read.cash Log in
@irene more from that month

"Ala-Ala ng aking Pinsan"

Sino nga ba satin ang walang tianatawag na pinsan, hehehe imposibleng wala diba kasi parte talaga to ng buhay natin lahat ang magkaron ng pinsan. Ano nga ba ang pinsan? Sila yung anak ng tiyahin mo na kapatid ng nanay or tatay mo, kaya tawag mo sa kanila pinsan. Meron akong pinsan, mas matanda ako ng limangtaon sa kanya pero ganun pa man hindi naging hadlang yun para maging close kami. Nung mga bata pa kami lagi kaming naglalaro dun sa may bakanteng lote sa likod ng bahay nila,kakandungin ko yun or nakapisan siya sa likod ko. Gustong gusto naman siyang kalaro kasi kahit ano nagagawa namin sa kanya,siya nga pala lalaki po yung pinsan ko na may pusong babae. Hindi namin alam kung dahil ba samin kaya siya naging ganun kasi nga nung mga bata pa kami lagi siyang pinaglalaruan ng mga kapwa namin pinsan. Binibihisan siya ng pambabae dahil puro nga kami babae may pinsan mang kaming allaki pero hindi nakikipaglaro samin yung mga yun,kaya kami kami lang na mga pinsan kong abbae at yun siya nga kasama siya. Kaya minsan naisip namin kaya siya naging ganun ng dahil samin. Tahimik at mabait yung pinsan ko na yun,si tango lang yun kapag kakausapin mo. Parang hindi uso ang iling sa kanya hahaha Nagkolehiyo kami at magkaklase kami at pareho ng Major? nagtataka siguro kayo kung bakit hehe sa hirap kasi ng buhay nahinto talaga ako ng pagaaral basta yun.. So ayun nung magkaklase kami nagkasama kami ng pinsan ko,sa kalukohan at sa lahat ng katuwaan nung kolehiyo. Hilig namin manood ng Basketball,kumain sa tabi tabi mag window shopping ganyan kami. Kaso nung nagkapamilya ako,nahinto nanaman ako sa pagaaral at siya nagpatuloy. Nakatapos siya ng pagaaral niya so lahat kami na angkan niya proud sa kanya. Ngunit hindi talaga siya pinapalad na makapasa ng LET kaya nagtiyaga muna siya magtrabaho sanprivate school na ang baba ng sahod. Kaya naghanap siya ng medyo malaki ang sahod, at yung nahanap niya na yun yun pala yung magpapahirap sa kanya. Awang awa ako sa pinsan ko nung naratay siya sa ospital,yung mga ngiti niya dati na kapag kausap namin siya hindi muna makikita sa muukha niya kundi paghihirap. Nagsimula lang yun nung nagtrabhao siya dun eh,pero hindi naman namin sinisisi yung trabaho niya pero siguro dahil sa hirap nga ng ginagawa niya puyat napabayaan na niya sarili niya. Sa kagustuhan na makatulong sa pamilya niya dahil siya yung panganay. Napakasakit talaga na makita mo yung ganung sitwasyon ng pinsan mo,yubg tipong gusto mo sana na matulungan siya pero wala ka naman magagawa simpleng dalaw lang ang kaya mong gawin. Kapag naaalala ko yung nasa hospital siya nadudurog talaga yung puso ko. Yung madalang nalang kami magkita nun tapos dun ko pa siya makikita,sa gamung sitwasyon pa. Napakasakit talaga,kaya ngayon yung mga magagandang alaala nalang namin yubg inaalala ko kasi kapag yjng sa hospital iba eh,nalukungkot at nadudurog ako na parang gusto kong sisihin yung mga humawak sa kanyang mga doctor at nurse bakut siya nag kaganun,bakit siya pinabayaan!!!. Pinsan Ganda,kung nasan ka man ngayon alam ko masaya kana sa piling ng Panginoon,Lolo at Lola mahal na mahal ka namin,sayang lang talaga dahil maaga ka niyang kinuha. Dami mo pang pangarap eh,pero siguro may plano ang Panginoon sayo kaya kinuha ka niya agad. Ikaw kasi ang magiging Guardiyan Angel namin diyan sa langit. Namimis ko talaga yung pagsigaw at pagcheer natin kapag nanonood tayo ng Basketball,yung naglalakad tayo kahit katirikin basta makatipid, yung pagtuturo natin sa Church sa mga bata kina Samunim at Rev. Yung tawa mo na kasing tipid mo,at yubng mga tinginang nakakita ng Pogi hahaha Miss you Ganda 😘❤️

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.