Myerkules na naman, panibagong araw na naman para magbanat ng buto. Sobrang hirap kumita ng pera pero kailangan para sa pamilya. Kagabi, nagpost ako dito na hirap akong makatulog dahil sa dami ng pumapasok sa isip ko na kung ano-ano nalang. Gusto kong matulog ng maaga pero ayaw talaga ng isip ko. Ginawa ko nalang ay nagdasal ako at sa awa ng Diyos, pinarelax ng Diyos ang isip ko at ilang minuto lang ay nakatulog at nakapagpahinga na rin ako ng tiwasay. Mga kaibigan, totoo ang Diyos. In good times at lalo na sa bad times natin ay anjan lang siya palagi, handang makinig sa atin. Good Morning Sa Lahat
No comments yet