Good morning mga ka noise. Lord, ang lungkot na po. Ang daming nawawala ng bigla na lang. Nang dahil sa COVID na yan, Lahat sila nawawala isa isa. Yung mga Facebook Photo halos lahat na naka Kandila na picture. Araw-araw marami ka makikita sa facebook ng condolences. Yung puso at isip namin punong puno na ng takot. Para sa sarili, sa pamilya mga kaibigan. Alam po namin Lord na may dahilan ang lahat ng ito. Kahit anong pag iingat namin kung ito ang kuwento sa pahina ng mundo nmin ipinapaubaya po namin ito sa inyo. Hindi po namin alam ano ang nais nyo ipaintindi sa amin pero Lord kami ay buong pusong nananalangin at nagtitiwala sa inyo na sana po lahat ng ito ay matapos na. Ang mga bata, hindi na nkaranas pumasok sa paaralan. Ang dating masayang mga lugar, unti unti ng nagiging matamlay. Ang daming nagbago, ang daming nahihirapan Lord, bigyan mo kami ng lakas ng loob, maging matapang, harapin ang araw araw na buhay kahit napakahirap. Isasapuso namin na anu man ang nangyayari sa ngayon, lahat ito ay may katapusan at dadating ang panahon na pagising namin, ang lahat ay katulad na ulit ng dati. Kung saan walang pangamba,takot at pighati.. 🙏🙏🙏 PATNUBAYAN NIYO KAMI LORD God Bless and keepsafe po to all.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet