Kahapon, try namin na ipaalam dun sa GCash Pera owner para at least aware sila na baka makatanggap sila ng pekeng pera. Hindi na namin hinangad na ibalik nila yung Php500. Pero bago pumunta, parang ayoko na pumunta. Nag-overthink na ako. Pero sige pa rin, wala namang masama. Pagpunta namin doon, ayaw aminin na doon galing ang pekeng pera. Syempre, sino ba naman aamin di ba? Kaya pumunta kami doon para manotify lang sila. Hindi naman namin sila sisingilin. Nakikialam pa yung anak nya na wala naman doon nung nag-cash out ko. Tapos, may isa pang dumating na babae, to the rescue naman na nangingialam rin. Pero okay naman sa amin hindi ibalik yung pera. Notify lang namin sila na peke yung pera, na sana ay mag-ingat sila sa susunod. Kaso ayaw talaga aminin, kaya umalis na lang kami. Tapos ang sabi, sana sa kanila pa kami magpa-cash in. Eh di wow! Kaya ingat na lang po pag may transactions. Check the money sa harapan nila mismo.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet