Liham para kay Mama

7 10
Avatar for jasglaybam
2 years ago

Hello, Ma. July 15 ngayon, natapos na ang birthday at binyag ni Saoirse kahapon. Di kayo mawala sa isip ko at how I wished na sana kasama kita sa mahalagang okasyon na'to sa buhay ng apo mo.

Patawarin mo ako kung di ako sumulat sa'yo. Una, kelangan ko lakihan mga sulat ko at alam mo'ng medyo mahirap gawin para sa'kin yun.

Ma, sana mapatawad mo ako kung hindi tayo magkasama. Ilang taon na ba'ng di tayo nagkita? Sabi ni Manang ayaw mo daw maligo at palagi mo sinasayang ang mga pagkain. Alam ko medyo mahirap na ang maligo sa edad n'yo lalo na kung tag-ulan, pero sana tandaan n'yo na mahalaga ang kalinisan sa katawan. At sana pahalagahan ninyo ang bawat biyayang meron kayo, dugot at pawis ang katumbas ng mga yan liban sa may mga taong nagugutom. Mapalad parin po tayo.

Sana malaman mo na hindi ko nakakalimutan ang mga pangako ko sa'yo. Patawarin mo po ako kung wala pa ako'ng suporta'ng napapadala. Sana may lakas ako'ng alagaan ang mga anak ko at magtrabaho at the same time. Sana si Wonderwoman ako. Kasi kung ako man si Wonderwoman ay matagal ninyo ako'ng nakita at nakasama.

Huwag ka sana mawalan ng pag-asa at higit sa lahat, sana mawala ang galit ninyo sa mundo. Di na kailanman mababago ang nakaraan, matuto sana tayo'ng maglet go at patawarin ang ating mga sarili.

Alam ko mahirap tanggapin na hindi na kayo makakakanta uli. Narinig ko ang kanta'ng "You Made Me Live Again". Parang kinurot ang puso ko at di ko napigila'ng mapaluha. Ganun kaganda ang boses mo nung kaya mo pang magvideoke.

Gustong-gusto ko na uli marinig ang pagkanta mo. Kung pwede ko lang i-record ang boses mo galing sa memory ko ay gagawin ko. Kaya lang, meron ba nun?

I hope you know I tried my best to help you, pero kailangan mo rin tulungan ang sarili mo. Nalulungkot lang ako kasi I didn't want to give up on you, but you did it to yourself. Hanggang ngayon, umaasa pa'rin ako na may magbabago. Pero paano?

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko para makita ka. Sadyang napakahirap ngayon ang sumugal dahil sa kaligtasan ng mga anak ko. Kailan kaya tayo muling magkikita? Paano ngayo'ng wala akong malaki-laking pagkakakitaan at may pandemya pa?

Sana bigyan ka pa ng Diyos ng mahaba-habang buhay para magreunion tayo pagkatapos ng Covid na 'to. At biyayayaan din sana ako ng Diyos ng magandang kalusugan at mahabang buhay na rin para sa inyo'ng mga mahal ko.

Iniisip kita araw-araw ng may pagaalala. May kinakain ka pa kaya? Sino ang kumakausap sa'yo? Gutom ka ba? May gusto ka ba'ng kainin? May dinadamdam ka ba? Malungkot ka ba?

May mga pagkukulang ako, oo, at sana may chance pa ako'ng ipakita sa'yo na mahal na mahal kita. Kahit nahahighblood ako sa kakulitan mo Ma.

I miss and love you Ma.

I hope I don't need to apologize for pouring my heart out.

Thank you to my sponsors, for the upvotes and likes, and for the visitors of this page.

Sponsors of jasglaybam
empty
empty
empty

3
$ 0.51
$ 0.35 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @FarmGirl
$ 0.03 from @Expelliarmus30
+ 1
Sponsors of jasglaybam
empty
empty
empty
Avatar for jasglaybam
2 years ago

Comments

Ang sad naman neto pero punong puno ng pag-asa pa rin. Pray lagi at wag mawalan ng pag-asa.

$ 0.00
2 years ago

Yes but I still hope:) Thanks for the upvote.

$ 0.00
2 years ago

That's the spirit!

$ 0.00
2 years ago

Ang heavy sa heart 😪 you can call her though? Hope okay sya...

$ 0.00
2 years ago

Yes I can but di ko sya maintindihan, nung nastroke sya yung pinakanaapektohan yung bibig nya. It was so hard to find a PT in Iligan. I wanted a therapy for her but ewan ko ba sa kanila. Kaya nga dati OT ako ng OT para makapagpadala ng extra. Hay...

$ 0.00
2 years ago

Ahh, sorry to hear. Hoping she will recover. Need lang talaga care

$ 0.00
2 years ago

Hopefully po, thank you.

$ 0.00
2 years ago