Minsan Pa Nga

0 10
Avatar for jameyka
3 years ago

(Faith❣️)

Minsan o madalas pa nga, may mga bagay tayo na gustuhin mo natin ay hindi kailanman mapapa sa atin.. o maaring hindi agad makukuha. Sabi nila kailangan lang daw ng sipag at tyaga, yong tipong kahit nagsusumikap kana ng husto ay wala pa din hanggang sa umabot kana sa puntong panghihinaan ka nalang at mawawalan ng tiwala sa sariling kakayanin pa ang lahat.

Madadapa at babangon ulit. Likas na satin ang bumabangon at magiging matapang sa mga panibagong yugto ng buhay bitbit ang mga karanasang pinagdaanan na syang higit na magpapatibay sa pagkatao mo upang ikaw ay higit ng mas matatag at matalino sa mga pipiliing sunod na hakbang. Pero minsan sa kabilang banda may mga taong lubos na nawalan ng pananalig sa itaas at nagpakalugmok na lang sa kanilang pinagdadaanang sitwasyon. Na kung saan mas pipiliin wakasan ang lahat upang matakasan ang dapat takasan. Mga taong duwag na nagpapatalo sa mga problemang likas na kakabit na ng tao. Na imbes na harapin at solusyunan ay pinipiling takasan. Hanggang kelan ka tatakas? Hanggang kelan ka magtatago? Hindi ka makakausad sa panibagong pahina kung palagi kang hinahabol na yong nakaraan.

Sa kabilang banda tagumpay ay bitbit at ngiti ng mga taong nagwagi. Mga nagtagumpay sa pagsubok at di nagpatalo. Mga taong tinatawanan na lang ang nangyari sapagkat ito ay magiging isang bahagi na lang ng historya na kanila buhay.

Kaya kung sa akala mong walang PAG-ASAng tinatawag, nagkakamali ka. Ikaw ang gumagawa ng sarili mong pag-asa. Hanggat ikaw buhay nasa kamay mo lang ang pag-asa kung paanong magsisimulang lumaban ulit at manalo na sa wakas. Kagaya ko ako yong taong minsan pa ngang nadapa at bumangon ulit. Dala ang tapang at pagsusumikap na magwagi. Ako yong minsan pa ngang halimbawa na nagtagumpay sa pagsubok ng buhay at minsan pa ngang naghihikayat na buksan mong buo ang yong sarili sa mga bagay na positibo at higit na manalig sa kanya upang ikaw ay gabayan sa daang iyong tatahakin.

1
$ 0.00
Avatar for jameyka
3 years ago

Comments