Sila Noon, Tayo Ngayon

0 11
Avatar for jameyka
3 years ago

Kamusta na sila, sila na nauna kesa sa atin.Kamusta na sila, sila na unang umangkin at nagpahalaga. Sila na unang yumakap at nag ingat.

Dama ang kapayapaan sa paligid. Hindi mababakas ang takot na unti-unting umuusbong kasabay ng pagyaman ng panahon, na bagamat maituturing ito na isang tagumpay ng lahat, ay may bunga ng pagwasak.

Pano nga ba nila minahal ang mundo noon, kumpara sa pagmamahal na meron Tayo ngayon?

Masasabi mo ba sa iyong sarili kung saan ka nabibilang?

Masasabi mo ba sa iyong sarili kung lubos na pagpapahalaga at pag iingat ang iyong ibinigay? Na bagamat minahal tayong lubos ng mundo ay pagkawasak ang ating sukli!

Nais kung buksan nating buo ang ating kaisipan.

Na kapag di pa din tayo nagbago at natuto, alam mo na ang kahahantungan. Kaya minsan mapapaisip ka na lamang. Pano na kaya sa mga susunod pang taon? Anong buhay meron ang magiging anak ko, o magiging apo at apo sa tuhod at sa mga susunod pang henerasyon? May sariwang hangin pa kaya silang dadamhin? May malinis na ilog o dagat pa kayang lalanguyin? May malinis na kapaligiran pa kayang tatanawin?

Kapatid, kapamilya o kapuso ka man,

ngayon pa lang ay mag isip kana. Hindi pa huli ang lahat upang buohing muli ang nasimula nang dating pagpalahalaga. Malawak na pang unawa, at pagmamahal sa mundo ay muli mong ipadama.

2
$ 0.00

Comments