read.cash Log in
j@jamesmoren11 more from that month

Stop Killing PH (Tagalog)

**"Kapayapaan Ang Nais Makamtan"** Sa bawat paglalakbay ay makakasumpong tayo ng kapayapaan at minsan ay kaguluhan. Sa kabilang banda ay tanging pag-asa lang ang makakamtan lalong-lalo na sa lipunang kinabibilangan. Ngunit ito'y minsan ang rason kung bakit maraming hindi naka-aalam at nakakaintindi ng mga sigalot na nangyayari sa iba't ibang kapuluan. Masaya na ang karamihan sa larong nakikita tulad ng Mobile Legend at Call of Duty. Maihahalintulad ito sa bansang ating sinilanganan na kung saan puro kaguluhan at kapaitan. Madali para sa iba na ipag-sawalang bahala ang kalagayan ng bayan basta hindi sila naapektuhan. Ang kapayapaan ay kalayaan mula sa gulo o tahimik at kapanatagan. Ngunit batid nating lahat na may kaguluhang nangyayari pa rin sa ating bansa katulad ng krimen, kapwa Pilipino ang nagsasagupaan, at may ilan pang karahasan. Matatandaan nating kamakailan ay may nabalitaan tayong dahas na nangyari sa ating bansa, ito ay ang pinatay ng pulis ang kapwa n'ya Pilipino. Nangyari ang bagay na ito sa pamamagitan lang ng simpleng problema na kayang-kaya pa ayusin. Sa kabila ng lahat ay tinapos nalang ang buhay ng kapuwa n'ya. Hindi masasabing makatarungan dahil ginamit niya ang kanyang posisyon sa hindi tama.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.