read.cash Log in
@irene

"Paano malalaman kung ang guro ay epektibo ang pagtuturo?" Pangarap ko maging guro noong bata pa ko!,naaalala ko pa nga noon ng magtapos ako ng summer class ng ako'y anim na taon meron kaming babanggitin kapag aakyat na kami ng stage. Kung ano ba ang gusto mo paglaki mo" Ang sabi ko noon gusto ko maging guro para turuan ang mga bata" simpleng sagot ng isang anim na taong gulang. Nang ako'y nagkaedad yan parin naman ang kinuha ko,yun nga lang nadaig ng kahirapan at nabuntis din kaya hindi nakatapos..😂😂 Nung ako'y nagaaral ng kolehiyo bilang educator marami akong natutunan,hindi pala simple ang maging guro. Nandiyan yung gagawa ka ng lesson plan everyday,tapos iisipin mo pa kung paano mo gagawing masaya at kagana gana asa mga bata ang ituturo mo. Magiisip ka ng mga paraan para hindi boring at the same time madali nilang mauunawaan. So ayun na nga paano ba malalaman kung isa kang epektibong guro?

Kapag ba lahat ng estudyante ang nagtaas ng kamay sa tuwing may tanong ka? ( kami kasi noon tataas ng kamay para hindi matawag ng guro,kunwari alam namin pero kapag naman natawag andiyan si katabi para ibigay ang sagot.)😅😅kalokohan namin nung highschool

Kapag ba nakikita mo na nakikinig ang iyong estudyante?(kami kasi noon kunwari nakikinig yun pala nagslam note or nagflames sa papel)another kalokohan namin nung highschool at elementary.😅😅

Baka naman kapag nagexam!!at maraming nakakuha ng mataas na puntos(basta matalino at mabait ang katabi mo walang babagsak.)Naaalala ko noon pagkatapos magdiscuss ng guro namin talagang may short quiz siyang nakahanda. Hindi niya alam lahat din kami nakahandang magkophayan..😂😂pwera nalang talaga kapag one sit apart😂😂😅kapag talikod ng guro sabay tanong at kulbit ang ginagawa.

Oh kapag nagparticipate sa harapan ang studyante?? Ngunit paano na ngayong new normal,paano nga ba?kung ang magulang ang magiging facilitator ng bata? at paano yung mga batang walang naggagabay? Paano nga ba masasabing epektibo kang guro? Saludo ako sa mga guro na sa kabila ng pandemic ay handa parin magbigay ng kaalaman sa mga kabataan,Sa mga may opinyon kung paano nga ba malalaman kung epektibong ang guro magkomento lamang.. Malapit na ang pasukan kaya mga magulang ihanda na ang inyong mga anak sa darating na pasukan at sa new normal na tinatawag.. Ang artikulong ito ay hindi po nagpapakita ng panunuya sa mga guro,saludo po ako sa mga guro lalo na sa mga pang publikong paaralan dahil sa daming estudyante ay nakakaya nila itong maturuan,pero paano nga ba malalaman kung epektibo ang iyong pamamaraan sa pagtuturo👇👇👇👇comment below your opinyon??

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.