Makapagpost nga dito sa channel ko kawawa naman haha. Paano ba magbura ng channel? Kahit pa single mom ako masaya at hindi ko ikakahiya yun may mga bagay talaga na hindi para sa atin at sadyang inaalis na atin ng tadhana para mapunta tayo sa tamang landas at makakabuti para sa ating bawat isa. Naniniwala ako na ang lahat na ito ay may rason. Ang magagawa ko lang ay alagaan at huwag magkaitan ng pagmamahal ang anak ko, hanggang kaya ko ibibigay ko ang lahat ng pangangailangan niya at pupunan ko ang pagmamahal bilang isang ama at ina sakanya. Parang kailan lang ang bilis ng panahon malapit kana mag dalawang taon, tandaan mo anak love na love ka ni mama. Hindi mo man maintindihan ngayon pangako pagmarunong kana umintindi ipapaliwanag ko sayo ang lahat-lahat. Wala akong ibang hiling para sa sarili ko kundi makita kang lumaking mabuting bata at mapagmahal na anak. Pinapangako ko makakapagtapos ka ng pag-aaral hindi ako mawawala sa tabi hanggang sa kailangan mo ako.
No comments yet