Negosyong patok sa pandemic days
Nais ko lang ibahagi sa inyo ang aking ginawang paraan para kumita kahit nasa bahay lang ako . Ngayong panahon ng pandemic at kasalukuyang nasa ECQ , wala tayong income,nasa bahay lang tayo at nag aantay ng mga ayudang darating kaya naman nag isip ako ng mga maaring alternatibong paraan upang matugunan ang aming pangangailangan.at napakalaking tulong ng youtube sa akin.Naghabap ako sa youtube ng maaring kong ibenta at nakita ko nga ang isang napakapatok na negosto POWDERED LETCHE PLAN 3 ingredients lng mga ka read.cash ingredients: 4 pcs. egg 1 condensed milk 1 pouch powdered milk (alaska or bearbrand pwde) intruction: batihin ang itlog kasama ang puti. ihalo ang powdered milk .tunawin muna ang powdered milk kasama ang itlog bago ilagay ang condensed milk. tpos ay pwede mo na ito ilagay sa llanera at takpan ng foil. isalang sa medium heat at ito na maari ka ng mg benta ng letche plan sa murang puhunan
costing 4pcs itlog( 6pesos each ) - 24 condensed milk -35 powdered milk - 10 total = 69.00 lng puhunan sa halagang 69.00 ay makakagawa ka ng 5pcs n letche plan na pwede mong ibenta ng 50.00 salamat sa pag babasa😊
1 comment
One of my favorite desert all the time .. but we must eat just once a month. Cause the cholesterol is too much.