Single "Bakit hindi kapa nag-aasawa?" "Bakit wala ka pang anak?" Ganyan lagi ang tanong ng mga kamag-anak mo sa tuwing magkikita kita kayo. Para bang required na kasal kana dapat o kaya may anak na kapag makikita mo ang mga tito at tita mo. Oo, masarap magkapamilya. Pero masarap din naman maging single. Nagagawa mo pa mga gusto mong gawin na buhay. Nakakapunta kahit saan. It's your choice naman lagi. Enjoy your life hangga't gusto mo. Marami nga dyan, pamilyado na, pero buhay dalaga at binata pa din. Settle down kapag handa kana.. Kapag handa na ang puso, isip, katawan, at bulsa mo. Ako, kung may dumating edi salamat. Kung wala, ok fine. As of now kase, family pa din ang number 1 priority ko. Parang ang dami ko pang pangarap sa mama ko na kelangan kong tuparin. At isa pa, enjoy pa naman ako sa buhay ko. Not stressed kahit puro may anak na mga pinsan ko. Di naman ako nagmamadali. I'm waiting for the perfect time. In God's time.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet