Lunch Time! Done with my lunch, may share lang ako at ako'y natatawa talaga. Hahahahaha So naubusan kami ng mineral water at ako Yung need bumili at magbuhat nung mineral so dahil nga di na ako naglalabas ng bahay simula Nung June or July ata o mas early pa dun like bihira lang talaga kung lumabas man madaling araw mga 5am-6am sa tabing dagat ako napunta. So eto na nga naglalakad ako para bumili ng mineral tas nakasalubong ko isa sa mga tita ko Sabi "kailan ka pa dumating?" Napangiti nalang talaga ako pero Sabi ko "Hindi auntie nandito lang ako sa bahay di ako lumalabas" then Sabi nya "maniwala sayo?" Hahahah tas dumiretso na ako tas Nung nasa plaza na ako nagulat ako may tumawag sakin "MASTEEER!" tas Sabi ko "oh ambo kailan ka pa dumating?" Sabi nya naman "mga 1 month na master, ikaw kailan ka pa dumating?" Tas syempre sinabi ko ulit ung sinabi ko kanina na nasa bahay lang talaga ako. Hahahahahah! Buong barangay ata namin Ang alam nasa manila ako. 🤣🤣🤣 Kaya ayaw ko naglalabas mas okay na anonymous kung asan ako. Anyways grab your lunch na guys. Eat well po 😉💖
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
lumabas ka din kasi, kuya! Ang puti puti mo na!
Hahahahaha malabong pumuti ate 🤣🤣🤣