Tanging Hiling
Karaniwang hinihiling Ng taong mapaghambing Ay magkaroon ng yaman Na hindi nauubos kailan man Ang iba naman ay kalusugan Upang siguro ay hindi muna makita si kamatayan Dahil hindi pa nila nasusulit ang kabataan Dahil hindi pa maiwan ang kasintahan Ako'y nagtanong ng paulit-ulit Ang saking isipan ay gumuguhit Bakit kaya hindi ko mapilit Isipin ang aking pangarap kahit ilang pihit Bagkus ay wala nga talaga akong pangarap Dahil ba ako'y mapagpanggap? Batid kong ako'y nasa alapaap Yun pala sarili ay hinahanap Naparito't naparoon Ang kasagutan ay meron Meron akong pag-asang bumangon Mula sa kalungkutan kong nakakulong sa kahon Sarili ay di matagpuan Kahit sino man ay lapitan Walang maibigay na kasagutan Sa napakahirap na katanungan Ano nga ba ang tangi kong hiling? Ang pamilya'y muling makapiling? Ang kasintahang muling iibigin? O sarili muna ang iisipin?
No comments yet