"Ganid"
Ano nga ba ang ibigsabihin ng "ganid"? Ito lang naman ang pinaka nakakasurang paguugali na makikita o mararansan mo sa isang tao,kakilala mo man o hindi!. Maraming ibigsabihin ng salitang yan,pero ano nga ba ang ganid?. Meron kasing taong ganid sa kapangyarihan,yung tipong nasayo na lahat pero kulang parin para sayo. Tulad nung napanood ko sa isang palabas, nakaposisyon na siya kung san ang pinaka mataas pero hindi parin sapat yun sa kanya at talagang ginagawa niya ang lahat para walang makapantay o makakuha ng posisyon na yun. Kahot ang kapalit nun eh pumatay siya ng mga inosenteng tao. Meron din akong maexperience,yung dating kapitbahay namin kala ko kaibigan ko pero yun pala sinisiraan ako patalikod. Alam niyo kung bakit kasi gusto niya makuha lahat ng loob ng tao dun sa lugar namin para sa kanya oorder o umorded. Oh diba ang tikas,yung tipoong ang bait kapag kaharap ka pero kapag nakatalikod ka sinasaksak kana pala. Napaka ganid talaga ng paguugali eh gagawin ang lahat para siya lang makakuha ng buyer. Alam niyo ba na ang pagiging ganid ay wala namang naidudulot na maganda sa tao?. Lalo niyo lang nilulubog ang sarili niyo sa putik. Kapag naging ganid ka,kahit anong bagay na meron ka hindi ka magiging masaya. At yung mga taong nagmamahal sayo o kaibigan mo ay lalayo sayo. Tulad nalang ng nangyari samin nung tinuring kong bff,hahaha masakit pero waley eh kesa naman magkasakitan pa ng pisikal o emotional diba mas mabuti ng lumayo nalang. Marami nga siyang naging buyer pero nawalan siya ng tunay na kaibigan. At nabalitaan ko nalang din na nawalan na talaga siya ng kaibigan dahil sa ugali niyang yun, hindi lang yun lalo pa siyang naging palalo at makasarili. Kaya mahirap magind ganid kasi hindi mo alam na maswerte kana kung anong meron ka,pero dahil sa ganid ka hindi ka makukuntento. Kaya kahit anong bagay ang meron ka hindi ka magiging masaya.
No comments yet