"Panaginip"
Sa kakapanood ko ng " Ang Probinsyano" nagiging aksyon tuloy ang napapanaginipan ko. Nanaginip ako pero dun sa panaginip ko wala naman akong ganap, baka ako yung narator dun hehehe!. May isang lalaki sa panaginip ko na gustong maging pulitiko,syempre para magawa niya yun kailangan niya ng malaking pundo para masuportahan ang mga pangangailangan niya sa kanyang pangangampanya. Baka balak din niyang kumuha o magbayad ng boto kaya ganun hahaha.. Kaya gusto niyang tumakbo sa eleksyon ay para sa sarili niyang dahilan lamang. Gusto niya kasi na mas lumaki ang kita niya sa kanyang mga negosyo at magagawa lamang daw niya ito kapag siya ay nakaupo sa isa sa mga posisyon sa gobyerno. Kaya naman lahat gagawin niya para lamang manalo. Kaya naman ng may lumapit sa kanya na isang mayamang binatilyo, na gustong ipatakot ang sariling ama para sa atensyon pinatos niya ito. Pano ba naman nagbayad yung binatilyo ng isang bag na puno ng pera. Oh diba kaloka talaga yung panaginip ko naging aksyon at parang may pagkakriminal ang datingan. Balik tayo sa napanaginipan ko, nung nagbayad yung binatilyo sinabi niya rin yung mga kailangan gawin sa kanyang ama. Kailangan daw takutin ito para hiwalayan yung kinakasama nitong nagngangalang Song Hye Kyo. Ang taray diba isang Goddess at sikat ng korean actress yung pangalan nung kinakasama nung ama nung binatilyo. hahhha 🤣🤣 Ako man din ay natatawa at naguguluhan sa panaginip ko. Ano kaya ibigsabihin nun para sakin? Ang gulo!! Sa tanang buhay ko parang ngayon lang ako nanaginip ng ganyan. Matagal na naman akong nanonood bg nga aksyon na palabas mapa telebisyon man o sa malaking panooran pero bakit may pag ganyan. Tapos yung paborito ko pang Korean Actress eh nandun din pero name lang hehehe. Sa totoo lang hindi ko na matandaan yung susunod na eksina, yan lamang ang natatandaan ko. Ano kaya yung ibigsabihin niyan sakin? oh may kinalaman lang kaya yan sa kinaadikan ko ngayon palabas na " Ang Probinsyano".? Yun lamang.. Salamat sa pagbabasa nawa ay magkaron kayo ng masayang panaginip..
No comments yet