na 10 yrs na yatang nakakabit jan. Tanda ko kasi maliit pa ang anak ko nung binili ko yan. Wala ng tanggalan kasi naka staple na yan ng gun tucker. Baka maputol o malagot kung aalisin ko pa. Buo pa pala. Isa lang yata ang hindi umiilaw. Ilang days na lang naman Pasko na kaya pwede na ulit pailawin ahaha. Magandang gabi po. Namamasko po ahaha. Pasensya sa…

@jhunpmelchor

Mga kaingay nakakaramdam na ako ng antok. Parang late ang effect ng bakuna ko. Hindi kasi ako nagpahinga kanina. Sa halip eh sinipag pa ako maghagilap ng pwede gawin. Hindi naman masama ang pakiramdam ko pero parang maaga lang akong inantok ngayon. Tahimik kasi ang paligid...huni lang ng kuliglig ang naririnig ko... Tapos yung Christmas light nagsasayaw pa kaya nakadagdag pampaantok ahaha. Goodnight na po sa lahat. See you again tomorrow. May simba nga din pala bukas kaya…

@jhunpmelchor

A Blessed Sunday to everyone. Maaliwalas na umaga po sa inyo noisemates. Napasarap ang tulog ko pero nagising ako ng 1am kanina. Buti hindi naman ako nahirapan bumalik sa pagtulog. Kaya dapat magpasalamat kay Lord. Every gising is always a blessing. Lord thank you for waking me up again this morning. Thank you for the gift of life and for giving me another chance to see the morning light. Lord, please keep us safe and keep us away from sickness and all harm. Amen. Kamusta…

@jhunpmelchor

Good morning noisemates. A Blessed Sunday to everyone. Nakagayak na po ako para magsimba. Patuyo lang saglit ng paa para magsapatos. Mabilis ang oras kaya jan po muna kayo. Baka kasi ma-late ako sa misa ahaha. See you later. Ingat po palagi. God Bless.

@jhunpmelchor

I'm home guys. Nakasimba na and nakabili din ng kakanin. Mamaya ko na share yung binili ko. Ang share ko lang eh...nagtataka ako kung bakit yung kapitbahay namin na laging nakikisabay sa akin eh parang iniiwasan na ako bigla. Wala akong kaalam alam kung bakit. Wala akong ibang intensyon kundi magmagandang loob. Makatipid man lang sya sa pamasahe dahil pareho naman kami ng pupuntahan. Kaya kanina nung makita ko na nag aabang ng masasakyan pauwi eh hindi ko na hinintuan. Hindi…

@jhunpmelchor

Kape po tayo. Mirienda muna ko bago magluto ng tanghalian. Kailangan agahan magsaing kasi isa lang ang stove. Sira na ang rice cooker kaya sa kalan na magsasaing. Pagkatapos initin ko lang ang leftover na ulam. Hindi ko po alam ang talagang tawag sa kakanin na binili ko. Para syang kalamay pero may munggo sa ilalim. Tapos meron pang gata yata yang nasa ibabaw na parang bibingka. Tara kain guys.

@jhunpmelchor

Plano ko sana maglagay ng duyan sa ilalim ng puno pero ang sumalubong sa akin mga lamok na singlaki na yata ng tutubi. Ayan sa bulaklak nakadapo ahaha. Parang nagpa vaccine ako ulit kapag nakagat ako. Kaya lang baka dengue naman ang makuha ko ahaha. Kailangan siguro may katol pa para makatambay ako sa likod bahay. Ang ganda pa naman ng panahon parang presko mahiga sa duyan sa ilalim ng mga puno. Lunch time na din pala. Tara po kain na.

@jhunpmelchor

Maistorbo ko nga po ang tahimik nyong pamamahinga mga kanoise ahaha. Kusa po kasi tumubo sa aking pot ang halaman na yan. Ano ba yan? Pang plantito ba o damo lang ahaha. Nagagandahan lang ako sa dahon nya kaya para tuloy sa tingin ko pwede alagaan.

@jhunpmelchor

https://fb.watch/8ytRXyQ6c7/ Bago ako kumain habang naghihintay kumulo ang pinainit kong ulam...naharap ko na naman mag videoke. Gusto nyo ba marinig ang boses ko kahit pangit naman ahaha. Wag lang pansinin ang itsura ko sa video habang kumakanta. Need ko talaga bumili ng mic filter para matakpan ang mukha ko habang kumakanta ahaha. Kakatapos ko lang din po palang mag dinner. kayo ba nakakain na din? Magandang gabi kaingays. Nasa taas po pala ang link ng facebook video ko.…

@jhunpmelchor

Mga kaingays it's time to say goodnight na naman. Namaos na ako kakavideoke ahaha. Nakarinig lang kasi ako ng paboritong kanta habang nanonood sa youtube kaya naisipan ko na magvideoke. Nagpaantok lang din. Sige po yun lang. Kitakits ulit bukas. Ingat po palagi. God Bless us all. Lord thank you po muli sa lahat ng blessings and for keeping us safe from sickness and all harm. Sana po kami ay makatulog ng mahimbing upang ang aming mga pagod na katawan ay makapagpahinga ng…

@jhunpmelchor

New day...new beginning. Magandang Monday morning guys. Thank you Lord for waking me up again this morning. Thank you for this great and blessed morning. Thank you Lord for the gift of life. Amen. Magandang umaga po muli kaingays. Kamusta po ang ating gising. Sana po in good mood lahat. Tulad nitong pet ko ang sweet. Sinalubong agad ako ng mainit na yakap at halik. Kaya umagang umaga naka smile na ko kasi positive agad ang sumalubong sa akin. Be grateful kahit sa maliliit na…

@jhunpmelchor

Iba talaga ang epekto sa akin ng bakuna...sinisipag ako lagi ahaha. Binunot ko na itong dating halaman na tinanim ko. Masyado pala mabilis dumami. Naging makalat na sa harap ng bahay ko. Pati yung mga dating tanim ko namatay na dahil natabunan na. May ilang gumamela na din pala ang namatay. Babaguhin ko na lang siguro yung mga itatanim ko. Mga namumulaklak na halaman na lang ang ilalagay ko diyan. Yung oregano siguro ililipat ko na lang sa likod bahay. Hindi sila bagay sa…

@jhunpmelchor

Nai-post ko dito minsan na napabayaan ko ang gripo ko na nakabukas ng isa at kalahating oras. Inaasahan ko na tataas ang reading ko ngayon pero bakit parang mas bumaba pa 4cu.m. lang ahahaha. Baka nagkamali lang ng reading tapos next month naman tumaas. Lugi ako doon kasi hindi ko nakokonsumo ang minimum. Palagi 6 to 7 cu.m. lang. Kung nagkamali sila ng reading ngayon baka lumagpas ako sa minimum next reading. Nabayaran ko na ang konsumo ko tapos papatong pa ulit. Gets nyo…

@jhunpmelchor

Guys kain po tayo...ready na ang food ko. May masarap na sawsawan pero kulang lang ng sili. May tipid lutong nilagang itlog. Sinapaw lang sa kanin ahaha. Pero hinugasan ko naman pong mabuti ang itlog bago ko isinabay sa sinaing. Wait po sandok na ko. Magandang tanghali po.

@jhunpmelchor

Nakakaantok ang panahon...gusto kong matulog ahaha. May mahinang ulan tapos malamig pa ang hangin. Ito yung panahon na sobrang nakakatipid ako sa kuryente. Ilang araw na yata akong natutulog na naka-off ang electric fan saka pala hindi na ko sa rice cooker nagsasaing ngayon kasi nasira na ahaha. Hintay ko lang matapos ang showtime bago ako umidlip kasi nakikisagot ako sa madlang pi-poll...sayang kasi baka mabunot ang name sayang premyo ahaha.

@jhunpmelchor

Yung mga buto ng dalandan iniipon ko para ihagis ko sa likod bahay baka tumubo. Kapag namunga hindi na ko bibili. Ilang years kaya akong maghihintay? Tulad din kaya ng paghihintay mo sa taong akala mo para sa iyo pero hindi naman pala ahahaha...boom panis. Hugot pa more ahahaha.

@jhunpmelchor

Maulan pa din dito sa amin pero mahina lang. Ulambon ang tawag ng iba kasi madalang ang patak pero malalaki. Nagsarado na ako ng tindahan na e-load lang ang tinda at konting sitsirya at kendi lang ang laman ahaha. Kakain na din kasi ako ng dinner para maaga na din makapagrelax. Para tambay na lang ulit dito kay noise.cash at nood ng youtube videos. Tara guys kain na tayo. Ingat po palagi lalo yung mga papauwi pa lang galing work. Magandang gabi po sa lahat.

@jhunpmelchor

Guys it's time to say goodnight na po. Biglang nagbrownout. Buti na lang may rechargeable light and de gas na lamp. Tulog na lang din ako ng maaga siguro. Baka mamaya lang lowbat na din ang wifi ko kasi nakasaksak lang sa powerbank. Goodnight everyone. See you again tomorrow. Ingat po palagi. God Bless. Lord thank you po ulit for all the blessings and for keeping us safe from sickness and all harm. Amen.

@jhunpmelchor

Magandang maulang umaga po sa lahat. Kanina pa po ako gising. Thank you Lord for waking me up again this morning. Medyo nakapag ikot na po sa ilang post sa aking notification para pumuso bago ako mag greet sa inyo ng magandang umaga. Nahiga pa po ulit ako kasi medyo madilim pa din sa labas kahit ganitong oras na. Ingat po sa lugar na binabaha at sa mga lugar na mataas ang typhoon signal. Prayers po ang pinakamalakas na paraan para maging ligtas po ang lahat. Sana umalis na…

@jhunpmelchor

Magandang umaga mga kaingays. Gumaganda na ang panahon dito sa amin. Sumisilip na ng bahagya ang haring araw pero makapal pa din ang ulap. Sana gumanda na ang panahon pati sa ibang lugar na mataas ang typhoon signal. Wala kasi ako balita sa bagyo ngayon hindi kasi ako nakapanood ng news. Nababasa ko lang sa ibang post kung ano ang nangyayari sa mga nabahang lugar lalo sa isabela. Ingat na lang po palagi. God Bless.

@jhunpmelchor

Napahaba ng kwentuhan. Bakit ba ang hirap mag convince sa tao na subukan ang noise.cash. Akala mo bubudulin sila eh libre lang naman ahahaha. Kung sana may hinihinging bayad or kahit anong requirements para mag join. Napakasimple lang naman gumawa ng account dito. Email address and password lang naman ang kailangan gaano ba kahirap yun ahaha. Naalala ko tuloy ang sabi ng isa nating friend dito. Huwag naman puro spoon feed dapat naman magtyaga din kung paano ba makapag sign…

@jhunpmelchor

Magandang hapon kaingays...nakakaantok na hapon po sa lahat ahahaha. Nood mode lang kasi ako ngayon and heart sa notifs. Pero namimigat na talaga ang mata ko makaidlip muna siguro saglit. Ang mata ko parang makahiya...makanti lang umiikom na ahaha. Idlip lang ako kahit ilang minuto lang siguro para mahaba oras ko ulit para tumabay. Ingats. Brb.

@jhunpmelchor

Ito ang scene kanina nung nagsara ako ng tindahan. Sarado na din kasi yung katabing shop kaya nagsara na din ako ng maaga. Maulan pa din pero tikatik lang. Yung madalang ang patak pero malalaki. Kahit nakaidlip na ako kanina maaga pa din akong inaantok. Another day almost over na din naman...kaya it's time to say goodnight na din siguro. Goodnight everyone. See you again tomorrow. Ingat po palagi. God Bless us all. Lord thank you for everything. Amen. Goodnight…

@jhunpmelchor

Every gising is always a blessing. Thank you Lord for waking me up again this morning. Thank you Lord for another chance to see this brand new day and to watch the rain touches the ground. And to feel this cold weather. I am very much thankful Lord because I can still see and feel all your wonderful creations. Amen. Hello guys....Heto po kami ng aking alaga na bumabati sa inyong lahat ng isang mapagpalang maulang umaga. Medyo napuyat po ako kagabi dahil sa isang convo sa…

@jhunpmelchor

Wazzup guys...kakabalik ko lang galing palengke. Wala na pala ako bigas at tinapay kaya napilitan ako mamalengke ahaha. Maganda po ang sikat ng araw pero makapal ang ulap kaya di gaano mainit ang panahon ngayon. Maliligo na po muna ako para makapagbukas na ng tindahan. Wala naman ako gaano pinamili kasi pupunta ako ng bayan bukas para doon mag grocery at bumili ng pang regalo sa anak ko sa bday nya bukas. Hindi kasi makapaghahanda kasi may work sya. Brb guys maligo muna ako…

@jhunpmelchor

Kaingays tara po kape tayo. Espasol lang nabili ko mirienda kasi di ko gusto ung combo nila na 3 in 1 na kakanin...may kasamang maja blanca. Hindi ako masyado mahilig don pero nasasarapan din naman ako kaso parang hindi nakakabusog. Parang kumain ka lang kasi ng gelatin. Kape guys bago lumamig.

@jhunpmelchor

Guys may kwento ako. May gusto mang scam sa akin kagabi pero nung una sobrang saya ko dahil akala ko legit yung kausap ko. Nagtatalon na ako sa tuwa kasi ang laki ng premyo ko. May iphone 13 and ps5. Nakita ko kasi na may pinned comment sa comment ko sa channel ni Faze Rug. Nung nag 20M subs kasi sya nagparaffle sya pero ang requirement lang ay magcomment sa content nya. So ayun po nag comment lang ako. Two weeks ago na yung 20M video na pinanood ko. Tapos may notification…

@jhunpmelchor

Mapapakinabangan pa naman ahahaha. Buti na lang mahilig ako sa tutong. Kaya mahirap magsalang sa apoy. Dapat lagi binabantayan. Sira na kasi ang rice cooker ko. Siguro mababa na ang electric bill ko this month. One week na kasi akong hindi nagsasaing sa dekuryente. Pero tyaga muna ko kumain ng sunog palagi ahaha. Tara guys kain tayo ng tutong ahaha. Magandang tanghali po sa lahat.

@jhunpmelchor

Dahil walang maisip na content kakanta na lang po ako ahaha. Magrerecord ako ng cover song para sa facebook channel ko...https://www.facebook.com/jhuntvatbp/ Baka maisipan nyo po silipin eh maumay kayo sa boses ko ahaha. Marunong lang po sumabay sa tono pero hindi maganda ang boses ko ahaha. Itong nasa monitor ng laptop ko A Love to Last ni Jose Mari Chan request lang po sa akin pero hindi ko alam kantahin kaya pagpraktisan ko muna. Hirap akong sabayan eh kahit parang simple…

@jhunpmelchor

Insert: anak ko po nasa picture ahaha. Wala sa mood ang boses ko magrecord ng music cover. Kakapraktis namaos. Saka inaantok na din ako ahaha. Napuyat kasi ako makipag chat sa scammer kagabi. Ang aga ko nag goodnight kagabi pero dahil nanalo daw ako sa isang pagive-aways sa youtube ng isang vlogger na sinusubaybayan ko...napa chat at napa english tuloy ako. Bandang huli...nahuli ko si balbon na isang mambubudol at fake account lang pala ang gamit ahaha. Birthday nga pala ng…

@jhunpmelchor

Magandang umaga guys. Lord thank you for waking me up again this morning. Thank you Lord for the gift of life lalo na sa anak ko na nagcecelebrate ng kanyang bday ngayon. Amen. Babatiin ko lang po ang anak ko mga kanoise kaya maaga ako nag post pero idlip pa ulit ako pagkatapos. Happy happy birthday sa pinakadabest, pinakamabait, responsable at pinakamamahal kong anak Karl Justin Melchor. Wala ako anak masasabi kundi ikaw ang pinakamagandang regalo na natanggap ko kay Lord.…

@jhunpmelchor

Good morning kaingays. Ang agang pagsalubong nakaipit sa gate. Hindi ko pa nahihigop ang kape ko na kakatimpla lang ito agad ang natanaw ko sa may pinto ahaha. Mamaya ko na sisilipin kung magkano pagkatapos ko na magkape kasi baka mawalan ako ng gana ahaha. Basta expected ko na bumaba ang reading kasi one week na ko hindi gumagamit ng rice cooker at madalang na din mag electric fan dahil malamig na ang panahon. Tara guys kape na muna tayo bago umpisahan ang gawain. Ingat po…

@jhunpmelchor

Guys gagala lang po muna ako. Punta ko sa kabilang bayan bibili ng pangregalo sa anak ko na may birthday ngayon. Wag nyo ipagsabi ha!? Surprise lang 'to ahaha. Parang may nakakakilala naman dito ahaha. Meron pala isa si @VeniceGan ahaha. Wala po syang acct dito sa noise kaya dito ako nag post. Masyado akong proud sa anak ko dahil marunong makisama kaya pati boss nya nakagiliwan sya. Mamayang gabi may pa dinner pa sa labas sagot ng boss nya kasama ang buong opisina.…

@jhunpmelchor

Magandang gabi noisemates. Kakabalik ko lang po galing Cabanatuan. Nahatid ko na sa gf na anak ko ang surprise gift ko. Sabi ko sa gf nya i-prank muna kasi pamprank talaga ang laman ng gift. Binago ko ang balot kunwari galing shopee wala nga lang nakadikit na resibo ahaha. Kahit si gf wala alam sa kung ano ang laman ng box. Dito ko lang po pinakita sa inyo ahaha. May kasama pa pala bigas yan pero dito ko na lang ibibigay. Uwi daw sila dito sa Sunday. Ang malas lang pagbyahe…

@jhunpmelchor

Sulit naman pala yung binili kong ulam na bicol express sa karinderya na 50php lang. Marami ang takal at masarap din. Lutong bahay na halatang hindi tinipid. Parang good for two. Yung matitira ulam ko na bukas ng tanghalian ahaha. Ganon po ako katipid. Sa kanin ako malakas ahaha. Tara guys kain tayo. Magandang gabi po sa lahat.

@jhunpmelchor

Kakahintay ko na mag video call ang anak ko di ko na napansin ang oras. 9:30pm na pala kaya pala parang inaantok na ako. Nasa resto pa daw kasi ang anak ko di pa nakakauwi sa apartment. Hindi pa tapos ang pa dinner ni boss. Gusto ko sana makita reaction nya mamaya pag open ng box na padala ko. Hinuhuli ako sa chat na sa akin daw yata galing. Ang sagot ko lang paano ko makapagpapadala eh wala pang pera ahahaha. Sige na po noisemates...baka biglang tumawag ang anak ko eh hindi…

@jhunpmelchor

Thank God it's Friday na...magandang umaga po sa lahat. Maraming salamat Lord sa napakagandang umaga. Maraming salamat po sa muling pagmulat ng aking mata at sa panibagong pagkakataon na bigay para ipagpatuloy ang buhay. Amen. Hello po mga kaingays. Kamusta ang mga gising? Kung ako po ang tatanungin...naging maganda po ang tulog ko at gising kahit napuyat sa video call ng anak ko kagabi. Pinakita ang pag open ng gift ko sa kanya. Prank daw kasi puro karton daw yung nasa…

@jhunpmelchor

Pinuntahan ako ng aming BARC technician para magpapirma ng voucher para sa ayudang pataba para sa aming sakahin. Ang balita eh hindi na pataba ang aming makukuha kundi cheque na. Nangangamoy pera ahahaha. Pero parang napaaga ako. Ang sabi pumunta ako dito sa city hall ng 8:30am. Malapit na mag 9am wala pa sya. Maghintay na lang siguro ako kesa umuwi muna. Sayang ang gas. Magandang umaga kaingays.

@jhunpmelchor

Nagmimirienda ako habang nagnonoise bigla ako napatalon kasi may nakasalang pala akong sinaing sa kalan. Naalala ko kasi yung comment nung nasunog ang sinaing ko dahil hindi na gumagana ang rice cooker ko kaya sa apoy na ako nagsasalang ahaha. Masusunog na naman ang kanin ko kung nagkataon. Buti painin pa lang. Tama lang talaga na mag muna mag noise kapag nagluluto sa apoy. Break muna sa pag iingay kung ayaw kumain ng sunog na tutong ahaha. Tara guys mirienda muna. Medyo…

@jhunpmelchor

Nakahingi ako ng sample seeds na pwede ko itanim sa paso. Kesa nga pala halamang pandisplay lang ang dinidiligan ko mas mainam na yung may pwede akong ulamin kapag namunga. May buto ng munggo, mais, sitaw, kamatis...at ngayon ko lang nalaman na may buto na din ang kangkong. May napansin din pala ako sa mga content ko ngayon... parang nanamlay bigla para seeds na kulang sa dilig. Ayaw magbunga ahaha. Stop muna ako siguro for the mean time. Baka naihagis ko na lahat ng paayuda…

@jhunpmelchor

@Blendz maraming salamat po sa ayuda. Kakabanggit ko lang na zero ang heart tips tapos may bigla pumasok...yun pala may generous person na naghagis ng ayuda. Maraming salamat po. Magandang umaga. God Bless.

@jhunpmelchor

Magtatanong nga lang po ako sa mga nagtransfer na ng fund from bitcoin.com to coins.ph wallet. May nakalagay po kasi sa coins.ph na please pay Php 0.10 to complete payment. Tapos may button for CANCEL and MARK AS PAID. Kailangan ko ba i-click yung mark as paid kahit hindi ko pa narereceive yun bch na ni-transfer ko? Para lang ba yun sa Php 0.10 para ma-proceed yung transaction? Thank you in advance po sa sasagot. Magandang tanghali po.

@jhunpmelchor

Nagulat na lang ako madilim na pala. Masyado ako nalibang manood sa youtube ng kmjs tungkol sa mga treausures and old artifacs na nahuhukay. Mahilig din kasi ako sa mga antiques kaya may mga old coins collection din ako. Paglingon ko sa likod ko madilim na pala ahaha. Patay pa kasi ang mga ilaw. Itong nasa tabi ng table ko lang na ring light ang nakabukas. Dati din mga 6pm maliwanag pa pero paglabas ko bukas na lahat ng ilaw sa poste at madilim na ahaha. Magandang gabi po sa…

@jhunpmelchor

Noisemates...another day almost over and it's time to say goodnight na din sa inyo. Pero bago ako magready matulog share ko pala itong bigay sa amin sa city hall kanina galing sa DAR...6k worth of voucher pambili ng fertilizer. Mali ang sabi ng aming farm tech na cheque daw ahaha. Aanhin ko ang 6k na pataba eh pagapas na ang palay. Sahod ulan lang kasi kami dito wala kasi irrigation kaya seasonal lang ang pagtanim. Sana naman kahit ibang agri product na lang tulad ng sprayer…

@jhunpmelchor

Happy weekend kaingays. Kaway kaway ang mga ginising ni Lord. Say a little prayer to give Him praise. Lord salamat po sa umagang ito na muli Mo akong ginising. Maraming salamat po na palaging Kang nariyan upang kami ay samahan. Maraming salamat po sa lahat ng pagpapala. Ilayo Mo po nawa kami sa lahat kapahamakan at patawad po sa aming mga pagkukulang. Amen. Magandang umaga po sa inyong lahat. Kamusta po kayo. Heto na naman po ako makikiingay na naman. Almusal po muna bago…

@jhunpmelchor

Bigla ko naisipan hagilapin ang aking lumang kaldero na gamit pa namin nung kahoy pa lang ang gamit kong panggatong. Parang nasa 3yrs old pa lang anak ko noon...23 na sya ngayon. Gumamit ako ng rice cooker nung medyo nagkaroon na ng pambili more than 15 yrs ago na yata. Nasira na kasi ang rice cooker ko kaya sa gas stove na ako nagsasalang ng sinaing. Masyado kasi manipis ang kaserola ng rice cooker kaya madaling masunog ang sinaing tulad nung post ko last week nandiyan sa…

@jhunpmelchor

Halos tanghaliin ako kakahintay na umalis ang truck na yan sa harap ng aking daan. Diyan na inabutan ng flat tire. Hinintay ko pa maikabit ang gulong bago ako nakaalis. Kasya naman ang tricycle ko sa isang gilid kaso malambot ang lupa don saka baka makasagi pa ako. Nakapamalengke na din ako kaya umpisahan ko na magluto. Salang ko na muna ang aking kanin saka na ang ulam. Tapos laba laba na din habang nagluluto. Kailangan multi tasking para makatapos agad. Magpapaligo pa pala…

@jhunpmelchor

Nakalimutan ko magyaya ng mirienda...gutom na kasi ako kanina kaya nalantakan agad. Pero pinicturan ko naman bago kainin. Sayang nga lang wala pa akong kanin pwede na sana ulam ahaha. Kakasalang ko pa lang kasi ng sinaing. Iisa kasi ang kalan kaya ang tagal magluto. Di tulad dati na nagagamit pa ang rice cooker kaso sira na nga. Intay ko lang mainin. Binabantayan ko na baka kasi masunog na naman. Di ko ginamit ang lumang kaldero kasi nung pakuluan ko muna ng tubig amoy…

@jhunpmelchor

Kanina nung namalengke ako bumili ako ng isang balot na siomai para may mirienda ako bukas. Mas mahal kasi kung bibili ng luto sa street food vendor. 20pesos 4pcs lang. Samantalang ang isang balot 50 pesos 30pcs yata. Tapos nagtanong ako ng siling labuyo kung magkano. 10 pesos daw isang balot nung binilang ko 5 pcs lang ang laman ng isang balot. Sobrang mahal na naman ng sili. Habang naglalaba... hindi pa po pala ako tapos ahaha. Nakita ko sa tanim kong sili na may dalawang…

@jhunpmelchor

Nagpapahinga at nanonood ako ng kmjs pagkatapos kong maglaba...tinawag ako ng kuya ko. Inabutan ako ng kamoteng kahoy. Isang piraso lang pero parang nasa 2 kls na ahaha. Dami ko pwedeng gawing miryenda bukas. May siomai pa sa ref. Pero baka ito muna lutuin ko bukas. Ang tagal ko na din hindi nakakain ng nilagang kamoteng kahoy. Parang kahapon nagtanong pa ako sa tindahan ng kakanin ng suman kamoteng kahoy buti na lang wala silang tinda kasi may magbibigay pala ngayon ahaha.…

@jhunpmelchor

Bagong update ng noise.cash. Kaya pala walang value sa content naka hide na yata. Saka ang icon bago na din. Bitcoin icon na sya. Secret na yata ngayon kung magkano ang value na matatanggap natin. Antok na din ako noisemates. It's time to say goodnight to everyone na. See you again tomorrow guys. Ingat po palagi. God Bless us all. Lord thank you again for all the blessings and for keeping us safe from sickness and all harm. Salamat po at palagi Kang nariyan at hindi Mo kami…

@jhunpmelchor

A Blessed Sunday to everyone. Lord thank you for waking me up again this morning. Thank you Lord for the gift of life and for giving me another chance to see this brand new day. Amen. Sobrang aga ko nagising kanina...mga 3:30am pero di na ko nakatulog kaya nagsilip lang dito para pusuan ang mga nasa notification ko pero ngayon ko lang naisipan magpost. Pagpindot ko kasi sa power button ng cp ko...itong wallpaper ko ang bumungad agad sa akin. Picture ng anak ko and yung oras.…

@jhunpmelchor

Naalala ko bigla...nung mga bata pa kami palagi kaming pinagbabawalan ng inang ko na wag kakain ng saging kapag umaga kasi daw sisikmurain. Sobrang paborito ko pa naman ang saging. Kaya nung nagbinata ako hindi mawawala ang saging tuwing kumakain ako pero hindi nga lang sa umaga. Kaya siguro hindi ako tinaghiyawat nung kabataan ko. Di ba wala naman unggoy na may pimples ahaha. Pero nitong magka-edad na ko hindi naman pala masama kumain ng saging sa umaga kasi healthy fruit…

@jhunpmelchor

Ready na po ako magsimba mga kaingays. Diyan po muna kayo ahaha. Dami ko selfie bago ako medyo may nagustuhan. Napaka awkward ng smile halatang pang camera lang ahahaha. Sige po baka ma late pa ako. Have a Blessed Sunday po sa lahat. Ingat po palagi.

@jhunpmelchor

Hello guys. Nakabalik na po ako galing simbahan. Pagdating ng bahay naningala agad ako sa puno ng bayabas. Di ko alam na marami palang bubuyog na nakadapo. Bigla lumabo ang paningin ko kasi nahulog pala ang salamin ko sa pagkabigla. Kinagat kasi ako ng putakte sa tenga ahahaha. Wild bees pala ang nakapaligid sa puno pero maliliit. Hapdi ng tenga ko ahaha. Dati sa puno lang sila ng mangga pero dahil walang bunga ang mangga sa bayabas pala sila nakatambay ngayon. Aabutin ko pa…

@jhunpmelchor

Sabay naluto ang tanghalian at mirienda... Tipid gas...yan ang madiskarteng pinoy. Tapos kinuhanan ng picture sabay post dito sa noise. Oh di ba daming pakinabang. Parang two birds in one stone. Parang 3 in 1 na din pala kasi kanin, mirienda at may content pa. Ulam na lang ang kulang...iniinit pa ahaha. Magandang tanghali po sa lahat. Enjoy your lunch.

@jhunpmelchor

Bigla akong inantok kanina matapos ko kayong ikutan at paPULAhan. Nakaidlip lang ako saglit tapos hinarap ko naman ang mga bagong post sa notification. Sana naman nadaanan ko kayong lahat pasensya sa hindi pa. Pero sana naman nabisita ko lahat. Maraming salamat po sa inyong lahat. Minsan guilty ako kapag may nag post ng ganito na wala ang mukha ko ahaha. Siguro minsan sa dami ng nagpopost natatabunan na kaya di ko nakikita. Halos lahat naman na kasi naka red bell na sa akin…

@jhunpmelchor

Magandang hapon noisemates and kamema. Mirienda po tayo. Heto na ang nilagang kamoteng kahoy na isinabay sa sinaing kaya may kaunting kanin na nakadikit. Baka kasi akala nyo niyog ahaha. Nilagyan ko na lang ng kaunting powdered milk hindi na asukal para hindi masyadong matamis. Samahan na din natin ng mainit na kape para sakto. Tara guys kape tayo.

@jhunpmelchor

Lumabas ako para kunan ang sunset or ang yellow hour...pero may dumating na kasing dilaw ng paglubog ng araw ahaha. Parang hindi na yata ako makakakain ng dinner...ramdam ko pa ang busog ko sa kamoteng kahoy. Dala ng pamangkin ko nabili daw nila sa pinuntahan kanina. Isang bilao daw pero wala daw pala yung mga kasama nila sa bahay. Kaya kesa mapanis dinalhan ako. Kaso nga kakamirienda ko lang ng kape at kamote. Mga 6pm ko na siguro kakainin yang pancit. Lagay ko na lang sa…

@jhunpmelchor

Antok na ko...ang aga ko kasing nagising kaninang madaling araw 3:30am. Pero gusto ko sana muna tapusin pusuan ang mga nasa notification ko. Pero para akong naglalaro ng woodstock kasi hindi ako makarating sa dulo. Palaging may pumapatong na bagong notification sa itaas ahaha. Tulad ngayon nag type lang ako meron uling bago. Yan lang po pala ang dinner ko ngayon. Hindi na ako nag rice. Pancit at kamoteng kahoy na lang kinain ko. Maiiba na kasi lasa ng pancit kung…

@jhunpmelchor

Good morning sunshine. Good morning kaingays. Happy Monday po sa lahat. New day....new beginning. Thank you Lord for waking me up again this morning. Amen. Kamusta madlang people. Kamusta ang mga gising? Sana all good mood at salubungin natin ang bagong araw na may ngiti. Almusal po muna bago ang mga gawain. Ingat po palagi. God Bless us all.

@jhunpmelchor

Noisemates may pupuntahan lang po ako saglit. May date kami ngayon ni JUDITH. Sinubukan ko sa online na lang sana kaso cannot be daw ahaha. Wag sana ako abutan ng tawag ng tanghalan sa daan. Kasi paggising ko kaninang umaga di okay ang tiyan ko. Ang naiisip ko dahilan baka yung pancit palabok na kinain ko kagabi. Pero nung kainin ko naman sya bandang 6pm okay naman wala naman amoy or hindi naman panis. Bigay sa akin mga 3pm tapos kinain ko 6pm. Di ko lang alam kung anong…

@jhunpmelchor

Nadaanan ko lang...hinintuan ko at kinunan ng picture. Tapos kumuha lang ako ng kaunting tuyong bulaklak para ibudbod ko sa harap ng bahay ko. Natutunan ko kasi sa kapatid ko na mahilig sa halaman na yung gitna pala ng bulaklak na yan ang parang seeds na tumutubo. Malago daw tuwing tag ulan at nalalanta kapag summer. Ang ganda kasi tignan lalo kung malago na. Magandang umaga po sa lahat. Ready na ba ang tanghalian? Sa akin po nakasalang pa lang. Haba kasi ng pila sa bayaran…

@jhunpmelchor

Mirienda time na po. Ito ulit ang mirienda ko. Yung tirang kamoteng kahoy kahapon. Hindi ko pa po naluto lahat. Malaki pa yung natira. Baka bukas ko naman ilaga yung half kasi malaki talaga yung binigay sa akin na kamote. Di ko talaga alam kung ito ang nagpahapdi ng tiyan ko kaninang paggising ko o yung pancit ahaha. Medyo ramdam ko pa kasi ang pangangasim ng tiyan ko. 3x na ako nag cr kanina pero okay na ngayon. Nagyaya magmiryenda pero kwentong cr ahaha. Tara po kape tayo…

@jhunpmelchor

Habang nasa labas ako para tignan ang sunset may ligaw na pusa na naman sa kabilang bahay. Na in love na naman ako sa kanya ahaha. Ang ganda ng kulay mukhang may breed. Malaki na kasi kaya wala akong planong ampunin. Baka kasi naligaw at may nagmamay-ari. Malinis at makinis hindi mukhang pusang kalye. Di tulad ng ampunin ko si cutee na sobrang dungis talaga. Mukhang mabait naman kaya lang marami na kasi akong alaga. Minsan din kasi may naghanap sa akin ng pusang nawawala…

@jhunpmelchor

Naalala ko ang bayabas na pinitas ko kanina...naisahan ko ang mga bubuyog. Pagabi na kasi nung pitasin ko wala na sila. Baka napagod at nagsiuwi na ahahaha. Kakainin ko sana kaya lang nakapag toothbrush na ko. Saka tatapusin ko lang din ang probinsyano at matutulog na ko. Siguro it's time to say goodnight na din. Nakakaantok kasi ang malamig ng panahon ngayon. Kaya kitakits na lang ulit bukas. Lord thank you po muli sa lahat ng blessings and for keeping us safe from sickness…

@jhunpmelchor

Magandang Martes ng umaga po sa lahat. Masayang muling paggising sa ating lahat. Salamat po Lord. Maganda po ang panahon ngayon. Marami ang makakatuyo na ng sampay tulad ko ahaha. May pupuntahan din ako mamaya sa bayan. Dumating na kasi ang moneyback cheque ko sa insurance... nagtxt na kahapon for pick up na. Pupuntahan ko sa ofc nila sa Cabanatuan. Diretso papalit ako ng cheque sa bank para may pang grocery agad. Para hindi din sayang ang byahe...mamimili na ako ng mga…

@jhunpmelchor

Selfie muna bago gumala ahaha. Puntahan ko lang po sa kabilang bayan ang moneyback cheque ko diretso SM City Cabanatuan. Papasukin sana ko kasi ang face shield Ko half face lang. Sabay grocery na din kapag naipalit ko ang cheque ko. Bigla ko naalala kailangan pala ang xerox ng id ko. Mabuti na lang nag content muna ko dito. Sige po ayusin ko lang yung dadalhin ko. Print na lang ako ng copy ng id ko. Sira kasi ang xerox machine ko. Magandang umaga po sa lahat. Ingat po…

@jhunpmelchor

I'm home. Pinalabas ako sa SM kanina dahil daw half face ang suot kong face shield bawal daw. Kaya bumili na lang ako sa labas. Pagbalik ko suot ko na pero pagpasok ko ang mga face shield ng halos nakakasalubong naging head band. Gusto ko sana kunan ng mga picture ang mga tao sa loob kaya lang baka naman mapansin eh mapaaway pa ako ahaha. Ang nakakabwisit lang. Papasuotin ka ng full face pero di naman nila pinapansin ang mga tao sa loob ba nasa ulo ang face shield. Sana pala…

@jhunpmelchor

Dahil sa chekeng ito nakakain ako sa labas. Once a year lang dumadating ang moneyback sa plan na kinuha ko. 4x ako makakatanggap ng moneyback....and pangatlo na ito. Next year yung last cheque. Kung itatanong nyo kung bakit meron money back sa st.peter.... depende po yun sa plan. Nataon na yung plan namin na kinuha ay napasama sa program ng st.peter na may pa moneyback pero hindi po lahat ng plan meron non. Nataon lang sa sakto sa timing yung plan namin. Malaking tulong din…

@jhunpmelchor

Bumalik yung magandang pusa. Malamang dumidisplay lang sa binata ko yan kasi tuwing ganitong oras sya dumadating. Bantay sarado naman yung dalaga ko. Di ko napansin na nasa ibabaw pala siya ng motor nung kinunan ko ng picture yang bobby ko. Yang black and white po ang alaga ko. Nag aabang naman sa labas ng bahay yung bisita ahaha.

@jhunpmelchor

Tinamad na akong magluto kanina kasi napagod ako sa byahe. Kaya nagprito na lang ako ng siomai para iulam. Dumpling chao fan na kaninang tanghali siomai rice naman ngayon ahaha. Tapos na po ako kumain bago ko nai share 'to ahaha. Antok na din po ako...tinapos ko lang ang probinsyano tapos matutulog na din po ako. Goodnight na po sa inyo. See you again tomorrow. Ingat po palagi. Lord thank you muli for everything and for keeping us safe from sickness and all harm. Amen.…

@jhunpmelchor

Everyday gising is a blessing. Thank you Lord for waking me up again this morning. Amen. Magandang umaga noisemates. Kanina pa po ako gising ng 5am. Namuso sa mga content pero tulog pa utak ko kaya di agad naka greet sa inyo ng magandang umaga kanina. Tinatamad pa din akong bumangon kahit nakasilip na si haring araw sa bintana ngayon. Ayaw ko pa magparamdam na gising na ko sa alaga ko...siguradong mag iingay kapag nakita ko ahaha. Painin muna ko ng konti dito sa…

@jhunpmelchor

Ang aga ko niluto ang aking mirienda para mamaya. Habang nakasalang sasabayan ko na maligo. Hindi din ako nakapagbabad sa higaan kanina kasi habang nakahiga may maagang kumatok sa bahay ko...magpapa rush id photo. Kaya nagawa ko na din ang ibang gawain ko. O sya po....makapaligo na para makapagbukas na ng tindahan. Baka masundan pa yung nagpalitrato kanina. Gagamitin kasi sa lending yun. Sa experience ko kasi...basta may nagpalitrato ng para sa lending nagsusunod sunod sila.…

@jhunpmelchor

Tara guys miryenda time na....sabayan ko tuloy ng kwento. Tumawag ang anak ko isasama daw sya ng kanyang boss sa Batangas hanggang Sunday. May Tuturuan daw ang anak ko sa logistics. Sinong boss ang tanong ko. Yung matandang babae daw. Hala ka baka may gusto sa 'yo sabi ko. Panay ang tawa pero joke ko lang naman yun ahaha. Marami naman daw sila hindi lang sya ang kasama ahaha. Di ba nakita nyo na ang anak ko...kasing guapo ko ahahaha.

@jhunpmelchor

Ang tilapya talaga hindi na masyado malasa kapag sobrang laki na. Mas masarap yung katamtamang laki lang. Sabi ko sa tindera na naglinis hatiin sa tatlo kaya lang hinati lang sa dalawa. Hindi ko tuloy naubos yang isang hiwa. Pandagdag na lang sa ulam ko mamaya ahaha. Magandang tanghali po sa lahat.

@jhunpmelchor

Binigyan ako ng nakikisaka sa lupa namin ng 25 kls na bigas. Masaya dahil may grasya. Pero nakakasama ng loob kasi ito lang ang natatanggap ko galing sa kanila. Hindi ako nagrereklamo dahil yung panganay na kapatid ko talaga ang kausap nila at kasama sa pagbubukid. Bale halos lahat ng parte sa kinita sa kapatid ko napupunta. Pero ang pataba at binhi na bigay ng gobyerno sa pangalan ko. Pero para wala lang kaming pag awayan ng kapatid ko hindi na lang ako kumikibo. Pero kung…

@jhunpmelchor

Due date ng internet ngayon. Lumabas ako para kunin ang share ng pamangkin ko at ng umuupa sa bahay nila. Ito ang nakita ko sobrang ganda. Ang ganda na naman ng sunset parang ipininta. Pero may hindi maganda sa pangyayari...kasi yung kahati namin sa pambayad sa internet nagpapaalam na. Lilipat na daw kasi sila ng pwesto sa tabi ng carwash shop sa kanto. Kaya ang mangyayari 2 na lang kami maghahati. Lalaki na ang babayaran ko monthly aguy...ahaha.

@jhunpmelchor

Nagulat ako kung bakit lumitaw yung value ng heart tip sa content ko....yun pala may isang generous person na nag send from her own wallet. @Pibyang27 thank you. And kay @Blendz na din po pala...last week pa ako nakareceived ng tip sa kanya pero di pa ko nakapag thank you. Thanks to both of you for your generosity. Mga kanoise thank you din sa mga support. Another day almost over na. Kaya sabayan ko na din mag goodnight dito. Matutulog na din kasi ako after ng probinsyano.…

@jhunpmelchor

Happy Thursday morning mga lodi. New day...new blessing sa ating lahat na ginising muli ni Lord. Be thankful everyday kasi hindi tayo pinapabayaan ni Lord. Maraming salamat po Lord sa pagbibigay ng pagkakataon na masilayan muli ang panibagong araw. At sana po ay bigyan Mo pa kami ng kalakasan ng katawan, malawak na pag iisip at mapang unawang damdamin upang ang lahat ng aming gagawin ay maging positibo at ang galit sa aming mga puso ay mapalitan ng pagmamahal at…

@jhunpmelchor

Naglinis ako ng cr tapos naligo agad. Pagkatapos ko maligo nararamdaman ko na ngayon pa lang ako pinagpapawisan. Basa pa ang buhok ko pero ramdam ko ang pawis ko sa noo at likod. Totoo pala yung nabasa ko kung ang mga swimmer eh pinagpapawisan din habang nasa swimming pool. Oo daw kasi napapagod din daw ang katawan nila kaya pag ahon naghahalo ang pawis sa basang katawan. Magandang morning mga kaibigan. Dadayo po ako saglit sa palengke. Wala na palang cat food. Di na aabot…

@jhunpmelchor

I'm back na mga kaingays. Nagsalang na muna ko ng sinaing bago tumambay dito. Wag sana makalimutan yung nakasalang baka maging uling na naman ang ilalim ahaha. Mai-share ko lang po. Na experience nyo na ba na ang laman ng notification eh iisang tao lang ahaha. Ang sipag nya mag content halos minutes lang ang pagitan. Pero di ko na po sharawout sabi nga ng vlogger ahaha. Pero advice ko lang po...okay lang maging active sa contents pero sayang lang. Alam nyo kung bakit? Base…

@jhunpmelchor

Ilang araw ng hindi umuulan dito sa amin kaya naisipan ko magdilig kasi may mga flower seeds akong inilagay sa garden plot ko na tumubo na. Mataas din ang araw kanina kaya nagdilig ako baka kasi mamatay yung mga bagong tubo na halaman. Pero wala pa yatang isang oras nung magdilig ako...bigla naman umulan ng malakas ahaha. Tagal ko pa naman binasa ang lupa uulan din pala. Sabagay hindi din sayang kasi nagbabayad ako ng minimum sa tubig pero hindi ko naman nakoconsume.…

@jhunpmelchor

Biglang brownout. Nanonood pa naman ako ng movie na walang english subtitles ahaha. Pinagtyatyagaan ko na nga kahit di ko maintindihan. Sa facial and body movements ko na nga lang binabasa para maintindihan ko nabrownout pa. Buti na lang maliwanag pa din sa labas kaya lang babagsak na ang ulan. Tapos pala yung isang powerbank na hindi ko naman ginamit nalowbat pala kasi yung usb hindi ko tinanggal. Akala ko basta hindi nakakabit sa wifi hindi madidischarge. Sabagay hindi…

@jhunpmelchor

Ito yung movie na kahit hindi ko naintindihan eh napaluha ako. Bukod kasi sa ewan kung anong language eh...pati yung subtitles kung anong hindi ko din kilalang character kaya sobrang napaiyak talaga ako. Halos dumugo ang utak ko para lang maintindihan ko yung movie ahahaha. A Dog Named Palma ang title. Hirap maghanap ng may english sub. Pero maganda ang istorya. Naintindihan ko naman kahit paano. At dahil sumakit ang ulo ko sa multi-task para maintindihan ang movie na…

@jhunpmelchor

Magandang umaga po mga kaibigan. Tinanghali ako ng gising kasi hindi naging maganda ang tulog ko...sumasakit kasi ang tuhod ko. Sinumpong ng rayuma ang tatang nyo ahaha. Pero sobrang pasalamat ko kay Lord dahil muli Niya akong ginising ngayong umaga. Kahit nag chill ako sa hindi ko maintindihang dahilan. Hindi naman ako nilalagnat at naka off naman ang electric fan. Basta nagising ako in the middle of the night na nanginginig sa ginaw. Mabuti na lang ngayong umaga nabawasan…

@jhunpmelchor

Pagkatapos ko pumuso sa mga content...check ko naman ang my post. Ngayon ko lang po ito napansin...pasensya po ahaha. Maraming salamat @SeannBlake for your generosity. Ang sarap sa pakiramdam na may nagbibigay galing sa kanilang own wallet. Sana marami ka pa ma-earn dito sa noise.cash @SeannBlake and sa iba pang pinagkakakitaan mo. More power. God Bless.

@jhunpmelchor

Hinatid ko sa pagawaan ang motor ko. Pinawisan ako sa pagtulak ahaha. Matagal na kasi di napapaandar...ayaw na mag start. Baka kasi lalo lumaki ang sira kapag na stuck up. Ginutom tuloy ako sa pagtutulak buti luto na ang ulam ko. Miswa na may atay balunbalunan, siomai at sitsaron baboy. Cholesterol na naman ahaha. Tara guys kain na tayo para makatambay sa pagawaan ng makita ko kung ano ang problema ng motor ko. Magandang tanghali po sa lahat.

@jhunpmelchor

Medyo kabado ako sa gagastusin ko sa repair ng motor ko yun pala hihingan lang ako ng isang boteng softdrinks nung mekaniko ahaha. Natinga lang pala yung karburador nilinis lang. Syempre mahihiya naman ako na softdrinks lang ibibigay ko. Binigyan ko din naman kahit pang mirienda nya mamaya. Alam nyo yung mekaniko na gumawa ngayon ng motor ko hindi pa ko tiwala dati. Naging judgmental ako akala mo kasi hindi marunong. Yung dating mekaniko na kasamahan nya dati lumipat na ng…

@jhunpmelchor

There is another person that I need to thank again because of his generosity. Thank you @SimonBolepar43 for your kindness. We really don't know each other but you are willing to share your blessing to anyone. More power to you and thank you very much. God Bless.

@jhunpmelchor

Ito po ang view kanina ng sunset nung isara ko ang bintana ng tindahan ko. Hindi ko agad naishare kasi nag prepare na ako ng dinner. Kakatapos ko lang po kumain kaya ngayon ko lang din naipost. After dinner nasilip ko ang mga post ko at meron na naman po nagbigay sa akin from her own wallet. Sobrang salamat po @KhetRoquid. Sobrang generous nyo po. More power po sa inyo. God Bless. Medyo nakakalimot ako. Mas dapat pala pasalamatan si noise.cash dahil kung wala ang platform na…

@jhunpmelchor

Ang alaga ko halatang busog na. Lahat sila mga tahimik na. Kaya ako inaantok na din. Medyo kulang kasi ang tulog ko kagabi kasi bigla akong nagising sa kalagitnaan ng tulog ko dahil sa ginaw. Nag chill ako bigla...akala ko magkakasakit ako buti na lang naging okay naman ako nung nagising ako kanina umaga. Kaya guys goodnight na po sa inyo. Kitakita na lang ulit bukas. Ingat po palagi. Lord thank you again for all the blessings and for keeping us safe. Amen. Goodnight…

@jhunpmelchor

5am pa lang gising na ako pero parang sobrang bigat ng katawan ko ayaw pa bumangon kaya hanggang ngayon nakahiga pa din ahaha. Happy weekend mga kaingay. Magandang umaga sa inyo. Kaway kaway ulit lahat ang ginising ni Lord. Huwag kalimutan nagpasalamat sa Kanya dahil every gising is always a blessing. Lord thank you for waking me up again this morning. Amen. Nakalibot na po ako kahit nakahiga pero sa laman lang ng notification ko ahaha. Nakapuso na tapos bitaw saglit sa…

@jhunpmelchor

May rider na inaantok. Hayaan ko muna sya jan sa ibabaw ng motor wag lang nya kutkutin ang upuan. Kasi yung sa tricycle nasira na nya. Magaspang kasi ang upuan ng tricycle ko kaya hilig nya pagkaskasan ng matutulis na kuko. Magbibilad po muna ako sa likod bahay...catching some vitamin D from the sun. Oh siya po...mahanapan ng pagtatalian ang duyan ko. Magandang umaga po sa lahat. Ingat po palagi.

@jhunpmelchor

Habang nililinis ko itong lugar na pagtatalian ko ng duyan...napag usapan namin ng gf ng kapatid ko na may ahas akong nakita dito. Pagkatapos non tumawid na yung babae sa kabilang ibayo. Pagtawid nya ng sapa napasigaw sya bigla. May ahas na tumawid sa sapa. Nasa tabi ko lang ang cp ko pero di ko nakunan ng litrato. Kapag nabigla ka talaga di mo na alam ang gagawin mo ahaha. Bigla ko tuloy naisuot ang bota ko for protection. Baka mamaya nasa likod na pala matapakan ko ng di…

@jhunpmelchor

Sasabihin ko pa lang sana na may walang kwentang pusang-ina ang nag-iwan na naman ng kanyang kuting sa kabilang kubo. Plano ko kunin bago sana ako maligo para ampunin. Bigla kong nadinig na umiiyak....hindi ko dala ang cp ko. Bubuksan ko sana ang pinto sa likod bahay para doon ako dumaan sa siwang ng bakod. Pero nakita ko na kagat kagat na ng magandang pusa na naipost ko lang this week na nasa labas ng bahay ko. Tinangay nya sa bubong yung kuting. Parang hindi naman sya ang…

@jhunpmelchor

Nagtataka ako kung bakit may kuting na ngumingiyaw sa gilid ng bahay ko. Ang alam ko nasa bubong yung isa na tinangay ng pusa. Sinilip ko sa bubong baka kako nahulog. Ang nakita ko hindi lang isa kundi tatlo sila sa bubong. Pero sinundan ko pa din yung iyak ng pusa sa gilid ng bahay ko. May nakita pa akong dalawa. Malamang nahulog sila galing bubong. Mukhang hindi naman nasaktan. Malakas pa silang dalawa. Malamang nga yung magandang pusa na tumangay sa isang kuting kanina…

@jhunpmelchor

Alam nyo yung feeling na mas excited pa ako kesa sa anak ko sa balita kung bakit isa sya sa napili ng kanilang boss na isama sa batangas for one on one interview with the big boss ahaha?! Tinanong ko kasi kung para sa promotion yun...parang assuming ako don ahaha. Sa department nila sya lang ang isinama. Nagkaroon sila ng training sa Batangas for 2 days...dito po sa Nueva Ecija ang ofc nila. At ngayong gabi nag chat ako kung nasa bahay na sya. Nag send sa akin ng picture na…

@jhunpmelchor

A Blessed rainy Sunday morning everyone. Every gising is always a blessing. Thank you Lord for waking me up again this morning. Thank you Lord for sending me a supportive and generous people here at noise.cash. Please bless them with good health and keep them safe always. Please include me and my son from your goodness oh Lord and keep us away from sickness and from all harm. Amen. Good morning mga kaingays. Isang mapagpalang umaga po sa lahat. Isang shout out po kay…

@jhunpmelchor

Have a Blessed Sunday to everyone. Mga kaingay sisimba po muna ako. Medyo aagahan ko na pumunta ng simbahan kasi meron po event na gaganapin. Ipapakilala na po ang aming bagong Parish Priest. Maglilipatan na po ang mga pari. Aalis na po sa Oct.30 ang dating pari. Kaya ngayong Linggo po ipapakilala ang papalit sa kanya. Yun lang po muna. Ingat po kayo palagi. God Bless.

@jhunpmelchor

Mga kaingay kamusta na?! Kakauwi lang po galing simbahan. Nakapagpagupit, nakapamalengke at nagmimiryenda na din po ngayon ahaha. Gutom na ko nung dumating ako ng bahay kaya kain agad ng puto na nabili ko kasabay ang kape. May nakasalang na din pala akong ulam na pinapalambot. Pero hahanguin ko muna para makapagsaing na. Iisa kasi ang kalan kaya dapat agahan ko magluto. Yun lang po muna...ubusin ko lang ang kape ko para makapag asikaso ng ng pananghalian. Magandang umaga po…

@jhunpmelchor

I'm sure nakakain na kayo...ako kasi hindi pa ahahaha... Pagkatapos kasi ng sinaing ko isinalang ko na ang nilagang buto buto kaso naubusan ng gas. To the rescue na naman ang kalan de uling. Buti na din lang na hindi pa ako gutom kasi nagmirienda ako ng kakanin kaninang 10:30am na yata. Hintayin ko lang maluto ang nilaga...kumpletos rekados naman na sya. Konting pakulo na lang at kakain na din ako. Magandang tanghali po sa inyo.

@jhunpmelchor

Tara guys kain na...sa tagal ng pakulo humiwalay na ang laman sa buto. Mapapasarap tuloy ang kain ko. Yung taba ng baka parang yung laman ng bone marrow. Patis lang ang katapat. Sayang lang at wala akong siling labuyo. Saka pala nakapagsalang na din ako ng adobong atay balunbalunan para sa alaga ko kesa masayang ang uling. Tara po bago tumigas ang sebo ahaha.

@jhunpmelchor

Sa lahat ng gulay isa ang sitaw sa hindi ko masyadong gusto at ang patola...nakakain ko ang sitaw kapag laga lang at isasawsaw sa buro o sa bagoong na may kalamansi at sili. Iadobo ko daw sabi ng kapatid ko. Ewan ko ba kung bakit ayaw ng dila ko ang lasa ng adobong sitaw. Pero kung alam ko lang na ngayon pala aani ng sitaw ang kapatid ko at bibigyan ako baka di muna sana ko nagnilagang baka. Late naman kasi magbigay kung kelan tapos na kumain...binigyan na nagreklamo pa…

@jhunpmelchor

Bago ako magdinner mag kwento muna ako. May isang churchmate ako na matagal ko ng kilala mula pa nung nag aaral pa yata. Halos may edad lang ng konti sa anak ko. Kilala kong moody ang batang ito at akala ko nagbago na dahil may work na sa city hall at medyo nasa edad naman na sya. Nag chat kahapon...nag reply naman ako tapos binalikan ko ang ginagawa ko. Nalimutan ko na may nag chat nga pala. Kumain kasi ako habang nood ng tv. So ayun po naalala ko mga 30 minutes yata or…

@jhunpmelchor

Magandang gabi kaingays...medyo nanakit ang ulo ko sa kwento ng anak ko. May nakita daw na naghahanap ng axie scholar sa fb at nag apply ang gf nya. Marami na daw kasi nag apply kaya napa apply na din si gf at nag submit ng resume. Tapos yung nagpasubmit ng resume ginamit ang info ni gf at gumawa ng fake facebook account gamit pati picture. Nagrerecruit ng axie scholar and naniningil ng 350 pesos daw and send to personal account gamit yung fake account. Mabuti na lang at…

@jhunpmelchor

Happy Monday morning guys. Lord thank you for this wonderful morning. Thank you for the sunlight that brightens my day. Thank you Lord for the chance to see the morning light and to feel the fresh air that touches my whole body. Amen. Kaway kaway po ulit ang mga ginising ni Lord. Wag po makalimot na magpasalamat sa Kanya. Sana po lahat good mood. Pero wag po sana lahat eh tinatamad pa bumangon tulad ko kanina. Kasi nagising ako ng 4am buti nakabalik ulit sa pagtulog. Tumayo…

@jhunpmelchor

Dahil sa nabasa ko about task...nag back read talaga ako sa notification para hanapin kung meron akong nareceived. Bago pala ako natulog kagabi nung dumating kaya di ko na nakita. So ayun po...pagkatapos ko i-click lumabas agad yung mga task na gagawin. Nung natapos ko ang task...may notification agad na in a short while daw isisend na nila ang reward na 2$. Pagkacheck ko sa wallet ko nandoon na agad. Gamit ko po pala ngayon ay laptop. Sa gumagamit po ng phone kung paano daw…

@jhunpmelchor

Mark this date 10-25-2021. Observation ko lang po ito ha?! Sa bagong update parang nararamdaman ko na aalisin ang heart tips. Baka ang papalit is yung rating na excellent or very bad. Maybe ang papairalin natin dito is honest opinion about the post. Pero sana wag ipakita yung ratings natin kasi nakakahiya naman kung ma-rate natin ng bad yung ibang post. Parang sa heart tips ngayon na hindi na natin alam kung magkano ang value. Malamang talagang pipigain na natin ang utak…

@jhunpmelchor

Nalulungkot ako tuwing makikita ko ang gumamela ko di nagtutuloy mag bloom. Pangalawang beses pa lang kasi namulaklak ng pulang gumamela ko. Talagang inaabangan ko ang pagbuka nya para makita kung gaano kaganda....pero nalalaglag lang. Hindi naman mukhang napaglaruan ng pusa ko. Hindi ko kasi alam kung yan yung makapuno o yung tulad ng nasa 2nd photo. May mga bagong flower buds pa sya...sana magtuloy na. Gusto ko mapuno ng bulaklak ang harap ng bahay ko para gumanda naman…

@jhunpmelchor

Yung sitaw na bigay ng kapatid ko kahapon inilagay ko na lang sa natirang nilagang butobuto ng baka. Naubos ko kasi ang repolyo kahapon. Parang mas sumarap pa ang lasa ng sabaw. Hindi ko na pag iisipan kung anong luto sa sitaw. Tinalbog ko na lang sa sabaw ahaha. Pero marami pa din natira na hindi pa naluto. Malamang ilaga ko na lang bukas para maisabay sa pritong isda. Tara po kain tayo. Magandang tanghali po sa lahat.

@jhunpmelchor

Nakunan pala ako ng picture sa church kahapon...di ko akalain na ganyan na pala ayos ng buhok ko sa ibang camera ahaha. Ang haba na pala ng buhok ko. Sa cp kasi di ko masyado pansin. Mabuti na lang pala diretso pagupit na ako kahapon bago umuwi. Bigla sipat tuloy ako sa salamin kung ano ayos ng buhok ko sa likod. Plano ko sana ibalik ang dating gupit ko na semi-kalbo kaso manipis na ang buhok ko...kaya barber's cut na lang ulit. Yung humiram ng camera lens ko ang kumuha ng…

@jhunpmelchor

May sumilip sa bintana ng tindahan ko...akala ko magpapaload. Tumayo naman ako agad kasi ang dinig ko paload po. Paglapit ko ansabeh kuya bili ka naman ng balot ahaha... Balot pala akala ko paload. Sanay na ko na laging nadidinig ang paload eh...kakaalis nga lang nung isang bata na nagpaload ahaha. Kaya ayan...sa halip ako ang nakabenta ng load...ako ba ang nabentahan ng balot ahaha. Sabagay years na din yata yung last na kumain ako ng balot. Wala pang pandemic ang tanda ko.…

@jhunpmelchor

Mga kaingays tamang nood lang ako sa youtube kaya ang aga kong inantok. Lumabas lang ako saglit para silipin yung mga kuting sa bubong. Naroon naman ang nanay ng mga kuting pero sa ibaba ko naririnig ang ngiyaw. Baka nahulog na naman ang mga kuting buti na lang hindi namamatay. Parang pababa yung nanay sa bubong baka isa isa na naman nya iaakyat ulit yung mga nahulog. Kung bakit nasa kubo na sila dinala pa sa bubong yung mga anak nya. Silipin ko na lang uli bukas kung nasa…

@jhunpmelchor

Bago ako matulog nasilip ko ang ating MEMA LANG PO channel....saktong 1000 na pala tayo dito. Happy 1k po sa atin kamema. Salamat po sa pag suporta sa channel. Sana dumami pa tayo dito. Pasensya na din po minsan kung delay sa pag approve sa new post. Minsan kasi di ko nakikita sa notification lalo kapag may iba akong ginagawa. Natatabunan sa dami ng notif ahaha. Yun lang po. Goodnight na sa lahat. Ingat po palagi. God Bless.

@jhunpmelchor

Everyday gising is really a great blessing. Thank you Lord for waking me up again this morning. Amen. I woke a minute before 5am and seen on my notification that there is a second task given to us by noise.cash. So I finished it right away. Then after that...an instant transfer of 2$ added to my wallet. This is really a big help. I can buy an almost 3kls of rice with this amount. Thank you noise.cash for giving us this opportunity and for making more updates to this…

@jhunpmelchor

Heto yung isang kuting na nahulog sa bubong. Hindi pa kinukuha ng ina pero may tatlo na sa itaas ng bubong. Nawawala yata yung isa. 5 sila dati bale 2 yung nahulog pero di ko nakita yung isa pa. Pinagtimpla ko ng gatas kaya lang wala akong dropper or feeding bottle papainumin ko sana. Nilagay ko sa takip ng ice cream yung gatas kaya lang hindi pa pala kayang uminom. Hindi pa din kasi nakakakita. Sarado pa ang mata. Ibinalik ko muna kung saan nahulog para makita nung ina.…

@jhunpmelchor

I found a feeding bottle for the kitten. Thank you @jheneey for this great idea. I will clean it before I use it to feed the kitten. I will remove first the spikes on the side of the bottle for the kitten won't get hurt while feeding. The mom still don't care with her baby but she's on the roof now with the other babies. Sana mapakain ko ang kuting using this bottle.

@jhunpmelchor

Miryenda guys...tara po kape tayo. Inaantok kasi ako kaya bigla ko naisipang magkape. Pero oras na din naman ng miryenda. Espasol na binili ko pa nung sunday ang katerno. Di na masyado kasing sarap nung bago....medyo matigas na kasi galing na sa ref. Nood lang ako halos sa online abs-cbn channel mula kanina. Nagsawa na din kaya sumilip muna dito. Pagkatapos ng post na 'to hanap ulit ako ng tagalog full movie...nood ulit. Di ko kasi alam kung ano magandang panoodin na english…

@jhunpmelchor

https://youtu.be/afDYPOiL5pY One of the best ever movies about dogs na napanood ko pero wala pa din syempre tatalo kay hachiko. Isa ito sa movie na nagpaantig ng puso ko. Kung gusto nyo mapanood nandiyan po sa itaas ang link. Kung medyo mahilig kayo sa drama...recommended ko po ang Man's best friend 2019 movie na yan. Habang nanonood pala napapak ko ang balot na nabili ko kahapon. Ininit ko lang kasi galing sa ref ahaha. Hindi ko nakain kahapon kasi dinner time na kaya…

@jhunpmelchor

Happy Wednesday mga kaingays. Magandang umaga po sa lahat. Tinanghali talaga ako ng gising ngayon...tirik na araw at maingay na din ang mga sasakyan na dumadaan. Napasarap ang tulog ko kasi malamig na talaga ang panahon. Thank you Lord for the good and cold weather. Thank you for the good sleep and for waking me up again today. Thank you Lord for the chance to continue life. Amen. Sobrang nakakatamad na talaga bumangon ngayon buti na lang wala akong work ahaha. Natuwa pa…

@jhunpmelchor

Hello po mga kaingays. Magandang umaga sa lahat. Punta po ako saglit sa palengke bibili lang ng cat food. Titingin na din ako ng feeding bottle para sa kuting kasi kawawa naman yung kuting na hawak ko nung isang araw. Hindi na kinuha ng ina parang nanghihina na sa gutom. Pati yata yung nasa bubong di na din binalikan. Tignan ko mamaya kung kaya ko akyatin para maibaba na. Baka mamatay silang lahat doon kasi tulad ngayon matindi ang sikat na araw. Baka matusta sila sa yero.…

@jhunpmelchor

Bicol express...my own version. First time ko nagluto ng bicol express. Sinubukan ko din ang coco mama gata. Hindi ako sure kung nakatipid ako sa lutong bahay o bumili na lang ako ng 50 pesos per order sa karinderya ahaha. Higit 300 pesos din ang nagastos ko pati sangkap. Sabagay ilang araw ko din ulam yan. Lagay ko sa container yung matitira tapos reheat na lang kapag kakain. Medyo late lunch na ko kasi nakasalang pa itong niluluto ko. Medyo papatuyuan ng bahagya para…

@jhunpmelchor

Sobrang antok ko habang nanonood ng mga videos about animal behavior and friendship with some other species. Nakakatuwa kasi panoodin. Magkaibang lahi pero magkasundo tulad ng manok at aso. Bigla may nagpagising sa natutulog kong diwa ahahaha. Dinalahan na naman ako ng pamangkin ko ng pancit. No special occasion daw bumili lang sila ahaha. Sana tuwing oras ng mirienda may padala ahaha. Ternohan ko na lang ng kape para magising ako ng tuluyan. Nakita ko na kasi yung 8 Below…

@jhunpmelchor

Kain guys...magandang gabi po sa lahat. Bicol express pa din po ulam ko. Marami pa natira baka 2 days ko pa uulamin. Pero bukas dagdagan ko pa ng sili kasi hindi masyado maanghang. Kakatapos ko lang manood ng movie...Silver Wolf 1999 movie. Napanood ko na pala ang 8 Below kaya naghanap ako ng iba. Tara guys kain muna habang nanonood ng balita.

@jhunpmelchor

Mukhang hindi sila mabubuhay kapag hindi na sila binalikan ng pusang ina nila. Ayaw inumin yung gatas na pinapadede ko sa kanila. Mukhang hinang-hina na din. Yung gray na kuting nilalangaw na kanina kahit buhay pa. Wala na yung ibang nasa bubong. Di ko alam kung saan na napunta. Pero dalawa narito sa akin. Ewan lang bukas paggising ko kung buhay pa sila kasi hindi pa talaga sila nakakain. Sige na po noisemates goodnight na din po sa lahat. Nood lang ako ng probinsyano tapos…

@jhunpmelchor

Maaliwalas na Huwebes ng umaga po sa lahat. Lord maraming salamat po sa bagong umaga. Maraming salamat po sa haplos ng hangin na aking nadarama. Maraming salamat po Lord sa sinag ng araw na sa palagid ay nagpapaganda. Sana po sa araw na ito ay basbasan Mo ng pagpapala ang lahat ng naririto. At bigyan ng positibong pananaw sa mga panahon na kami ay pinanghihinaan na ng loob dahil sa pagbabago ng mundo. Imulat Mo po Lord ang aming mga mata ng makita namin na sa kabila ng mga…

@jhunpmelchor

Mula ipinasok ko dito sa bahay ang dalawang kuting na 'to...mula pa kaninang paggising ko hindi ko pa nakikita ang dalawang pusang alaga ko. Dati kapag naramdaman na nilang gising na ako nakaabang na sila sa pinto para humingi ng pagkain. Nagseselos kaya? Baka akala plano ko na silang ipagpalit ahahaha. Magtatanghali na di ko pa sila nakikita. Plano ko din alagaan ang mga kuting na 'to kung mabubuhay. Wala kasi yung nagtangay nito dito sa bubong ko hindi na bumalik.…

@jhunpmelchor

Buti may nakita akong nagpost ng nagpa vaccine. Bigla ko hinanap yung vaccine card ko. Bukas na pala ang second dose ko. Di ko pa alam kung anong oras pupunta. Kung per baranggay kaya o any time na. Kasi yung first dose ko gabi na inabot kasi per brgy kami. Sana pwede na sa umaga pumunta. Ang hirap kasi sa gabi aabutan ka talaga ng gutom kung ang start 5pm lang. Alanganin mag dinner kasi syempre mas maaga pa sa 5pm ang pagpila para hindi mapunta sa dulo. Magandang hapon po…

@jhunpmelchor

Nung napadaan ako sa office na pinagtatrabahohan ng gf ng anak 2 wks ago para ihatid ang gifts ko para sa anak ko... Humingi ako ng halaman. Snake plant din yata yan pero maliliit sya di tulad nung parang espada. Nung bunutin ko nanghinayang ako kasi nahiwalay sa ugat ang mga dahon. Sabi sa akin ng gf ng anak ko pwede pa itanim kahit dahon lang. Kaya pansamantala ibinabad ko sa tubig sa isang maliit na garapon. Pero konti lang ang tubig. Kanina nung tignan ko may ugat na.…

@jhunpmelchor

Bigla akong nakapag isip-isip....tama nga yung sabi sa comment sa isang post ko ng isang follower. Inuuna daw nya yung mga pumuso sa kanya bago ang nasa notification. Hindi nga naman lahat ng nasa notification eh nasa puso mo. Saka mas madali nga pala magbalik ng sukli. Mas marami minsan ang laman ng notification kesa sa bilang ng nasa puso. Kaya siguro try ko na basta may time...iisa-isahin ko na kayo. Maraming salamat guys sa suporta. Lord maraming salamat po para sa mga…

@jhunpmelchor

Good morning everyone. TGIF na....Lord thank you po sa bagong umaga. Maraming salamat po sa muling pagmulat ng aking mga mata. Salamat po sa maraming pagkakataon na ipagpatuloy ang buhay. Nawa po ang araw na ito ay magbigay ng saya at positibong pananaw sa bawat isa. panatilihin Mo po sana na palagi kaming ligtas sa lahat ng kapahamakan at anumang karamdaman. Amen. Magandang umaga po mga kaingay. Shout out po kay @Pibyang27 na nagbigay galing sa sariling wallet. Thank you…

@jhunpmelchor

Bago ako gumayak papunta sa vaccination center pinilit ko muna mapainom ng gatas ang kuting na 'to. Hindi na nakatagal yung kasama nito. Nung tignan ko hindi na gumagalaw. Baka yung isang nasa bubong wala na din kasi hindi ko na nadidinig. Hindi talaga mapainom ng gatas. Medyo nanghihina na din sya. Di ko alam baka pagbalik ko mamaya kung buhay pa yan. Sige po mga kaibigan...yun lang. Gagayak na din ako baka kasi marami ng tao sa vaccination center. Magandang umaga po sa…

@jhunpmelchor

#Pfizer #2ndDose I'm back and fully vaccinated. Sobrang late na sa tanghalian kaya having this kind of food.... Pantawid gutom lang muna. Kakasalang pa lang kasi ng sinaing ko. Bale mamaya mirienda na lang ako kakain ng kanin ahaha. Magandang hapon po sa inyo. Medyo napasabak sa mahabang pila. Akala ko konti lang kasi working day pa. Yun pala maaga pa marami na nakapila. Tara guys kain muna. Ingats.

@jhunpmelchor

Sino po naka converge sa inyo...? Halos maghapon wala kami internet connection. Magkakaroon saglit tapos mawawala. Halos tumambay na lang ako sa gilid kalsada para malibang. Saka pala yung vaccine ko kanina...naramdaman ko naman nung itusok pero pag uwi ko wala naman kahit kapatak na dugo sa bulak at wala rin ako nararamdaman ngayon na kirot na tulad nung una. Kahit hampasin ko ang braso ko wala din sakit. Dati parang bugbog na makanti lang eh masakit. Pero ngayon wala lang…

@jhunpmelchor

Kanina nakita ko ang kapatid ko bitbit ang kuting na ito...yung nasa ibabaw. Dalawa po yan mukha lang nag iisa ahaha. Yung nasa ilalim ang pinapadede ko sa bote. Dadalhin sa bukid para kunin ng pusang ina ahaha. Nandoon daw kasi sa may kubo. Pero sabi ko iwan na lang sa akin at subukan ko din painumin ng gatas. Malamang mabubuhay ko yan kasi marunong dumede sa bote. Pero yung batik na orange and white hirap talaga uminom ng gatas. Ang inam lang tahimik silang dalawa ngayon…

@jhunpmelchor

Happy weekend everyone. Magandang umaga po sa lahat. Lord thank you for this brand new day. Napuyat ako mga kaingay sa kuting na yan. Walang tigil na ngiyaw sa magdamag. Kaya pala plano dalhin ng kapatid ko sa bukid kahapon. Ang liit pero kalakas ng boses. Kaya mataas na ang araw parang ayaw ko pa bumangon. Ang bigat pa naman ng katawan ko dahil sa vaccine. Makapag almusal na po muna at mapadede yung kuting. Baka gutom na kaya ayaw tumigil kakangiyaw. Magandang umaga po sa…

@jhunpmelchor

Miryenda time...pero medyo late yata ako ahaha. Galing po ako ng palengke kanina bumili ng pandesal kaya nakabili na din ako ng kakanin. Araw ng laba ko nga din pala ngayon pero mabigat ang epekto ng bakuna. Di tulad sa 1st dose ko na parang sinipag pa akong magtrabaho. Hindi naman parang lalagnatin ako. Medyo nanakit lang ang muscles ko ngayon. Hindi masakit yung bakuna ng 2nd dose pero mabigat nga pala sa katawan. Kaya pahinga muna ako ngayon. Bukas na lang pagkasimba…

@jhunpmelchor

Bumili na ko ng bagong bomba ng gulong. Kasi tuwing lumalambot ang gulong ng tricycle o ng bisikleta ko nagbabayad ako ng 5 pesos sa pahangin. Buti na lang malapit lang ang vulcanizing shop. Pero malapit na lumipat ng ibang pwesto yung katabing vulcanizing shop dito. Kapag malambot ang gulong mahirap magtulak kung malayo ang shop. Kaya mainam na din siguro na meron akong sarili. Ang bili ko nito sa hardware 250php. Natawaran pa yun ng sampu....260 dapat. Tumingin ako sa…

@jhunpmelchor

Magandang hapon noisemates. Sad to say that the 2 kittens did not survive. This is the only one left. But I will try to give this kitten a milk as long as this little creature still alive. Ito ang namuyat sa akin kagabi. Talagang walang hinto ang kanyang miyaw. Medyo mabigat pa naman ang pakiramdam ko ngayon dahil sa vaccine. Kung kelan sana mas kailangan matulog ako ng maaga para makapahinga pero talagang ang lakas ng iyak nya. Pero ngayon tahimik lang sya. Mamaya konti…