read.cash Log in

@euhenceOnNoiseApp

Joined 8 September 2022 · 3885 posts

God is always good

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@euhenceOnNoiseApp

Good afternoon Para akong lalagnatin ngayon wala kasing tigil ang ulan simulan kaninang umaga kaya lumusong na ako sa malakas na ulan nag igib ako ng tubig habang umuulan pagkatapos ko mag igib binawasan ko din ang labahin ko para hindi ako matambakan dahil kung aantayin ko pa umaraw ay baka wala na kaming maisuot na dami hahahah kaya binawsan ko tapos ito nga nakakaramdam na ako ng sakit ng ulo at sipon wala kasi kaming payong kaloka as sobrang lakas ng ulan kanina tapos hangin pa wala kaming tubig kaya nag igib na ako pinuno ko din pati yung drum namin tsaka yung mga basahan nilabhan ko na. Uminum na ako ng gamot sana bukas ay maging maayos na ang pakiramdam ko nakapagluto na din ako ng pagkain namin para mamayang gabi hihi. Ingat po kayo lalo na sa tinamaan ng bagyo grabe ang lakad ng ulan walang humpay sana wlaa naman nasaktan o napahamak sa bagyong florita. Dadaan lang ako dito ngayon dahil maya maya kakain na para makatulog ng maaga at para bukas ay gumanda pakiramdam ko yung anak ko tulog na pinakain ko na din siya bago ko patulugin sana tuloy tuloy ang tulog para hindi na ako pagising gising mamaya. #noisecashthebest #ilovebch #keepsafenoisemates

@euhenceOnNoiseApp

Florita Signal number 1 sa lugar namin kaya pala kahapon pa walang tigil ang ulan at tuloy tuloy lang ito na ang buhay natin taon taon ang pagdaanan ang bagyo mabuti at nakakaraos din hiling ko lang sana walang masalanta o masaktan dahil sa bagyong ito. Mag-ingat po tayong lahat mapabahay man o mapalabas ng bahay doble ingat po kayo pray lagi para extra protection tayo kay god. Tambak nanaman nito ang labahin ko hihihi ako pa naman ee mahina ako sa lamig nginginig yung katawan ko tulad ngayon ang lakas ng ulan tapos kailangan ko na bangon para magsaing at magluto ng b-fast at baon nila ate at ng mga bata kaya kape muna para mawala yung lamig ng kaunti. Maraming salamat sainyong lahat hindi man ako active dito dahil bawas talaga ang oras ko sa paggamit ng phone dahil madami ako inaasikaso kahit nga panunuod ng kdrama ay hindi ko na magawa basta magawa ko lang yung gawaing bahay makapaglinis ako araw-araw okay na ako dun pinapahiram ko itong cp sa anak ko dahil wala siyang kasama dito sa bahay umiiyak siya kapag walang libangan kaya habang kumikilos ako sa bahay siya naman ay nanunuod sa cp ko para di maboring salamat kasiay nagbibigay lahit papano hihi lovelots at sana mas tumagal pa lalo ang pagsasamahan nating lahat. #noisecashthebest #ilovebch

@euhenceOnNoiseApp

Sili at sibuyas Magandang hapon noisemates hehe kanina nakatulog ako ng mahaba habang oras mabuti nalang at bago nakauwi yung pamangkin kong isa nakapagluto na ako ng lunch namin tapos na kami kumain at ngayon pinapatulog ko yung anak ko at pamangkin ko dahil maaga siya gumising kanina. Pag-uwi niya daming kwento hahaha ito pa namang pamangkin ko madaldal napaka daming tanong ako nalang nauubusan ng sagot siya hindi maubos ubusan ng tanong hahaa nakakatuwa at nag enjoy daw siya sa school tapos may rewards daw sakanya si teacher niya na mallows sabi niya bukas daw ulit pagbubutihan niya daw sa school. Share ko din pala itong sili na tanim ko medyo malaki na siya at yung isa naman ay sibuyas ililipat ko yan sa mas malaki wala pa kasi akong lagayan ee kaya jan muna silang dalawa dadagdagan ko pa yan ng kamatis at iba pa ehhe para makatipid din sa bilihin lalo kailangan magtipid dahil pasukan na at dagdag talaga sa gastos lalo na sa pamasahe. #noisecashthebest #ilovebch

@euhenceOnNoiseApp

First day of school Good morning noisemates pasukan na kaya ako kailangan ko mas maaga gumising para maghanda ng mga baon ng bata at pagkain nila sa umaga mabuti at okay na pakiramdam ko nasa school na yung dalawang pamangkin ko yung kapatid ko nandito pa mamayang 10am pa ang pasok matutulog muna ulit ako dahil aga ko nagising kanina ee baka magkasakit ulit kaya bawas bawas din sa pagamit ng phone. Ingatan ang inyong mga anak talamak na ang dukutan ng mga bata at dalaga kaya doble ingat po tayong lahat. #noisecashthebest #ilovebch

@euhenceOnNoiseApp

Good evening and good night Tapos na kami kumain nagpapababa lang ng kinain maya maya lang ay matutulog na hindi maganda pakiramdam ko kaya hindi gaano humahawak ng cp tsaka may mga ginawa ako dito sa bahay. Kamusta po kayo? sana okay kayong lahat hihi mag-ingat kayo palagi noisemates silip lang ako dito at hindi ko mapigilan hindi magnoise kahit isang araw lang hihi. Kain na din kayo jan pakabusog kayo at pray bago matulog love lots #noisecashthebest #ilovebch

@euhenceOnNoiseApp

Facebook reels hellow noisemates explore ako sa fb kung ano yung reels na yan kasi hindi naman ako nagbubukas na ng fb nagsearch ako sa yt kung paano makaearn o kung totoo ba pero wala naman masama kung susubukan anak ko nalang ipopost ko palagi hahaha May nagviviews naman kahit papano ng video na inaupload hihi try niyo din guys baka sa future makapag pay out tayo dito. Tapos na din pala ako magluto ng dinner namin kaya noisenoise muna ako dito. kamusta po kayo noisemates sana naging maayos naman ang araw niyo at ligtas kayo sa araw na ito last day of weekdays bukas weekends na kay bilis talaga ng araw hihi. #noisecashthebest #ilovebch

@euhenceOnNoiseApp

Shopee angpao Noisemates pasuyo naman pa claim naman yung shopee angpao ko random 30 pesos po yan hehe sa may mga shopee jan claim niyo na po sayang din pwede po sa piso piso deals sa shopee hehe thank you. I have sent out a ShopeePay Ang Pao 🧧. Hurry up! Click here to collect before it is fully claimed 👉👉 https://sppay.shopee.ph/angbao/xPolEXdix8GhUdCcXepvYv588hUUQbAr Help me noisematess #shopeeangpao

@euhenceOnNoiseApp

Good morning Hellow noisemates kakatapos lang namin magsikain sinangag at chicken hotdog ang aming ulam ngayon lang nakapagpost abala kasi ako sa mga bagay bagay hehe kain na din kayo ng bfast jan ha? ingat palagi dahil madami ang krimen nangyayari sa bansa natin dukutan, patayan at kung ano-ano pang mali na ginagawa ng iba nating kapwa tao. Share ko na din dito yung nakita ko sa tiktok na cash assistance ng dswd baka qualify kayo sa mga mabibigyan malaking tulong din yan para sa atin pangbili ng mga gamit sa school. Palaging mag pray wag iwaksi si god sa ating pang araw-araw na buhay may ibang tao binabaliwala siya pero buhay nila yun bahala sila jan. #noisecashthebest #ilovebch #screenshotphoto

@euhenceOnNoiseApp

Magandang hapon po Yehey tapos na ako sa labahin ko nakisama din ang panahon maganda ang araw samin kaya nakapagpatuyo ako ng mga damit yung iba natupi ko na tapos ayan yung mga natira sa bubung ko kasi sinasampay para mabilis matuyo tsaka mahaba naman yung gamit naming panungkit nakakangalay nga lang sa leeg hehehe. Happy nanaman ako at naubos na ang isang linggo naming labahin kayo noisemates naglaba din ba kayo ngayong araw? ano gawa niyo ngayon? ako ito pahinga at hawak agad ng cp magnonoise muna ako habang nagpapahinga dahil maya maya ay magluluto na ako ng dinner namin hehe maaga kasi ako palagi nagluluto para maaga makakain at maaga makatulog hahaha. #noisecashthebest #ilovebch

@euhenceOnNoiseApp

Good morning Tapos ko na ipaghanda sila ate ng baon tsaka pinalamig ko na din ang kakainin nila ate para pagkatapos niya maligo kakain na lang siya magpapsukan na sa lunes ganito gagawin ko tuwing madaling araw maghanda ng baon ng mga bata at pagkain pati nila ate hahah yaya ang peg parang ganun na din hahaha. Nakapagsalang na din ng labahin paikot ikot ko na madami dami labahin ko kaya kahit maaga baka abutin pa din ako ng hapon sana lang makisama ang panahon wag umulan para makapagpatuyo ako ng mga damit. Ako nagkape pa lang mamaya na ako kakain ng umagahan, ingat kayo palagi pagpapasok sa work pray lagi para palagi tayong safe hehe. Mamaya na ulit ako makakahawak ng cp dahil papahiram ko ito sa anak ko para hindi ako kulitin at dirediretso ang paglaba ko byebye muna lovelots. Share ko na din yung photo ng anak ko kahapon hahaa nanunuod kasi ako ng korean drama hindi ko siya napapahiram ng phone kaya ayan nagdrama siya ang ending pinahiram ko siya ang cute cute naman kasi imiyak parang aping api ee haha nakazoom yang picture kasi ggalit sakin ayaw ako pansinin. #noisecashthebest #ilovebch

+1 more

@euhenceOnNoiseApp

Morning Maaga ako natulog at ito maaga din nagising haha nagising kasi ako bigla hindi ko alam ang dahilan tapos hindi na ako makatulog maglalaba pa naman ako mamaya sana makatulog ako hirap palaging ganito magigising lagi sa madaling araw tapos hirap makabalik sa pagtulog hindi na ako makatulog ulit kahit anong pilit ko ng pikit. Malapit na pasukan dagdag gastos nanaman yung pamsahe ang mahal pa naman ng pamasahe tsaka baon pa at mga projects pero kailangan kaya need mag doble kayod hindi alam nila ate kung anong pagtitipid gagawin nila ee ako naman ay walang work dito lang ako sa bahay mag asikaso ako sa mga bata kapag magwork ako wala bantay kaya todo kayod din ako sa online app at iba pa kaya minsan nalang din ako makapagnoise iiwasan ko na din muna yung k-drama para hihihi. Baka gumamit nalang daw kami ng uling sa pagluluto para mas tipid na din sa gas okay lang naman sakin basta makatulong ako sa pagtitipid namin kapag meron naman akomg extra nagbibigay din naman ako hindi ko na nga maipon ipon yung 1bch ko dahil palagi ko nababawasan yung ipon ko pero di ako susuko maabot din kita pangako yan. May gising na ba?? morning sayo #noisecashthebest #ilovebch

@euhenceOnNoiseApp

My baby knight Good morning noisemates araw ng martes busy ang mga nanay bumili ng mga gamit para sa pasukan kaya naman mag ingat kayong lahat magdala ng payong panangga sa init o sa ulan hehe kain na din kayo ng bfast jan kami maya maya lang dahil busog pa ako nagkape at nagtinapay ako kanina ee yung mga bagets naman mamaya na daw. Habang tumitingin ako sa galery ko nakita ko itong newborn photos ng anak ko parang kelan lang nasa tiyan ko pa siya habang tudo trabaho ako laking masalamat ko talaga dahil wala naman naging malalang sakit ang anak ko naalala ko yung pinanganak ko siya grabe ang hirap muntik muntikan na akong mamatay as in para na akong nawalan ng hininga nun mabuti nalang at nakayanan ko at nailabas ko ng maayos yung anak ko at ito na nga malaki na baby ko mag tatatlong taon na siya sa december 28 matagal tagal pa pero sa panahon ngayon ang bilis lang yan hihi. Alam ko marami pang pagsubok na dadating sakin at sa anak ko naniniwala ako na malalagpasan namin yun dahil kasama ko ang pamilya ko at ang panginoon yung hiling ko simple lang laging ligtas ang pamilya ko at makaraus sa araw-araw okay na ako dun pagsisikapan ko din para mapagtapos siya ng pag-aaral kaya ipon lang ng ipon para sa anak ko laban lang sipag tyaga pananalig kay god paniguradong makakayanan ko din ang lahat. Happy weekdays noisemates araw-araw dapat maging positibo lang tayo at wag mag isip ng ikakastress natin hehehe smile lang at kaya natin ito. #noisecashthebest #ilovebch

@euhenceOnNoiseApp

Afternoon Hellow noisematesss ito nanaman ako hehe kamusta po panahon jan sainyo? dito samin sobrang kalas ng ulan ito ako at anak ko tsaka pamangkin ko pinagmamasdan namin ang ulan hehe trip ko din ito minsan mag emote emote kapag umuulan hahhha lalo na nung dalaga pa ako kapag umuulan gusto ko mapag isa tapos music tapos kain ganun lang chill chill ka lang wala kang ibang iniisip nakakamiss yung dati pero masaya naman ako ngayon at kuntento sa kung anong meron ako. Maulan din ba sainyo? mahina internet namin kapag umuulan dito kaya minsan hindi makapag upload ng picture ee. gusto sana nila maligo kaya lang sabi ko wag dahil uso magkasakit ngayon mahirap kapag ang bata ay may sakit mas okay kung naililipat yan para hindi sila mahirapan. Gawa niyo ngayon guys? hindi ko pa natatapos yung pinapanuod ko na series baka mamaya ulit dito muna ako tambay kay noise hehe. #noisecashthebest #ilovebch

@euhenceOnNoiseApp

K-drama time Dahil tapos na ako sa gawaing bahay pang umaga ngayon naman ay manunuod ako ng kdrama pero dito muna ang punta ko para magpost at magbigay ng t!ps hihihi nakapag walis na ako sa labas kahapon kasi nag inuman yung asawa ng ate ko sa likod daming kalat kaya nilinis ko talaga tska yung kukungan ng manok nila sa kapit babay nilinis ko dahil mabaho haha nakapaghugas na din ng pinagkainan namin tsaka nakapaglinis na ng cr mamayang hapon lilinisan ko yung mga electric fun tapos bukas maglalaba ako sana maganda ulit panahon para makapagpatuyo ako ng mga damit. Ngayon higa ginagawa ko nagtatype hahahha yung anak ko naman at mga bagets naglalaro sila kaunting pahinga at oras sa krama dahil maya maya lang magluluto na ako ng pagkain namin for lunch chill chill muna ngayon hehe Morning sainyo kain na kayo jan at mag ingat yung may mga lakad lapit na pala pasukan busy na ang mga bata sa school. #noisecashthebest #ilovebch

@euhenceOnNoiseApp

Done cooking for dinner Maulan na hapon noisemates tuwing hapon talaga umuulan ng malakas samin okay din naman para masarap ang tulog namin mamaya maaga ako nagluto nh dinner ginataang isda with pechay at kaunting sili para magana kumain mamaya tapos nagprito nalang ako ng hotdog para sa mga bagets. Magluto na din kayo jan noisemates shempre with love para mas lalong masarap hehe. maulan din ba sa lugar niyo? kamusta naman po ang family day? kami okay naman nuod movie at kain ang ginawa namin hehe. #noisecashthebest #ilovebch

@euhenceOnNoiseApp

Big mouth Good morning noisemates sunday ngayon walang pasok sila ate pero maaga pa din ako nagising hehe inaabangan ko kasi yung episode 6 ng pinapanuod kung kdrama big mouth kagabi ko pa yun inaabangan nag alarm ako ng 11:30 kasi yun daw oras maupload yung episode 6 umabot ng 12 am wala pa din kaya natulog na lang ako at kanina ngang paggising ko ng 4:00 am meron na hehe maganda bawat episode hindi ka talaga mapakali kakaisip kung sino yung totoong big mouse maganda siya panuorin kaya lang nakakabitin hehehe. Gumising ako para panuorin yun ngayon tapos mo na kaya matutulog ulit ako wala nman pasok pero kung hindi makatulog magluluto nalang ako ng umagahan para pag gising nila kakain na lang. Enjoy this sunday with family noisemates kahit hindi ako nakakasimba alam naman ni god na hindi ko siya nakakalimutan sa araw araw ng buhay ko. Mag ingat kung sino man ang may mga lakad kami kasi always sa bahay hehe good morning para sa mga gising na smile banat banat ng muka para hindi tayo tumanda ng maaga hehehhehehe happy lang good vibes ganun. #noisecashthebest #ilovebch

@euhenceOnNoiseApp

Good evening and good night Lahat siguro tapos na magsikain hehe katulad namin ito nakahiga na kanina pa kami tapos kumain dahil maaga ako palagi nagluluto tapos na din maghugas ng pinagkainan namin noise noise muna pangpa antok dahil maaga din ang gising ko bukas. Kanina pala ang lakas ng ulan umaga maganda panahon tapos kumukulilim tapos bandang hapon ayun na bumuhos ang malakas na ulan may kasama pang kulog naisip ko nanaman tuloy yung may mga bahay na tumutulo yung bubong tuwing umuulan panigurado nahirapan nanaman sila dahil naranasan ko yung bahay namin butas butas yung bubong kaya kapag umuulan aligaga kami ang hirap sobra yung tipong mapapaiyak ka nalang dahil wala kang magawa kundi titigan yung tulo at pasok ng tubig sa bahay niyo pero ginagawa naman ng paraan hehehe. Mahirap ang buhay pero kahit anong hirap pa yan laban lang kaya natin yan malagpasan manalig sa diyos samahan ng sipag at tyaga panigurado makakaraos din hehe. Salamat sa panginoon dahil hindi kami pinabayaan ano man ang dumadating na problema palaging din naman may sulusyon maging kuntento at maging masaya sa kapwa palagi din maging mabait dahil maiksi lang ang buhay swerte tayo kung araw araw palagi pa din tayong nagigising may iba kasi na kapag natulog ay hindi na nagigising kaya kapag nagising ka sa umaga mag pasalamat agad sa panginoon humingi ng tawad kung ano man ang naging kasalanan. Manalangin tayo bago matulog magaan sa pakiramdam iwasan ang pag iisip ng mga bagay bagay na hindi pa naman nangyayari para hindi mastress hehehe napahaba yung salita ko salamat kung may magbabasa hangang dulo hehe lovelots. #noisecashthebest #ilovebch

@euhenceOnNoiseApp

Good morning Hellow noisematessss happy saturday umpisahan ang umaga ng may ngiti sa labi at pagpapala sa panginoon grabe parang kelan lang nung monday tapos ngayon saturday na agad hehehe at talaga namang ganda ng umaga ko dahil masarap ang tulog ko buong magdamag tsaka kahapon natulog din ako nung hapon bumawi ako ng tulog talaga hehe hindi ko nga masyado nagamit cp ko dahil pinahawak ko muna sa anak ko para hindi ako guluhin habang natutulog ako hehehhe. Tapos kaya din mahimbing yung tulog ko kagabi dahil sobrang kalas ng ulan presko yung lamig sainyo din ba noisemates malakas dim ulan kagabi?? Ayun lamang po ingat kayo sa maghapon at maraming salamat sainyong lahat noisemates lalong lalo na sa noisecash superr salamatt po talaga bless you more. #noisecashthebest #ilovebch

@euhenceOnNoiseApp

Inis mode Yung ang sarap na ng tulog ko as in himbing na himbing na ako sa tulog ko bigla gigisingin ako dahil may pusa daw nakapasok pwede naman nila palabasin bakit ako pa gigisingin kaya nainis talaga ako dahil ngayon kahit anong gawin ko hindi ko na mahanap ang antok ko pabaling baling ako sa higaan at kahit anong pikit ko hindi ako makatulog kaya kuha ko cp ko at magnoise muna ako. May gising pa ba? ano gawa niyo? usap tayo wala kasi akong magawa wala din naman ako makita na magandang panuorin na movie may nakita ako kaya lang nakakatakot baka lalong hindi ako makatulog nakakasama lang ng loob alam naman na maaga ako gumigising kapag umaga tapos gigisingin pa ako nakakaloka huhu mamaya mag soundtrip nalang ako baka sakaling antukin ako sa mga kanta. #noisecashthebest #ilovebch

@euhenceOnNoiseApp

Good night Pagkatapos namin kumain tumambay kami ng anak ko sa labas sakto naman nakita ko ang buwan kaya share ko na din dito sa noise bago kami matulog naalala ko nung bata pa ako kapag ganitong maliwanag ang buwan magtitipon tipon kaming magkakaibigan tapos binili ng junk food at pagsasalu saluhan naming kainin yun habang nagkukwentuhan kayo anong kwento ng kabilugan ng buwan nung kabataan niyo noisemates?? Maaga ako matutulog dahil maaga din kasi ang gising ko tuwing umaga maraming salamat sainyo noisemates sa mga nakakausap ko dito araw araw nakakagaan sa puso at masaya talaga kapag nagtype ako ng reply at kapag nagchichika ako dito nakangiti talaga ako nasasabihan pa ako ng pamangkin ko bakit daw ako nakangiti haha sabi ko masaya lang ako haha byebye. #noisecashthebest #ilovebch #moonlight

@euhenceOnNoiseApp

Done everything Hellow tapos na ako sa lahat kanina pag gising ko nakape nagwalis sa labas at nilabas ko na yung mga basura dahil ngayon ang araw ng daan ng tagakuha ng mga basura sa lugar namin pagkatapos nun nagluto na ako ng ulam namin adobo dinamihan ko na para ulam namin hanggang gabi hehe tipid sa gas. Nakapaghugas na din ng pinagkainan at nag igib ng tubig para panligo namin mamaya mga 11:30 tapos magsasaing nalang dahil may ulam na kami masarap naman yung luto ko kaya hindi nakakaumay kainin hehehe. Ngayon at tamang noise noise muna habang maglalaro ang mga bata ayan yung kinain ko kanina napadami hahaha tsaka na sko mag diet kapag nag aaral na anak ko tapos yung flower naman bukod sa sunflower gustong gusto ko din ang bulaklak na ito nakastock lang sa galery ko kaya share ko na lang din dito. Mamayang hapon magtutupi ako ng mga damit na nilabhan ko kahapon happy dahil malinis na ang loundru basket namin hehe iipon ulit ng labahin. kamusta naman po panahon sainyo? dito samin ay makulimlim ang kalangitan ingat po kayo palagi hehe. #noisecashthebest #ilovebch

@euhenceOnNoiseApp

Laba day Good morning sobrang aga ko nagising palagi naman ahhaha mas maaga ngayon 3:30 palang gising na ako para mag asikaso ng labahin at nagsaing na din wala din pala akong masyadong tulog magdamag kasi nagising ako ng 12:00 am sa tahol ng aso yung ako ng kapit bahay namin kaya tapos kinabahan ako check ko yung mga bintana kung nakasara ng maayos tapos sumilip din ako sa labas ng bahay kung may tao kahit takot ako nakakakaba kaya pagising gising ako dahil sa tahol. Maaga ako magsisimula sa labahin para maaga din matapos at para hindi ako maabutan ng ulan tuwing hapon kasi umuulan dito sa lugar namin ee. Pray at doble ingat po sa inyong lahat magkaroon sana kayo ng maayos na araw sa bawat araw sa dumadaan palapit na ng palapit ang pasko hehe may naririnig na nga akong pang paskong mga kanta ee nakakatuwa din naman pakinggan hehe. Kape tayo kopiko blanka yun ang lagi kung kinakape minsan naman ay black coffee yung purong kape lang walang asukal hehe kapag umiinum ako nun hindi ako ginugutom ee. #noisecashthebest #ilovebch

@euhenceOnNoiseApp

Rainy afternoon Akala ko tuloy-tuloy na ang magandang sikat ng araw kanina hehe mabuti at hindi muna ako naglaba kasi ngayong hapon ay umulan ulit hehhee magluluto na ako ng ulam namin nakapag salang na ako kanina ng sinaing magtitinola ako ngayon dahil masarap humigop ng mainit na sabaw ngayon. Happy cooking sa tulad ko na kapag ganitong oras ee abala na sa pagluluto luto tayo with love para masarap kainin pero minsan nakakasama din ng loob kapag nagluto kana ng ulam tapos magluluto pa sila ng ibang ulam kasi hindi nila gusto o ayaw kumain ng luto mo ang ending ako lang umubos ng niluto ko nakakasama kaya ng loob kapag ganun sana makapagwork na ako at makapamuhay na din kami ng anak ko ng timihik at magaan sa pakiramdam i feel so sad talaga nitong mga nakaraang araw pero ano man ang nararamdaman ko laban lang para sa baby ko. Walang photo at mahina ang net kapag maulan hehe ingat sa mga pauwi na galing trabaho. #noisecashthebest #ilovebch

@euhenceOnNoiseApp

Sweatcoin Meron din ba kayong sweatcoin app noisemates? hehe nagsimula lang ako nito nung isang araw nakita ko habang nanunuod ako sa youtube ng mga earning apps nagiipon ako ng sweatcoin kasi sa september yung lunching ng sweat crypto abangan ko nga kung totoo na makakaearn daw ng totoong pera hehe basta libre go lang. Good morning happy monday sa lahat maulan pa din dito sa lugar namin ngayon sana ako maglalaba kaya lang nausog bukas dahil maglalaba daw yung kapit bahay namin kaya ako nalang magpaparaya bukas nalang ako sana gumanda yung panahon bukas. Ingat po kayo palagi sa araw-araw maulan kaya dapat lagi may dalang payong o kahit anong panangga sa ulan lagi din mag pray hehehe. #noisecashthebest #ilovebch

@euhenceOnNoiseApp

Good evening and good night Tapos na kami kumain busog sa kanin at niluto ko na simpleng ulam pagkatapos kumain nagmuni muni kami ng anak ko labas dahil tumila ang ulan tapos pagtingin ko sa taas aba may buwan akong nakita kung nakikita niyo sa picture ay bilog sa personal hindi yan bilog hahha pangit kasi camera ng cp ko kaya ganyan ee hehe. Kain na din kayo jan eat well and mamaya pray bago matulog bybye bukas po ulit. #noisecashthebest #ilovebch

@euhenceOnNoiseApp

Ubo at sipon Ang hirap kapag may nararamdaman ka ito pa naman pinaka ayaw ko may ubo na may sipon pa haha maya't maya ang singa ko sa towel pero nakainum na ako ng gamot para dito yun lang hirap talaga epekto ito ng pagpaulan ko nung nakaraan pati kapat bahay namin meron din sila mabuti na lang at yung anak ko tsaka pamangkin ko ay wala naman nararamdaman na ganito di baling ako nalang wag lang sila. Luluto na din pala ako ng lunch namin gulay gulay muna dahil mahal bilihin haha tapos dami pang bayarin kaya naman salitan ang ulam namin thankful pa din ako dahil maayos kaming nakakakain araw-araw hindi katulad ng iba na sobrang hirap talaga ng pinagdadaanan nila madami ako nakikita sa tiktok video na mga nanay hihingi sila ng tulong para sa pang araw-araw nila kung may pera talaga ako at may kakayahan na tumulong ay magbibigay ako lalo na kapag about sa mga bata nakakadurog ng puso. Kamusta naman po noisemates? luto na din kayo hehe para mamaya sabay sabay tayong kakain ng lunch time ingat kayo palagi hehe sending love and hugs kung may problema laban lang di tayo pababayaan ni god basta manalig at magpray promise may ihahatid siyang tulong para makausad tayo araw-araw. Minsan na lang pala ako makapagupload ng picture maulan kasi sa lugar namin kaya dina ako nakakakuha ng mga picture pang upload dito hehe share ko nalang itong puno na malapit dun sa bahay ng papa ng kapatid ko nung time na umuwe siya ng bicol dati nung mga bata pa kami hilig namin magkwentuhan tungkol sa mga nakakatakot na bagay yung puno na yan naiimagine namin na may nakatira jan na kapre tapos sabay takbuhan kami hahahah grabe ang saya saya talaga ng kabataan ko nakakatuwa at naranasan ko yung ganung alala minsan matatawa nalang ako kapag naiisip ko yung mga laro namin noon ee hehe napahaba ang kwento ko mamaya nalang magluluto muna ako noisemates. #noisecashthebest #ilovebch

@euhenceOnNoiseApp

Malamig na tanghali Hellow simula kaninang madaling araw maulan na hanggang ngayon kaya naman ang lamig lamig ng panahon haha tinatamad tuloy ako maligo hahaha pero maliligo pa din ako mag iinit nalang siguro ako ng tubig at yung mga bata iinit ko din ng pampaligo nakakairita din kasi sa katawan kapag hindi ka naligo sa isang araw. Luluto muna ako ng lunch namin pagkatapos ay paliliguan ko na mga bata pagkatapos nila ako naman tsaka kakain na kami pagkatapos naman kumain matutulog kami dahil yung ganitong panahon nakakaantok talaga parang hinihila ka talaga ng higaan hehehe. Gulay ang ulam namin ngayon adobong sitaw na may tokwa hehe kayo noisemates anong bida sa inyong hapag ngayong lunch time? eat well sa mga kumakain na jan. #noisecashthebest #ilovebch

@euhenceOnNoiseApp

Mahabang pasensya Isa sa kailangan na meron ka kapag nanay kana ay mahabang pasensya yung tipong maiiyak kana lang dahil minsan hindi talaga sila sumusunod sa sinasabi mo at parang walang naririnig minsan nauubusan din ako ng pasensya lalo sa mga pamangkin ko sobrang matigas ang ulo kaya napapaiyak na lang ako kesa masigawan ko sila kapag ganitong naiinis ako ay ako na ummiwas ayaw ko sila masigawan ko mapalo sabi nila ate kapag matigas ang ulo papaluin kung pwede naman na madaan sa pakiusap hindi ko talaga gusto yung palo palo na yan ayun lang nastress ako kailangan ko pa magipon ng mahabang mahabang pasensya hehe. Ngayon lang din nakapagpost pasilip silip lang dito iniiwasan ko muna gumamit ng cp at napapadalas ang sakit at kirot ng ulo ko. Kamusta naman po sa lugar niyo dito samin maulan kaya sarap humiga at kumain hehe kakatapos ko lang din pala magluto ng sinaing at ulam ginisang ampalaya with egg ang aming ulan mamaya hehe. #noisecashthebest #ilovebch

@euhenceOnNoiseApp

Morning Flowers para sainyo noisemates haha joke lang po talbos ng kamote yan gusto ko kasi kumain niyan yung ilalaga tapos isawsaw ko sa tuyomansi hay panigurado solve na solve nanaman ang tummy ko para naman sa mga bata pinagluto ko sila ng cornbeef with egg yun daw gusto nila ulam ako naman ito ang gusto kong kainin hehe. Kain na din kayo jan noisemates hindi na ako nakapag reply kagabi dahil pagod ako talaga sa paglalaba kaya bawi ako ngayon hehe may oras na para makapag ingay. #noisecashthebest #ilovebch

@euhenceOnNoiseApp

Heello Sa wakas nakatapos na din sa labahin tapos na din magsampay sakto pagkatapos ko maglaba siya namang buhos ng ulan at sobtang lakas kaya thankful ako dahil hindi ako inabutan sa labas ng ulan hehe happy lang ako at natapos din ang tambak na labahin sinama ko na din yung pillow case at kumot tsaka mga towel namin as in malinis ang loundry basket namin hahah mamaya pagsidatingan nila ate may labahan nanaman hehe panibagong pagiipon ulit ng labahin hahah. Pahinga lang kaunti maya maya magluluto na din ako ng dinner namin tamang kape muna at tinapay dahil nakakagutom talaga ang pag lalaba kayo noisemates meryenda na din kayo jan. ano gawa niyo? maulan din ba ulit sa lugar niyo? #noisecashthebest #ilovebch