Ang Tunay Na Kaibigan Hindi Ka Kailanman Kalilimutan
Ang tunay na kaibigan sila yung mga taong hindi ka iiwanan sa mga panahong wala ka ng makapitan.Sila yung mga taong pilit kang iaangat sa mga panahong lugmok na lugmok ka na. Ang malaking tanong mayroon pa kayang ganyan. Mayroon akong kaibigan noon para sakin siya ang pinakamalapit kong kaibigan hindi lang dahil siya ang palagi kong kasama kundi siya din ang pinakamatagal kong kaibigan.Siya yung tipong sinasamahan ako sa mga lakad ko,pinupuntahan ako sa bahay ipapaalam ako sa lola ko para isama sa paggala at ihhatid din ako pagkatapos. Sa sobra naming pagiging malapit palagi kaming tinutukso dahil nga sa lalaki siya at babae ako. Sabi nila baka balang araw kami daw ang magkatuluyan sabi ko naman magkaibigan lang kami hanggang doon lang yun kasi nga para sakin ang kaibigan ay kaibigan lang. Hanggang sa dumating yung araw na kailangan na naming maghiwalay kasi nga graduation nya na at ako maiiwan ng mag-isa kailangan nya ng maghanap ng trabaho kasi nga sya lang inaasahan ng pamilya nya. Noong una tuwing uuwi sya at magbabakasyon palagi nya akong sinasadya sa bahay hindi sya nakakalimot pero dumating yung panahon na umuuwi sya hindi man lang nagpapakita ni magreply sa mga text ko hindi nya na ginagawa. Masakit kasi nga mahal ko ang kaibigan ko. Wala akong tigil sa pangangamusta kahit seen lang ako sa kanya. Isang araw nakita ko nalang sa social media na may girlfriend na sya pero ayos lang kasi nga handa akong supurtahan sya sa lahat ng ikaliligaya nya. Ang masakit lang talaga mukhang ako'y kinalimutan na talaga.Lumipas yung ilang buwan wala man lang paramdam. Dumating na din yung panahong halos pakiramdam ko iniwan at itinakwil na ako ng lahat yung tipong sya nalang ang inaasahan kong dadamay sakin pero wala. Buti nalang at may mga kaibigan pa akong dumamay sakin na sana'y sya ang gumawa pero hindi na ako umasa inisip ko nalang na siguro hindi talaga kami itinakdang maging magkaibigan ng pang habang buhay ang lahat siguro ng pinasamahan namin ay dapat ko ng kalimutan dahil ito ay bahagi nalang ng nakaraan na dapat ng kalimutan.
4 comments
Nararamdaman ko yung sakit na nararamdaman mo. Masakit talaga mawalan ng kaibigan lalo na't matagal kayong nagsama. Pero ganun talaga. Lahat tayo nagbabago at nakakalimot. Isipin mo na may darating pang iba na mas tatanggapin at papahalagahn ka. Hindi sya kawalan sayo.
Oo nga po eh pero hanggang ngayon masakit pa din tagal na kasi naming magkaibigan
Im proud to say that I have a lots of friends 😍🥰
Me too pero iilan lang ang tunay