read.cash Log in
@irene more from that month

"Barter" Hello! musta ang lahat,kwento ko lang yung pagbarter ko. Sa totoo lang inabot din ng ilang araw bago nakuha yung isa sa mga binabarter ko na gamit ni baby ko noon. Pero okay naman success ang unang barter, wait ko nalang na may kumuha ng iba ko pang binabarter. Kung tutuusin dalawa na yung nakipagbarter sakin dun sa duyan kaso tinanggihan ko. Yubg una kasi ang tinitrade niya ay sandals,hindi naman kasi ako mahilig sa sandals at marami rin ako nun dito hindi ko rin magagamit. Yung pangalawa naman pinapapunta ako sa bayan para makipag meet up, sa totoo lang wala naman kaso yung meet up kaso sa panahon ngayon sobrang mahal ng pamasahe,hindi ko naman din masisisi yubg mga nagpapasada bakit dahil lugi din sila kung tutuusin. Kaya ang nagyari cancel hahaha, nakalagay naman kasi dun sa post ko talaga na for pick up only. Kaya tinatanong ko talaga kung malayo sila dahil hindi talaga ako makikipagmeet up dahil sa mahal ng pamasahe. Tsaka mga preference ko lang fin sa bunbartee ko ay pang snack lang ng mga junak ko. Lagi kasing mga gutom,kaya yun lang talaga anv hinihingi kong kapalit nung mga item ko.

Yan na nga po sila yung kumuha nung walker ng baby ko,sinamaban ko narin ng mga pinagliitang damit ng bunso ko kasi same biy din yung gagamit..kesa nakatambak lang dito sa bahay much better ng may gumamit. Napakasarap sa pakiramdam kapag nakapagbigay ka sa tao,lalo na yung natuwa pa yubg pagbibigyan mo " Ang gaganda daw ng nga pinagliitang damit ng baby ko at sobrang natutuwa siya sa pabunos na binigay ko. Same din naman ako kasi natuwa naman yung nga anak ko sa pagkain nila,muntikan na nga maubos agad eh..at malamang yan hindi aabot ng kinabukasan yan..

Yang po yung kapalit ng walker ng baby ko..tinira talaga nila agad yan,kaya nakakatuwa talaga makipagbarter. . Nakakatulong kana sa iba,ganoon din naman sila sayo at yung mga gamit na nakatambak o hindi na ginagamit maaring mapakinabangan ng iba. Yun lamang maraming salamat sa pagbabasa..🖐️🖐️😊

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.