"My Baby Boy"
time check 11:19 pero yan gising na gising pa,habang nanonood ng paboriyo niyang coco melon. Kahit anobg gawin kong magpapatulog diyan naku wa epek talaga,dapat kusa siyang mapapagod para kusa na siyang matutulog sa ganun kasi hindi siya iingit ingit sa gabi o habang natutulog. Kapag kasi pinatulog mo yan ng ayaw pa niya ang sistema eh naku ako naman ang mapupuyat kakaingit niya,kahit anong gawin mong pagpapatahan andiyan talaga yung iiyak iyak siya. Kaya hinahayaan ko nalang manood para kapag napagod na siya kusa nalang siya makakatulog,masarap ang magiging tulog namin. Kahit alam kong masamang magpuyat ang mga bagets kaso ano magagawa ko kung ayaw pa niya matulog. Yung ate naman niya ayun dahil hindi natulig ng tanghali ang aga natulog.😂😂 Kaya din siguro sa edad niyang isang taon palang na marami ng alam kakapanood niya ng mga video bg coco melon. Marunong na siyang mag abc at alam na niya ang mga letra kahit hindi magkakasunod, nagbibilang narin yan up to 10 sa kamay niya pa. Tapos nitong mga araw ayun natuto narin sa color at body parts niya,kung dati numbers at alphabet lang maririnig mo sa kanya ngayon pati colors at body parts. Sobrang naaamaze ako sa anak ko na yan,makikitaan mo talaga siya na gustong gusto niyang magaral
Gustong gusto niya nagsusulat,pati mga dingsing namin puro colors na at puro sulat.😁😁😁kaya palit nanaman kami ng wall paper pero imbis na magalit kami natutuwa kami sa kanya kasi ganyan siya.. Sana magtuloy tuloy hanggang paglaki ng aking baby boy,maging mahilig talaga sana siya sa pagaaral. Yung panganay ko kasisa kanta at sayaw lalong lalo na sa paglalaro dun magaling panganay ko..😁😁😁 Sa pagaaral ok din naman yung panganay ko sa totoo lang,nung grumaduate yung panaganay ko with honor siya. Pero kapag magsisimula na kong turuan yun naku daming dahilan eh,pero sa paglalaroabilis pa sa alas otso kung gawin. hahaha Ay ang dami kp nang kuda,salamat sa pagbabasa napahaba nanaman ata ang aking munting kwento.. Maramibg salamat ulit at Magandang Gabi sa inyong lahat!!.
No comments yet