"Primitive Life"
Kanina nanonood kami sa you tube ng aking mga anak,ung bunso ko kasi parang gusto niya yung isang channel dun kung san tungkol sa "Primitive Building" kung san yung mga lalaki dun eh gumagawa ng bahay gawa sa lupa " hindi ko alam kung anong klaseng lupa yun" pero bibilib ka talaga. So ayun na nga gumagawa sila ng bahay with matching swimming pool pa,siguro marami rin ang nakapanood nito. Dahil marami silang viewers, million views so ayun na nga kapag yun ang pinapanood namin yung bunso ko nananahimik siya. Eh di yun na nga hinuhukay nila tapos kukurtehan ng gusto nilang design,kung baga sila na engineer sila pa yung interior designer. At hindi basta basta yung ginagawa nila kasi after nila dun ang ganda talaga ng nagiging resulta, hahha Tapos nun nakita din namin yung mga bata naman,yung sa kanila naman ay puro tungkol sa pagkain. Makikita mo na payak na payak yung buhay talaga nila,yung pagkain nakikita lang nila sa paligid. Kung baga kahit na ganun sila kabata kaya nilang mamuhay kasi marunong sila dumiskarte. Kumukuha sila ng kahoy, para gamiting panggatong. Lumulusong sa ilog para kumuha ng suso mga ganun,naghahanap sila ng pwede nilang makain. Kaya gusto ko rin ipanood sa mga anak ko kasi nakikita nila kung paano mamuhay kung halimbawa wala na kami or mawala sila..hehehe ang nakakasura lang dun is yung boses nila talagang istilong primitive time talaga hahhaa parang mga unggoy pero syempre pinoportrait lang naman nila yun para sa channel nila. Pero kung tutuusin nakakalungkot makakita ng mga bata na ganun yung ginagawa although palabas lang yun pero kapag nanay kana talaga tapos makakita ka ng ganun nakakalungkot lang.
No comments yet