Sobrang init, tapos biglang ulan? Ano na ba nangyayari sa panahon ngayon, sobrang unpredictable na. Mahirap pa naman magkasakit ngayon lalo na may pandemya pa. Kunting ubo at sipon lang, mapaghihinalaan na kaagad tayong may COVID. Daming maaapektuhan lalo na kung malalaman agad ng HR sa trabaho kasi 14 days quarantine agad. Mahirap na nga ang 1 day lang na walang trabaho, sobrang laki na ng mawawala, how much more pa kaya kung 14 days di ba? Okay sana kung pati bayarin ay natitigil pero ang saklap, hindi naman nagbabago ang gaastusin natin sa pang-araw araw.
No comments yet