Join 76,324 users and earn money for participation

Nagdadasal Ka Lamang Ba Kung May Kailangan Ka?

5 17 boost
Avatar for flordecar26
Written by   40
1 month ago

Hello po sa lahat!!!

Kumusta po naging weekends niyo? Sa akin naman medyo okay lang, dahil may nangyari sa ama ko na hindi ko inaasahan. Na nagpakaba ng malupit sa puso ko. Kung gusto niyo pong malaman kung anong nangyari basahin niyo lamang po ang link na ito.

https://read.cash/@flordecar26/keep-yourself-calm-when-your-heart-is-racing-cf663ff9

Tsaka mga ka read.cash readers wag na po kayong mag alala ay sa ngayon po medyo okay-okay na po siya. Sa katunayan nga po ay ayaw ko sana ngayong pumasok para naman mas maalagaan ko pa ang aking ama, pero dahil sa naka pangako na ako sa aking ka trabaho na siyang day off niya ngayon wala akong magagawa kundi ang pumasok.

Walang kasama ngayon ang aking ama sa bahay. Kahapon sinamahan siya ng aking kapatid dahil hindi ko pinapasok sa kanyang trabaho. Sinabihan ko siya na babayaran ko katumbas ng isang araw niyang sahod, bantayan at alagaan niya ang aming ama dahil hindi pa nun kaya ang mag gagagalaw dahil sa nangyari nung gabing iyon.

Pero ngayon ay kailangan na niyang pumasok dahil pag hindi pa siya pumasok naku po baka mawalan na siya ng trabaho. Kaya ayon po pumasok na siya ngayon.

Pero mga ka readers hindi po talaga iyan ang topic natin ngayong araw. Pero damay po iyan sa isusulat ko ngayon. At bago po natin simulan ay mag papasalamat po muna ako sa mga mapagbigay at mababait kong mga sponsors. Maraming salamat po talaga sa inyong lahat sa walang sawang pag-aaruga niyo po sa akin dito.

Sponsors of flordecar26
empty
empty
empty
empty

Oh siya ito na. Sisimulan ko sa tanong na:

Sa ganitong sitwasyon anu- ano ang iyong gagawin?

Para sa akin marami. Una na dito ang hindi ka magkanda ugaga sa pag iisip kung ano ang gagawin mo sa nangyayari. Pero hindi mawawala ang paghingi mo ng tulong sa kanya (ang tinatawag kong diyos).

Sa mga oras na iyon panay ang dasal ko na maging okay na siya. Na wag siyang papabayaan. Na siya lamang ang makapangyarihan sa lahat na kayang magpagaling sa aking ama. Basta wala na akong ginawa kundi ang tawagin siya.

Ganito ba talaga tayo? Nagdadasal lamang kung may kailangan?Tinatawag lamang siya pag may kailangan?

Masakit malaman pero kadalasan ganito talaga ang ganap. Aaminin ko ganito din ako minsan. Tao lang din naman ako na marunong makalimot.

Nagdadasal lamang kung may mga nangyayaring hindi maganda. Na nagdadasal lamang kapag kailangan ng tulong. Pero pag nasa ibabaw ng tagumpay halos makalimot na magpasalamat sa biyayang natatanggap.

Kahapon ay nagsimba kami ng aking nobyo. Kung hindi pa nangyari iyong nangyari sa aking ama ay hindi ko pa ata maiisipang magsimba. Simula nung magka pandemya bihira na akong makapagsimba dahil syempre umiiwas din sa virus pero gabi-gabi akong nagdarasal at nagpapasalamat sa mga nangyayari sa buhay ko.

Pero syempre din iba pa rin po talaga iyong na andun ka mismo sa bahay niya nagdadasal at napapasalamat sa mga ganap sa inyong buhay.

Una ako'y nagpasalamat sa kanya ng taos puso sa pag gagabay sa amin. Humingi rin po ako ng tawad sa lahat ng mga kasalanang nagawa ko. At nagdasal rin po ako na sana ay patuloy niya po kaming bantayan at gabayan. Na alam ko po na lagi niya namang ginagawa kahit na itoy hindi namin hilingin.

DENOUEMENT:

Wag nating ugaliin ang ganito. Normal lamang na maging ganito tayo minsan pero wag lamang nating kakalimutan na mag dasal din naman tayo kahit na wala tayong kailangan.

Magpasalamat tayo. Sa araw-araw na nakikita natin ay dapat natin iyon ipagdasal sa kanya. Alam ko sa sarili ko na anut-anuman lage siyang naka antabay sa atin.

Pasintabi po sa iba't ibang relihiyon na inyong sinasamba. Ginagalang ko po iyon. Malaya po tayo kung ano at sino ang ating pinaniniwalaan.

[SOURCE OF LEAD IMAGE:](https://www.google.com/amp/s/bluenessofprincess.wordpress.com/2013/10/15/pagdadasal/amp/)



Maraming salamat po sa inyong lahat sa inyong pagdaan dito. Ito'y malaking blessing na po sa akin na dapat kong ipag pasalamat. Mag iingat po tayong lahat.

Lovelots,

@flordecar26

2
$ 0.76
$ 0.71 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @Winx1988
$ 0.02 from @JRamona20
Sponsors of flordecar26
empty
empty
empty
empty
Avatar for flordecar26
Written by   40
1 month ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

I agree, we should always pray to the Lord whether in good or bad situation of our life, God is still working in us.

$ 0.00
1 month ago

I also agree with you too about this God is working in us.

$ 0.00
1 month ago

Yes Langga dapat mag pasalamat tayo araw-araw at wag natin kalimutan mag dasal kahit san tayo magpunta..🙏🙏

$ 0.00
1 month ago

Ou nga po. Makalimutan na ang lahat wag lamang iyan.

$ 0.00
1 month ago

Tama Langga .. yan ay mahalaga...

$ 0.00
1 month ago