read.cash Log in
@jhuls

Hustisya para sa Pamilya Gregorio

Bumungad na balita sa akin. Nakakalungkot. Nakakapanginig. Kinikilabutan ako sa suspek at sa kanyang anak. Nakakaawa. Napanood ko ang kabuuang video ng pagpatay sa mag-ina. Grabe! ganun na lang ba kadaling pumatay ng tao? Sa katirikan ng araw? Sa harap ng kanyang anak? Ang pulis ay tungkuling protektahan ang mga mamamayan. Ngunit paanong nangyari na ang pulis ay naging isang mamamatay tao? Sana mabigyan ito ng mas maagang hustisya dahil saksi ang lahat. May pagkakamali man ang mga pinaslang ngunit hindi tama na kunin na lamang ng ganon ang kanilang mga buhay. #RIP #JUSTICE #StopthekillingPH

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.