Paghihirap na dulot ng Pandemya (CoVid)
Ang Pilipinas ay isang bansang may masayahin at masisipag na mamamayan.Isang bansang tahimik at payapa hindi man lubos na mayaman sa finansiyal mayaman naman sa likas na yaman at sa mamamayan. Sa kasamang palad ang bansang ito ay isa sa mga labis na apektuhan ng pandemyang kailan lang ay biglang sumulpot at winasak ang tahimik na pamumuhay ng mamamayan hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Ang dating tahimik at payapang bansa ay bigla na lamang nagimbal.Ang dating simpleng pamumuhay ng mamamayan ay bigla na lamang napunta sa kawalan. Napakasakit isipin na ang dating isang kahig isang tuka ng ibang pamilya noon ay naging mas malala pa ngayon. Dagdagan pa ng mga kurap na politiko na ultimong kakarampot na bigay ng Gobyerno sa mamamayan upang may pampalipas man lang ng gutom sa gitna ng crisis ay pilit pa nilang kinakamkam.Nasan kaya ang hustisya para sating mahihirap na mamamayan. Tahimik at payapang bansa kaya natin ay mababalik pa sa nakaraan o mananatili na lamang nakalugmok sa pandemyang kinatatakutan ng karamihan.
2 comments
Sobrang hirap talaga. Dagdagan pa ng threat ng virus
Hindi deserve na kahit sinong pilipino na maranasan ang dobleng hirap ng pandemya dahil sa mabagal na pamamalakad ng gobyerno at sa pagnanakaw ng pera ng bayan. Nakakalungkot isipin ngunit kailangan nating magpakatatag at magtulungan