Pag-gising ko sa umaga, pagtapon ng basura sa bakuran namin ang bumungad sa kin. Kitang kita ko talaga pagbukas ng pintuan. Naalala ko tuloy yung issue sa social media recently na kung saan dinisclose ng resort manager ang kadugyotan na ginawa ng customer (mga vloggers) nila sa kanilang resort. Ayun sa mga comments, mali ang resort manager sa pagdisclose ng ginawa ng vloggers dahil sa data privacy. Naging issue naman na walang basic human decency ang mga vloggers. Yun ang naalala ko sa kapitbahay. Hehe. Kaso I couldn't afford to have enemy kahit na two months na nila ginagawa on a daily basis. Hehe Share ko tuloy itong macro ng langaw dahil ito ay malapit mismo kung saan nila tinatapon basura. Actually, food debris ang tinatapon nila sa min.
3 comments
Hirap talaga sir gwapo Meron mga ganyan kapitbahay. Pagsabihan mo Kaya isang araw Kung Makita mo. Hehehe
Mabilis isara ang bintana kaya imbes na makausap, wala rin.
Kalungkot den pag na expose sila dahil sa mga ginawa nila :( Minsan nanamantala dahil sikat kuno sila huh Nice macro shots po😊