read.cash Log in
@irene edited more from that month

"My Little Version"

Minsan ba napapaisip nalang kayo na parang may katulad na katulad kayo, hahaha ako naku po yung anak kong panganay grabe. Hindi ko alam kung masusura ako o mayayamot sa ugali,kaso yung pinapakita niya eh parang yung ugali ko. hahaha Hindi naman sa masama or burangas ako slight lang hehehe,pero madalas talaga ako napapasigaw kapag sinasaway ko sila. Lalo na kapag ang dami kong ginawa or pagod ako sa araw na yun,hindi ko kasi maiwasan talaga na sumigaw habang inaawat sila sa kakulitan nila. [sponsors] Minsan din naman kapag nakahiga ako at gusto kong magpahinga tapos haharutin or sasakyan ako hindi ko talaga maiwasan magsalita ng hindi nakakatuwang salita. Kaya kapag naririnig ko yun sa anak ko hindi ko alam irereact ko kasi kuhang kuha niya ugali ko. Kaya minsan sinasabi ko nalang anak,hindi porket sumisigaw si mama at oinapagalitan kayo is gagayahin muna yun,hindi tama yun. Tapos sasabihin niya bakit mo ginagawa mama kung hindi tama oh diba bandang huli ako talaga yun eh. Kaya sinusubukan ko talaga na huwag magpakita ng hindi naayon kasi,ginagaya niya rin like nga ng pagsigaw ko habang inaawat sila. Yung kapatid niya ganun din ang ginagawa niya,kaya hindi talaga maganda na magpakita ng ganung paguugali sa kanila. Kaya sa mga magiging nanay or nanay na ang ipakita lang natin sa kanila is yung mabuti lang na halimbawa kasi once na nagpakita ka ng hindi maganda at ginaya nila,sayo din babalik eh. Para kang ginigisa sa sarili mong mantika.hehhee So ayun lang po masarap magkaron ng little version pero yung good side kasi kapag nakita mo yung bad side mo sa oinapakita mo. Hindi ka talaga makakapagreact. Salamat po sa pagbabasa!!

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.