read.cash Log in
f@fjam03 more from that month

It's been a while. Medyo matagaltagal na rin ako di nakapagpost dito matapos kami binagyo at hinagupit ng husto ni Super Typhoon Odette dito sa Cebu. Sa awa ng Diyos ay maayus naman kami kahit na nagkaroon ng damage ang mga bahay namin. Importante pa rin ang buhay kaysa mga gamit. Ang Diyos ang siyang tangi naming kaagapay sa panahon ng mg pagsubok na ito. Bukas ay Pista na ng Mahal na Patron namin dito sa Cebu na si Senyor Santo Niño, malaki ang pasalamat namin kasi pagkatapos ng isang buwan ay nagkakuryente at tubig na ulit kami. Hindi pa kami tuloyang nakakabangon pero kaming mga Bisaya ay hindinghindi susuko. Basta may Diyos, alam namin na makakaahon ulit kami, balang araw.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.